Comeback

55 6 0
                                    

Alicia's POV

Lumipas ang mga taon at naging mayor na ako ng Bamban, naka-move on na rin ako sa nangyari kaya ngayon ay masaya akong namumuhay kasama ang mga taong nagmamahal sa akin.

"Ate Gee, good morning." Masaya kong bati sa kanya.

"Good morning mayora, kain na po tayo." Yaya nito sa akin.

"Mayora may pumunta nga po pala rito kanina, hinahanap ka po." Sabi ni Gee

"Sino raw at anong kailangan?" Takang tanong ko rito, sino naman 'yun?

Sasagutin na sana niya nang may narinig kaming doorbell kaya pinagbuksan niya ito. Nagulat naman ako nang makita kung sino ang pinapasok niya sa bahay ko.

"Ahh, ma'am siya po 'yung naghahanap sa 'yo." Iniwan na nga niya kaming dalawa at lumabas muna siya.

"Long time no see Alice." Bati nito sa akin.

"What are you doing here?" Walang buhay kong tanong sa kanya.

"Namiss kita, bawal ka bang dalawin?" Tanong nito habang nakangisi.

"Pwes! Hindi kita miss, kaya umalis ka na Theresia!" Tinulak ko ito palabas pero nagmatigas lang ito at yinakap pa ako.

"Ali, I'm here to court you again. Hanggang ngayon ikaw pa rin, hindi nagbago." Sabi nito habang yakap-yakap ako.

"Theresia, ano ba! Kapag nalaman ni ate Leni na nandito ka mag-aaway na naman kami!" Pagpupumiglas ko rito pero hindi talaga siya natinag. Tatadyakan ko na 'to, eh!

"Wala na kami ni Leni, nakipaghiwalay na ako sa kanya. Kinausap ko ang Daddy niyo kaya walang nagawa si Leni." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Alice please!! Pumayag ka nang ligawan kita!!" Paiyak na siya behh!! Susko naman!

"Sigurado ka bang wala na kayo at hindi niya ako aawayin?" Tanong ko rito dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari.

"Oo, kung gusto mo 'wag muna natin ipaalam sa kanila na may relasyon tayo." Tiningnan ko naman siya at pumayag na lang.

~~~~

Ilang buwan ding nanligaw si Risa sa akin at sinagot ko siya nung birthday niya, kaya ngayon ay magkasama kami sa office ko, gusto niya raw akong kasama. NAPAKACLINGY!!

"Love, I love you!" Napakarandom naman nito.

"Ewan ko sa 'yo." Pagtataray ko rito.

"Luhh! Nasaan ang I love you too?!?" Pagmamaktol nito.

"Hayy naku! I love you too! Umuwi ka na nga, panggulo ka lang, eh." Ina neto ang kulit.

"Ganyan ka, parang hindi mo ako mahal." Nagtatampo na siya mga beh!

"Sino ba nagsabi sa 'yo na mahal kita?!" Paiyain ko nga 'to. HAHAHA.

"LOVE!! Kapag ako umiyak dito sige ka!" Niyakap ako nito habang paiyak na. HAHAHA.

"Edi iyak well!" Asar ko pa rito kaya umiyak na talaga siya.

"Luhh, sorry na! HAHAHA. Iyakin mo naman." Suyo ko rito. Feeling baby ampota.

"Ayaw ko, 'di mo na ako love!" Nakangusong sambit nito.

Natawa na lang ako sa reaksyon nito at sinuyo na lang ang baby dragon ko.

"Sorry na po Love ko! Kiss na kita, muahh, muahh." I showered her with my kisses, kaya ayun bati na kami. Kiss lang katapat ni baby dragon ko.






Cringe!!

Thank God I found you.Where stories live. Discover now