Theresia's POV
Kasama ko ngayon si Patricia kase nag-aya ito magkape, peace offering daw dahil sa natapunan niya ang damit ko kanina. Tatanggi sana ako kaso mapilit talaga kaya sinamahan ko na, maaga pa naman.
"Are you still single, Risa?" Nagulat naman ako sa tanong nito.
"Huh? A-ano kase.." paano ko ba sasabihin sa kanya na may girlfriend akong isang dragonita?!?
"Single ka pa ba? Kase kung single ka pa, pwede naman ako." Pang-aakit nito sa akin at hinimas-himas pa ang aking kamay na nakapatong sa table kaya inalis ko 'to agad at tumayo na para umalis.
"Balik na tayo sa senate building, b-baka hinahanap na ako." Pinagpapawisan kong sabi kahit ang lakas ng aircon dito.
"Ang bilis naman!" Pagrereklamo pa nito pero agad din namang tumayo at isinabit ang kamay sa aking braso.
"Yari talaga ako sa dragon ko kapag nakita kami."
"Pat, 'your hands. Baka kung ano ang isipin nila sa atin." Pinipilit kong alisin ang kamay niya pero nagmatigas ito at hinila na ako papasok ng building. Nakita ko naman si Sarah kaya natatawa ako, makita ko lang siya masaya na ako. HAHAHA.
Nakita ko ang elevator na pasarado na kaya agad kaming tumakbo para makaabot nang makita ko kung sino ang nasa loob. TANGINA!
"Good morning po Sen.Ri! Mukhang ang saya niyo pong kasama ang GIRLFRIEND MO, ah." Alice said emphasizing the word "GIRLFRIEND" Yari talaga ako nito pag-uwi!
"Maganda talaga ang araw niya ako ba naman ang girlfriend, eh!" Inang 'yan, dinagdagan pa ni Patricia!!! Nanginginig na ako rito, grabeng pagsubok 'to Lord!!
"Ahh, mukha nga po, halata naman sa KANYA. Masaya po kayo Sen.Ri?" Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil halos patayin ako nito sa mga titig niya.
Dumami ang mga taong pumasok sa elevator at doon na nga nakalapit si Alice at nakakuha ng chance na kurutin ako. Tangina ang sakit!!
"Humanda ka sa akin pag-uwi." Hayp talaga ang life! Suyo later malala.
~~~~
Nagsimula ang senate hearing at doon na nila isiniwalat ang lahat na nagpapatunay na si Alicia Allaine Guo ay isang INOSENTE at BIKTIMA lamang na kanyang sariling ina.
Masaya ang lahat sa nangyari at halos maluha ako sa sobrang saya, because finally!! Malaya na ang girlfriend ko. Nakita ko naman si Alice na umiiyak kasama ang kanyang mga legal council.
"Tapos na rin! Pwede na kayong magpakasal." Bulong sa akin ni Loren na umiiyak na rin.
"Finally, Loren! Maisisigaw ko na rin na akin si Alicia Allaine Guo." Sagot ko rito habang nagpupunas ng luha dahil hindi nila pwedeng makita na umiiyak ako.
Lumabas na nga kami at hinintay ko naman si Alice sa parking lot.
"Love, congratulations!!! I love you so much!!" Salubong ko sa kanya at agad na niyakap siya ngunit ito ay hindi yumakap pabalik. Problema nito?!?
"Uuwi na ako." She said in a cold tone.
"Sabay na tayo, Love. Kain tayo sa labas!"
"Ayoko, pagod ako." Pagtanggi niya sa akin.
"Love, aren't you happy? What's the problem ba, why are you so cold to me?" Naiiyak na ako dahil sa pakikitungo niya sa akin.
"Ewan ko." Agad naman itong sumakay sa kotse niya kaya sinundan ko ito pero pinatakbo niya na kaagad kaya mabilis ko itong sinundan.
Comment naman po kayo if maganda ba 'yung story, Hindi ko na 'to itutuloy kapag walang nagcomment!! And vote po kayo, thanks!!!
YOU ARE READING
Thank God I found you.
RomanceAlicia Allaine Guo, Ang kauna-unahang babae na naging mayor ng Bamban, Tarlac. Namumuhay ng mag-isa at malayo sa pamilya at naghahanap ng taong magmamahal sa kanya ng totoo. Ana Theresia Hontiveros, Ang taga-buhat ng senado at naghihintay ng love li...