Galit

37 5 0
                                    

Alicia's POV

FAST FORWARD ~~~

Naging magkaibigan kami ni Theresia kahit pa ayaw ni ate Leni na kaibiganin ako nito, palihim kaming nagkikita para makasama namin ang isa't isa.

"Ali!!" Tawag sa akin ni Risa kaya nilingon ko ito, agad naman akong pumunta sa kanya malapit sa garden. Ito ang tambayan namin, iilan lang ang pumupunta rito kaya feel namin ay safe kami rito.

"Tapos na klase niyo?" Tanong ko naman dito habang kami ay naglalakad papunta sa pwesto namin nang magkahawak ang kamay.

"Oo, wala kase si Prof. Aguerro kaya nakalabas na ako, kayo ba?" Sabi nito habang inaayos ang pag-upo.

"Vacant namin ng 3 oras, pupunta sana ako kila Dong kaso tinawag mo naman ako. HAHAHA." Sabi ko rito na ikinasimangot niya.

"Parang kasalanan ko pa na hindi ka nakapunta sa Dong na 'yun, ah!" Halos pasigaw nito sa akin kaya mas lalo akong natawa. Beast mode si Ante!

"Hindi naman, sinasabi ko lang. Selos ka naman agad, ikaw lang naman ang baby ko." Panunukso ko rito at kiniliti.

"Stop, Ali!" Pigil na tawa nito habang nakikiliti siya sa ginagawa ko.

"Baby, 'wag ka na magtampo." Hindi ko pa rin tinitigilan ito hanggang sa gumanti na siya at ako naman ngayon ang kinikiliti niya.

"Makulit ka talaga, ah. Yari ka sa akin ngayon!" Sambit nito na may halong pang-aasar. Shit, I gotta run!!

Tumakbo ako palayo sa kanya hanggang sa makabangga ako ng babae, agad naman akong nagsorry pero nagulat ako dahil si ate Leni ito. Halata mo sa mukha niya ang inis at tila ba nagseselos. Luh, selos ka 'te??

"Ahh, sorry ate! Hindi ko sinasadya." Nakayuko kong sabi ngunit hindi ako nito pinansin.

"What is the meaning of this Risa?? Sinabihan na kita na huwag kang makipagkaibigan sa kanya!!" Galit na galit nitong sabi na para bang handa nang bumuga ng apoy kay Risa.

"Bakit naman kita susundin? Kakaibiganin ko kung sino ang gusto ko at wala kang karapatan na diktahan ako." Maotorirad nitong sabi kay Leni kaya naman nagulat ito sa inasta ni Risa, kahit ako nagulat, eh.

"WHAT?!? WE'RE FRIENDS RISA, I HAVE THE RIGHTS TO DICTATE YOU!!, EH 'YANG BANG BABAE NA 'YAN SINO BA 'YAN SA 'YO?!?" Halos magkumpulan na ang mga tao dahil sa eksena na ginagawa ni ate. Suskopo, nakakahiya na 'to, yari na naman ako kay Tita!!

"Alicia is not just my FRIEND! She's my GIRLFRIEND!" Pasigaw na sabi nito kay Leni kaya mas lalo itong nagalit.

"HINDI TOTOO ANG SINASABI MO WALANG KAYO, RISA ALAM MO NAMAN NA GUSTO KITA, 'DI BA??? BAKIT SI ALICE PA KUNG PWEDE NAMAN NA AKO NA LANG!?!" Iyak nitong sambit kay Risa at nilapitan niya si Risa pero agad din itong umiwas. Kaya pala ganun na lang siya umasta, gusto niya pala si Risa.

"Leni, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na si Alice ang gusto ko?? Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa 'yo." Huminahon na si Risa ngunit si Leni ay patuloy pa rin sa pagtangis.

"Ate tama na po 'yan, uwi na po tayo." Hahawakan ko na sana ang kamay niya nang bigla niya akong itulak.

"LAHAT NA LANG KINUKUHA MO SA AKIN!! SI DADDY NUNG UNA, NGAYON NAMAN SI RISA?!?" Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko naman alam na nagseselos siya sa amin ni Daddy, naiyak na lang ako at si ate naman ay tumakbo na palayo sa amin. Niyakap ako ni Risa para I-comfort dahil tuluyan na ngang bumuhos ang luha ko.

Thank God I found you.Where stories live. Discover now