Theresia's POV
Hindi ako makatulog at nagpatugtug na lang at nilakasan ko ang volume nito nang makarecieve ako ng chat from our gc.
Sinend ni Loren ang picture ni Alice at Donya na nasa dance floor kaya agad akong lumabas at nagmaneho papunta sa Xylo, humanda ka sa akin Alicia Allaine Guo!
Nakarating na nga ako sa Xylo at agad na hinanap sila Alice, agad ko naman itong nakita at mas lalo akong nagalit nang maabutan ko sila ni Donya na magkalapit ang mukha kaya nagmadali akong pumunta roon upang kunin si Alice.
"Alicia, let's go." Hinapit ko ang kanyang bewang palayo kay Donya para na rin hindi matuloy ang balak nila.
"R-Risa, w-what are youshh doingssh here?" Hindi ko na ito sinagot at hinila na palabas nang pigilan naman ako ni Donya.
"Tita, what are you doing? Bitawan mo nga si Alice!" Aba'y sinisigawan na ako nito.
"Umuwi ka na, Donya. Ako na ang bahala kay Alice."
"No! Ako ang mag-uuwi sa kanya tsaka ano mo ba siya, ah?!? Lagi ka na lang naninira na moment namin!!" Pagalit nitong sabi sa akin.
"She is my girlfriend." Tipid kong sabi sa kanya.
"W-what? H-how?" Hindi makapaniwala niyang sambit at tumulo ang luha nito.
"Excuse us, Donya. You should go home, ipapasundo kita."
"No!! Hindi totoo ang sinasabi mo! Akin lang si Alice! Babawiin ko siya sa 'yo." Sigaw niya sa akin. Tangina, masasampal ko 'to.
"Then try it if you can. Donya, I know that you really know me and alam mo rin kung ano ang ayaw ko."
"Wala akong pakealam kahit tita kita! Kukunin ko sa 'yo si Alice at kakalimutan kong kamag-anak kita!" Edi goww, no one stopping you.
"Me as well, I don't care if you are my niece, once I found out na lumalapit ka pa sa girlfriend ko alam mo ang mangyayari sa 'yo." Tumalikod na ako pero may pahabol pa talaga siya, special ka Sis?!?
"Hindi ako natatakot sa 'yo, gagawin ko ang lahat masira ko lang kayong dalawa!" Sigaw nito.
"Go and try me, my dearest niece."
FAST FORWARD ~~~
Nakarating na kami sa bahay at binuhat ko naman si Alice papunta ng kwarto dahil nakatulog na ito sa sobrang kalasingan.
"Love! I love youshh sorrr mucshh!" Lasing nitong sabi.
"We'll talk tomorrow, Alicia." Inihiga ko ito at kumuha naman ako ng warm water para punasan at bihisan ito.
"'Di mo na na ako love!" Baliw ampota, bigla-bigla na lang sumisigaw.
"Matulog ka na, Alicia."
Lalo pa itong nagtantrums, kaya ayokong nalalasing 'to, eh. Maoy!
"Look, y-you're not even calling me Love anymore!!" Iyak nito sabay bato sa akin ng phone niya. Tangina, ang sakit, sapol na sapol ang mukha ko.
"Alicia! Ang sakit, pwede ba matulog ka na kase bukas mag-uusap tayo sa ginawa mo ngayon."
"Ayoko!" Pasalamat talaga 'to mahal ko siya.
"Edi wag mo!" Nahiga na ako sa tabi niya ngunit ito au aking tinalikuran.
Narinig ko naman ang mga hikbi nito kaya hindi rin ako makatulog, agad ko itong hinarap at nakita ko ang magang-maga niyang mata.
"Love, stop crying na po. I'm sorry, I love you so much po my Ali." Yakap-yakap ko ito at hinalikan na sa labi.
Author: kinikilig ako!!
"Hmpp, you don't love me anymore! Siguro mas love mo na si Patricia!" Nakapikit na ito habang nagsasalita pa rin at patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Love, Patricia is nothing. Ikaw lang ang love ko okay? Let's sleep na po." Tumango naman ito sumiksik sa akin at ibinaon ang kanyang mukha sa aking dibdib.
Alicia's POV
Nagising ako dahil may tumawag sa akin kaya kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag, hindi ko na tiningnan kung sino ba ito.
"A-alice, is it true?" Narinig ko naman ang paghikbi ng nasa kabilang linya, sino ba 'to? Ang aga-aga ang drama!
Chineck ko naman ang name nito kaya nalaman kong si Donya lang pala. Bakit umiiyak 'tong gaga?
"Hey, what happened? Why are you crying?" I asked her.
"I-is it true na kayo ni tita Risa?" Huh? Pinagsasabi niya?
"W-what are you talking about?"
"Wala ka bang maalala kagabi? Sinundo ka ni tita sa bar at doon niya sinabi na layuan kita kase g-girlfriend ka niya, tinakot niya pa nga ako, eh." Tangina, yari ako nito kapag gising niya.
"Wala, eh, but you-" naputol ang sasabihin ko nang biglang kinuha ni Risa ang phone ko at pinatay ang tawag.
"Nakikinig ba siya sa amin?" Agad namang pumasok sa isipan ko.
"Bakit mo naman pinatay, Theresia?!? Kausap ko 'yung pamangkin mo!" Tatayo na sana ako nang higpitan niya ang yakap niya sa akin at mas lalong siniksik ang sarili sa aking dibdib.
"Stop talking with her, Alicia." She said in a sleepy voice.
"And why would I? You even tell her our relationship!"
"Why not? Tapos naman na ang kaso mo kaya pwede na natin sabihin sa kanila kung anong meron sa atin." Pero hindi pa ako handa, natatakot ako na baka masira ang reputation ni Risa.
"Love, are you sure na matatanggap nila tayo? Knowing na sa mata nila ay magkaaway tayo." Nangangamba ako sa pwedeng mangyari sa amin kapag nalaman ng taong bayan ang namamagitan sa amin.
"Don't worry about them, wala silang karapatan na husgahan tayo. Kung ayaw nila sa atin, edi 'wag, ganun lang 'yun." Wala na ba talaga siyang pake sa reputation niya?
Hayyst, bumaba na nga kami para maghanda ng almusal nang madatnan namin ang mga kaibigan niya na kumakain na. Luh? Paano nakapasok 'to mga 'to? Mukha pang mga sabog!
AYOKO NA!!!
YOU ARE READING
Thank God I found you.
RomanceAlicia Allaine Guo, Ang kauna-unahang babae na naging mayor ng Bamban, Tarlac. Namumuhay ng mag-isa at malayo sa pamilya at naghahanap ng taong magmamahal sa kanya ng totoo. Ana Theresia Hontiveros, Ang taga-buhat ng senado at naghihintay ng love li...