Alrain
Andito ako ngayon sa mall kasama si Jamie dahil may bibilhin kami. We're about to have our lunch dito sa isang fast food chain sa loob ng mall.
About sa amin ni Kuya. Okay na kami pero si ate mo gurl umaaligid aligid parin. Sabi ni Kuya na hindi na siya makikipagbalikan sa bruhilda at pinaniniwalaan at pinagkakatuwalaan ko siya. Sana lang di niya ibreak ang trust ko.
"Tawagan natin si bakla" sabi ni Jamie
"Gora na" wika ko naman at tinawagan namin si Yoonan gamit ang phone ni Jamie.
Yoonan ay isang Pinoy Korean. Sa features ay maganda siya, makinis, very Asian ang muka, and very innocent.
Meron siyang Magazine Company sa Dubai. Ang Park Magazine. Anak siya ng bestfriend ni Tita Samantha. Tita Sam is wife ni Tito Andres. Ang pangatlo sa magkakapatid.
Anak ni Tito Andres si Kuya William at Kuya Wrenics. Kuya William ay Half British, While Kuya Wrenics ay Half Indian. Parehong galing sa surrogacy.
Napunta naman kay Tito Andres ang
Garcia Construction na mamanahin ni
Kuya Wrenics habang ang Montrezas Real State ay mapupunta kay Kuya William.
si Tito Andres ay isang Engineer na siya rin kinuha ni Kuya Wren habang si Tita Sam naman ay isang Architect at ganon din si Kuya Will.
"Bakla kamusta kana diyan?" Tanong
ko kay Yoonan na mistulang kagigising
palang
"Mga bakla kayo 8 palang ng umaga dito" wika niya kasabay ng pagbangon niya sa kama at sumandal sa head rest
"Kailan kaba uuwi bakla ka ha?" Tanong ni Jamie
"Surprise nalang yun bakla" wika niya
"Bakit, hindi mo pa din ba sila
napaptawad?" Tanong ko sa kanya
"Sa tamang panahon Bakla, anyways na mimiss ko na siya" sabi niya
"Sinong siya?" Tanong ko
"Gaga si Prino, malapit na ang birthday nun" malungkot na turan ni Yoonan
"Oo nga bakla, miss ko narin yun kahit isang taon lang kami nagkasama" wika ni Jamie.
Si Prino ay anak ni Tita Zenith sa isang Black African bago niya nakilala si Tito Akihiro. Nagkakilala sila sa isang isla kung saan bibilhin ni Tito ang malawak na lupain.
Naging isang pusong bato si Tito
sabi nila Mom matapos mamatay ni Tita Carmella. This was happened after five year mamatay si Tita Carmella. Si Kuya Kiefer at Kuya Kairon ay galing din sa Surrogacy.
"I will still believe na buhay pa siya.
Hanggat walang nakikitang bangkay ay hindi ko tatanggapin na wala na siya" wika ko
"Ako rin, sa short period of time na
nakasama ko siya, masasabi ko na isa siya sa mga taong may mabuti ang kalooban"
Si Jamie kasi ay 11 na nung iadopt nila Tita Roxanne. Si bakla di naman yan nagkwento sa past niya kaya di na din namin pinilit. Nagkasama kami nila Yoonan, Ako, Jamie at Prino noong grade 6.
Si Prino at Yoonan ay childhood friend ko sila kasi nga maganda kami. Pero after grad ay nagbakasyon sila Prino at aksidenteng sumabog yung Public Boat na sinasakyan nila. Hanggang ngayon hindi parin mahanap ang bangkay ni Prino.
"Ohh siya tama na yan ang drama na natin" wika ni Yoonan.
"Kumusta na ang mga career niyo, may lovelife naba?" Tanong ni Yoonan
"Ako, ayos naman ang resto ko at
tinutulungan ako nila kuya. Sa lovelife secret" wika ni Jamie
"Bakla pa secret secret kapa diyan ha"wika ni Yoonan habang ako ay tawa lang nang tawa
"Basta Surprise nalang yun" sabi ni Jamie
"Ako Secret din hahahahah, ang fashion brand ko naman ay patuloy na lumalago" sabi ko
"Ikaw bakla anong chika mo?" Tanong ko kay Yoonan"
"Basta hindi na ako ang Innocenteng
Yoonan na madaling mauto, palaban na ako ngayon" sabi niya with confidence
"Ganyan nga bakla, lumaban ka" sabi ni Jamie.
"Talaga bakla" wika naman ni Yoonan
"Ohh siya mga bakla eexit na ako at
maghahanda pa ako sa pagpasok ko" wika ulit ni Yoonan
"Segi bakla sa susunod ulit" turan namin ni Jamie at nag flying kiss sa isat isa.
"Bakla Comfort Room muna ako" paalam ko kay Jamie
"Segi bakla, bilisan mo at may bibilhin pa tayo"
Habang naglalakad ako ay may
nakabangga ako. Anubayan lagi nalang akong natutumba. Ang lampa ko naman.
May naglahad ng kamay kaya napa angat
ako ng mukha ko. Laking gulat ko na si
Cian pala ang nakabangga sakin.
"Anubayan lagi nalang tayong
nagkakabanggaan" sabi ko habang
pinapagpagan ang pwet ko.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo miss beautiful" sabi niya habang naka ngiti. Pansin ko at naka formal attire siya
ngayon.
"Segi una na ako" wika ko at daliang
umalis. As much as possible kailangan ko siyang layuan kasi may kakaiba akong feeling sa kanya.
Pagbalik ko sa table namin ni Jamie ay umalis agad kami upang bilhin ang mga dapat naming bilhin.
Gabi na nung makauwi ako galing sa
pamimili namin ni Jamie. Pagpasok ko ay nadatnan ko si Mom na nakaupo sa Dining.
"Asan si Kuya Mom?" Tanong ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
"Ahh nasa kwarto niya baka nagpapahinga na" wika niya
"Ikaw Mom, okay kalang ba? Mukhang namumutla ka ah" wika ko na may pag- aalala kasi visible talaga ang pamumutla niya. Parang wala na siyang dugo sa face.
"Ahh wala to, pagod lang siguro pero
uminom naman na akonng gamot kaya wag kana mag-alala" sabi niya
"Segi Mom, Magpahinga na kayo at
magpapahinga na din ako" wika ko sa
kanya
"Hindi kaba kakain?" Tanong niya
"Hindi na siguro at kumain naman kami ni Jamie sa galaan namin kanina" wika ko
"Goodnight anak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita" wika niya
"Anubayan Mom para namang pupunta ka sa langit niyan" joke ko sa kanya kaya tumawa lang siya.
"Ohh siya Goodnight Mom" wika ko at
hinalikan siya sa pisngi.
---
![](https://img.wattpad.com/cover/380601567-288-k364097.jpg)