Yari ako kay BOSS

51 6 0
                                    

Theresia's POV

"Tangina niyo! Ang galing niyong magtago!" Sigaw ni Loren habang may laman ang kanyang bibig, tumalsik pa nga!

"Ang baboy mo naman Loren! May laman pa 'yang bibig mo salita ka na nang salita!" Asik ni Sarah kay Loren.

Ina netong mga 'to, pumunta lang rito para manggulo, eh! Pasalamat talaga sila at kaibigan ko sila kundi baka matagal ko na sila nabomba isa-isa.

"Pero paano niyo sasabihin sa kanila na may relasyon kayo lalo na't may issue pang kinakaharap si Alice?" Tanong naman ni Pia kaya napatingin ako kay Alice na ngayon ay nakayuko habang pinaglalaruan ang pagkain niya.

"Let's not talk about it for now. Siguro ay asikasuhin muna natin ang kaso niya bago tayo mag-isip kung paano sasabihin sa mga tao 'yung relasyon namin." Tumango na lang sila at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos na kami ay napagpasiyahan namin na manood ng movie sa sala para na rin mabawasan kahit papaano ang mga stress namin. Next week na rin kase ang huling hearing ni Alice at doon na namin ilalabas lahat ng evidences na magpapatunay na talaga ngang biktima siya ng POGO HUB na nasasangkot sa kanya.


~~~~

Alicia's POV

Kinakabahan ako ngayon dahil ngayon ang huling hearing para sa issue kong POGO, maaga akong nag-ayos dahil 9:00 ang start ng hearing at medyo malayo-layo ang biyahe. Si Risa ay nauna na dahil hindi naman kami pwedeng magsabay pumunta roon, maraming media ang naghihintay sa amin.


"Ate Gee at ate Cath, una na po ako. Kayo po muna bahala rito." Nakita ko naman sa kanilang mata ang lungkot at pangamba.

"Mayora, babalik po kayong buo rito at malinis na ang pangalan niyo, ah." Naiiyak na sambit ni Cath kaya niyakap ko sila to assure them that everything's gonna be alright.

Umalis na nga ako at dumaan muna sa drive thru dahil hindi pa rin ako nag-aalmusal, nag-order din ako para kay Risa, papabigay ko na lang kila Sen.Loren ng palihim. Pagkatapos ay tumuloy na ako.


~~~

Nakarating na nga ako sa senate building at nasaktuhan ko naman si Risa na kakapasok lang din at may kasama pang babae na kung makalingkis ay akala mo linta. Kumukulo ang dugo ko sa nakikita ko! Ang saya pa nila, ah. Bumukas na ang elevator na hinihintay ko nang pigilan ito ni Risa kaya nagtama ang aming mga mata at nagulat naman ito kaya agad niyang tinulak ang babae. Yari ka sa akin pag-uwi mo.

"Good morning po Sen.Ri! Mukhang ang saya niyo pong kasama ang GIRLFRIEND MO, ah." Bati ko rito na halata na ang kaba sa mukha.

"Maganda talaga ang araw niya ako ba naman ang girlfriend, eh!" Pagmamayabang ng babae sa akin. Tangina, walang kalan sa loob ng tiyan ko pero kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'to!

"Ahh, mukha nga po, halata naman sa KANYA. Masaya po kayo Sen.Ri?" Tanong ko rito at hindi naman ito makatingin ng diretso sa akin. LAGOT KA TALAGA SA AKIN!

Hindi na ito nakasagot dahil dumami ang sumakay ng elevator kaya ngayon ay magkadikit na kami kaya kaagad ko itong kinurot ng palihim sa tagiliran niya at pasimpleng bumulong.

"Humanda ka sakin pag-uwi mo."

Thank God I found you.Where stories live. Discover now