Alicia's Mom

55 6 0
                                    

⚠️TRIGGER WARNING ⚠️

Alicia's POV

I woked up in the middle of the night and got scared because there's no light in here. And I remembered that my OWN mom locked me up here. I shout and shout until I get tired, no one cares about me, I cried remembering what happened earlier.

"WALA KA TALAGANG KWENTANG BABAE KA!! PURO KAMALASAN ANG DALA MO SA BUHAY KO. SIMPLE LANG NAMAN ANG PINAPAGAWA KO SA 'YO HINDI MO PA MAGAWA NG MAAYOS!!" Sigaw nito sa akin habang hinahampas ng malaking kahoy sa akin. Walang sawang paghampas ang iginawad niya sa akin.

"MOMMY STOP!! MOMMY MASAKIT!! HUHUHU." Pagmamakaawa ko sa kanya dahil halos sumuka na ako ng dugo kakahampas niya pero hindi pa rin siya tumitigil.

"M-mommy, s-stop. Hindi ko.. na po k-kaya." At nawalan na ako ng malay, nagising na lang ako sa madilim na bodega kung saan ako nakakulong ngayon.

Narinig kong bumukas ang pintuan at nakaramdam ng takot dahil pumasok ang Mommy ko, mas siniksik ko pa ang sarili ko sa isang sulok para lang lumayo sa kanya.

"Mommy, palabasin mo na ako rito. I-I'm scared po." Umiiyak kong sabi sa kanya, pero hindi ako nito pinansin.

"Your father will fetch you here next week, sa kanya ka na titira." Agad naman akong nagulat sa sinabi niya at naexcite kase makakaalis na ako sa impyernong 'to.

"This my warning to you, Allaine. Don't you dare tell your dad that I'm abusing you. Kapag nalaman ko na nagsumbong ka, alam mo na ang mangyayari." Pananakot nito sa akin kaya wala akong nagawa kundi sundin at tumango na lang.

~~~

Ngayon na ang araw na susunduin ako ng Daddy ko, sobra akong kinakabahan at naeexcite dahil miss ko na siya. Naghihintay na ako malapit sa gate namin nang dumating na ang sasakyan nito, pagkababa niya ay agad ko naman siyang niyakap, ganoon din ang ginawa niya sa akin.

"I miss you so much, Daddy!" Halos maiyak ako dahil sa nararamdaman ko ngayon, sobrang saya ko kase makakaalis na ako sa puder ng Mommy kong sinasaktan lang naman ako.

"I miss you too, sweetie. Get your things na, and magpaalam ka na sa Mommy mo. Aalis na tayo." Agad naman akong tumakbo sa loob at nagpatulong ako sa mga maids na buhatin ang gamit ko at nagpaalam na ako kay Mommy kahit hindi naman na kailangan.

"M-mommy, a-alis na po kami." Pagpapaalam ko sa kanya.

"Remember what I said to you, Allaine." Ayan lamang ang huling sinabi nito bago ako tuluyang kunin ni Daddy.

"Kumusta ka, my princess? Maayos naman ba ang pakikitungo sa 'yo ng mga tao roon." Tanong ni Dad kaya agad akong kinabahan kung sasabihin ko ba o hindi.

"Ahmm, o-okay naman po. M-maayos naman po ang trato ni M-Mommy sa akin." Utal-utal kong sabi dulot ng kaba sa aking dibdib, dahil na rin sa takot ko kay Mommy.

Papunta kami ngayon sa probinsiya ng Daddy sa Bamban, Tarlac. Doon siya nakatira kaya malayo talaga kami sa isa't isa dahil sa China pa ako dinala ni Mommy, minsan niya lang din ako nadadalaw dahil busy siya sa mga negosyo niya.

~~~

Nakarating na nga kami sa Bamban kaya bumaba na kami sa sasakyan na nagsundo sa amin sa airport, sinalubong kami ng mga kamag-anak namin at isa-isa nila akong niyakap. Lumapit sa akin ang lola ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Miss na miss kita apo ko. Ang tagal nating hindi nagkita." Naluluha na si Lola Edna habang yakap-yakap ako kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Miss na miss ko rin po kayo lola!" Sabi ko rito at mas lalo pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Pumasok na nga kami sa loob at kumain dahil marami ang hinanda nila.

Thank God I found you.Where stories live. Discover now