Something's fishy

48 6 0
                                    

Theresia's POV

The event started and we all sat down in front, while watching the performers I notice Donya whispering something to Alice.

"Shit, why they are so close to each other??" I thought.

Tiningnan ko lang ito ng masama at lumingon naman si Alice sa akin kaya nagkasalubong ang aming mga mata, agad itong lumayo kay Donya. Natapos na ang mga nagperform at kakain na kami. Bahala kayo diyan.

"Alicia Allaine." Tawag ko rito at agad naman akong nilingon.

"Yes, Love?" Halatang kabado ka Alicia, ah. Yari ka sa akin pag-uwi.

"Dito ka." Seryoso kong sabi, sumunod naman agad ito at tinabihan ako, pero umepal na naman ang lintek kong pamangkin. Sasabunutan ko na 'to, eh.

NAMUMURO KA NA! NAKAKAGIGIL KA NA! NAKAKAPIKON KA NA!!

"Babe, come sit beside me." Paanyaya niya kay Alice, nag-alinlangan naman si Alice kung ito ba ay uupo sa tabi niya o sa tabi ni Donya, pero mas pinili niyang maupo sa tabi ko.

"Ahh, dito na lang ako Dons, nandito na rin ako, eh." Aangal pa sana, pero agad nang naupo si Alice at nagsimulang kumain, kumain na rin ako at habang kumakain ay nagsalita si Loren.

"Inom tayo after this, guyz!" Lasinggera talaga 'to, pero sige alak na 'yan. Tatanggi pa ba ako? Syempre hindi.

"Ikaw, Loren puro ka inom." Imee said na para bang sawa na kay Loren kakaaya uminom.

"Kung ayaw mo sumama, 'wag kang sumama hindi 'yung ang dami mo pang sinasabi!" Sigaw ni Loren kay Imee, nagsisimula na naman sila.

"Tama na 'yan, lahat tayo iinom, minsanan lang naman." Sabi ni Pia na agad namang kinatuwa ni Loren.

"Eh ano ka ngayon?" Nang-asar pa talaga si Loren kay Imee.

"Pake ko sa 'yo?" sagot naman ni Imee. Parang mga bata ampota.

"Ikaw babe, sasama ka ba or want mo na umuwi?" Tanong naman ni Donya kay Alice, tiningnan ko ito at naghintay ng sagot niya.

"Sama na lang ako, wala naman akong gagawin at wala rin akong pasok bukas." Sinamaan ko 'to ng tingin, bakit sasama? Pumayag ba ako?!?

Nag-iwas ng tingin ito at pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos kami ay agad na rin kaming nagpadala ng beer sa table nami at sinimulan na ang inuman.

"Alice, oh inom ka muna." Alok ni Imee kay Alice na tinanggap naman din. Kapag ito talaga nagwala rito.

"Ali, hinay-hinay lang sa pag-inom, baka magwala ka rito." Maoy kase ito kapag nalalasing kaya nakakaba.

Author:Why mo alam na maoy, Asir? Something's fishy. 🤭

Thank God I found you.Where stories live. Discover now