38

565 13 1
                                    

Michael 

"Kel nasaan ka?" Tanong kaagad saakin I Alron nang sagutin ko ang tawag

"Papunta na kami, Kasama ko ang mga kaibigan natin." Sagot mo sa kanya

"Huh? Bakit hindi niyo ako hinintay?" Wala Kasi siya kanina kaya di na namin sya hinintay at mas importante ang Buhay ni Rain. 

"Basta sumunod ka nalang." Sagot ko ulit sa kanya Bago pinatay ang tawag. 

Sakay kami ng Isang van patungo sa Villafuerte City Kasama ang mga kaibigan ko na sina Rocco, Rayver, William, Wrennics, Kairon at Kiefer. 

Habang papasok kami sa syudad ay may nadaanan kaming accidente pero di na namin iyon pinansin at nilagpasan nalang ito. Wala na kaming oras para makipag chismis doon. 

Kring! Kring! Kring! 

Tumunog ulit ang cellphone ko dahil tumawag ulit si Alron kaya sinagot ko ito.  

"Hello, Kel. Bilisan niyo mukhang tama ang hinala natin. Naandito ang mga anak natin nakatakas sila. Please bilisan niyo!" Agad na salita ni Alron. 

"What? Gusto ko silang makita. Shit!" Napamura Ako dahil sa gulat at muntik pa kaming mabangga. 

"Kel focus! Kailangan niyong mailigtas si Rain." 

Sigaw ni Alron sa kabilang linya at pinatay kaagad ang tawag.

Ting! 

May sinend na picture si Alron kaya napahinto Ako sa pagmamaneho. Shit! Ang mga anak namin. Buhay sila, Buhay ang mga anak namin at unti-unting tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang picture ng mga Bata.

"Kel Ako na diyan at mas magaling Akong magmaneho sayo." Ani ni Rayver sa tabi ko kaya nagpalit kami ng pwesto. 

Nang makaandar ulit ang sasakyan ay tumawag ulit Ako Kay Alron dahil gusto kong marinig ang boses ng mga anak ko.

"Confirm. Kel narinig mo ba?" Tanong ni Alron sa kabilang linya. Tama nga ang hinala namin na Dito dinala so Rain. Nang Makita Kasi namin yung burda noong ini-interview si Cian ay simula noon lagi namin siya pinapasundan and he would always end up in Villafuerte City. Ngunit magaling siya, magaling ang mga taohan niya kaya nalulusutan niya ang mga sumusunod sa kanya. And one time nang Makita ko siya sa Isang Bar hanggang sa lasing siya umuwi kaya grinab ko ang opportunity na sunadan siya. Doon ko Nakita ang pagpasok Ng kotse niya sa Isang gubat sa pinakahuling bahagi nitong syudad. 

"Yes copy, parating na kami sa Mall. Ibababa ko na ang tawag. Balitaan nalang kita." Wika ko at nagmadali kaming magmaneho papunta sa Mall. Ngunit bigo kaming Makita doon si Rain dahil pagdating namin ay okay na, nakaalis na daw Yung mga gun men base sa mga salaysay Ng mga tao at Ng mga guard. 

Hindi na kami nag-aksaya pa at agad na nagpaharurot papunta sa hideout nila Cian. Pumasok kami sa isangasukal na gubat at sinundan lang ang daan papasok hanggang sa makarating kami sa lumang bahay na may matataas na gate. 

Kanya kanya kaming hawak sa aming mga baril at Isa-isang bumaba habang dahan-dahang lumalapit sa mataas na gate.

"Clear!" Wika ko nang Wala Akong makitang bantay. Kaagad kaming pumasok dahil bukas Naman ang gate. 

"Clear!" Wika ko ulit nang Wala Akong mamataan na tao sa may sala at dahan-dahan ulit kaming pumasok. Hanggang sa Makita namin ang nasa eleven kataong walang malay sa may dining table. 

"Andito si Cian!" Sigaw ni William kaya lumapit kami. Binantayan nina Kiefer, Kairon, Wrennics at William sina Cian habang kami na natitirang tatlo ay hinalughog ang loob ng bahay. 

"Wala si Rain dito." Ani ko nang makababa kami. 

"Dalhin natin Yan." Turo ko sa walang malay ma si Cian. Kaya kaagad namin siyang tinalian sa kamay, Papa maging ang bibig niya. 

Hindi na kami nag-aksaya pa nang panahon at kaagad na nilisan ang lugar na iyon. 

"Saan Tayo?" Tanong ni Rayver na siyang nagmamaneho.

"Sa Hideout natin." May hideout din Kasi kami sa loob ng Garcia Subdivision. Nasa underground Yun ng Isa pang bahay nina Kairon at Kiefer. 

---

"Nasaan na ang hayop na yun?" Agad na turan ng kadarating lang na si Alron. Agad siyang lumapit sa nakatali na walang malay na si Cian at pinagtatadyakan. Kumuha pa sya ng Isang baldeng tubig at isinaboy kau Cian kaya unti-unti na itong nagigising. 

"Nasaan na si Rain? Hayop ka!" Galit na sigaw ni Alron at kwinelyuhan si Cian.

"Bwahahahahaha Bakit ko naman sasabihin!" Ang hayop ay tumawa lang nang malakas. 

"Arhhhhhh" Hindi nakatiis si Alron at pinagbubobog si Cian. 

"Bwahahahahaha!" Tawa ulit niya kahit na duguan na ang bibig niya at maga ang Mukha. May sa demonyo talaga ang taong ito. 

"Hindi nyo na makikita ang baklang Yun bwahahahahahaha." Tawa ulit niya. 

"Arrrrhhhhhhh!" Daing ulit niya nang suntukin ulit siya ni Alron.

"Bwhaahahaha naiintindihan ko kayo, ang sarap ba naman ng baklang yun bwahahahaha" tapos dumila pa siya na parang nasasarapan. 

"Hayoppp!" Hindi na rin Ako nakapagpigil at sumali na Kay Alron sa pagkastigo Kay Cian. 

"Tol Tama na yan baka mamatay Yan!" Pinigilan kami Ng mga kaibigan namin na mapatay si Cian. 

"Bwhahahahaha hindi nyo na makikita ang baklang Yun! Bye-bye hehehehehehehe!" Nababaliw niyang tawa habang sumusuka Ng dugo.

"Hayoppppp!" Sigaw ko at nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Rayver. 

----

The Garcia #1: Torn Between My Daddy and My Brother Where stories live. Discover now