Alron
"Kel nasaan ka?" Tanong ko kaagad nang sumagot siya sa tawag ko.
"Papunta na kami, Kasama ko ang mga kaibigan natin." Ani niya.
"Huh? Bakit hindi niyo ako hinintay?"
"Basta sumunod ka nalang."
Kaya kaagad akong nagbihis at naghanda dahil pupuntahan namin ang hinihinalang hideout kung saan nakatago si Rain. We've been doing this for the past six years pero lahat ay negative. Sana naman ito na yun, sana mailigtas namin si Rain.
"Sir may naghahanap po sa'yo na mga Bata." Ani ni Mang Ryan nang makababa ako. Kaya kaagad akong lumabas at nakita ang tatlong paslit na animoy mga pulubi. Well malinis naman sila ngunit ang suot nilang malalaki at lumang damit ang nagpapahiwatig na ganoon sila.
"Please! Please! Please you have to help mommy!" Kaagad na turan nang Isang bata. Nang marealize ko kung sino ang tinutukoy nila ay kaagad akong lumuhod at niyakap sila. Pano hindi na kailangan ng DNA test para malaman ko kung sino-sino ito. Yung nag salita ay kamukhang kamukha ko habang yung pinakabata ay kamukhang kamukha ni Rain at yung Isa ay kamukha ni Kel.
"Ah sir hindi pa po sila nagbabayad." Ani ng taxi driver. Kaya nag abot ako ng isang libo.
"Keep the change." At malugod itong tinanggap ng driver at nagpasalamat sakin bago umalis.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ko at pinipigilang pumatak ang mga luha ko dahil sa mga itsura nila.
"Hindi pa Po. Pwede po ba kaming kumain?" Ani ng pinakabata.
"Oo Naman. Hali kayo." At inalalayan ko silang makapasok sa loob ng bahay.
"Wow!" Mangha nilang saad nang makapasok kami sa loob.
"Mommy!" Turo nila doon sa may malaking family portrait namin at tumakbo papunta doon upang mas lalong makita sa malapitan.
"Si mommy! Please help mommy!"Ani ng kamukha ni Key na mukhang may naalala.
"Hello, Kel. Bilisan niyo mukhang tama ang hinala natin. Naandito ang mga anak natin nakatakas sila. Please bilisan niyo!" Ani ko.
"What? Gusto ko silang makita. Shit!" Mura niya.
"Kel focus! Kailangan niyong mailigtas si Rain." At nag send nang picture ng mga bata at pinatay na ang tawag.
"Sir nakahanda na ang mga pagkain." Ani ni Manang Elisa na asawa ni Mang Ryan.
"Salamat, Manang Elisa."
"Mga bata mamamaya na iyan kailangan niyo munang kumain." At inalalayan sila papunta sa dining table.
"Wow ang daming pagkain." Ani ulit ng pinaka Bata. Simpleng hotdog, bacon and egg ang hinanda ni Manang at fried rice at sinamahan pa ng gatas.
"Huh? Hindi!" Sigaw ko nang kunin nila ang mga pinggan at nilapag sa sahig. Dahil doon ay hindi ko na napigilang maluha. Anong klaseng impyerno ang naranasan nitong mga anak namin at ni Rain sa mga nagdaang taon.
"Mga apo hindi dyan." Naluluha ring saad ni Mang Elisa at tinulungan silang makatayo. Binuhat ko Naman ang pinakabata at nilagay sa may upuan. Kaagad namang kumilos ang ibang mga katulong upang kumuha ng bagong pinggan.
"Pwede po kami dito?" Tanong ng batang kamukha ko.
"Oo naman. Bakit saan ba kayo kumakain?" Tanong ko.
"Sa sahig Po." Kaagad na sagot ng kamukha ni Kel. Dahil doon ay tumulo ulit ang mga luha ko. Kahit yun palang ang naririnig ko ay alam ko na kaagad kung anong klaseng buhay ang ang naranasan nila.
"Can you tell me your names?" Tanong ko nang makaupo na sila sa upuan.
"Ako si Aether Theseus. I'm the eldest Po." Primordial God of Light plus the Hero who killed the minotaur.
"Ako naman si Erebus Perseus. Me and Aether ay twins po pero sabi ni mommy dalawa daw po ang daddy namin." Primordial God of Darkness plus the Hero who killed Medusa.
"Ako naman po si Euphrosyne." The goddess of Joy.
"Kayo po ba ang Daddy namin?" Tanong ni Euphrosyne.
"Yes, I am your daddy." Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin sila.
"Wow ano po ito?" Tanong ito tanong ni Euphrosyne doon sa bacon. "Eh ito Po?" Turo niya sa hotdog.
"Gusto mo ba iyan?" Tanong ko. Nang tumango siya ay nilagyan ko ang pinggan niya.
"Kami rin po!" Sabay na sigaw ni Aether at Erebus kaya nilagyan ko din sila.
Kaagad silang kumain na animoy parang isang buwang hindi nakakain.
"Sorry po, gutom na po talaga kami." Ani ni Perseus kaya bumagal ang pagkain nila.
"No, no, kumain lang kayo. Go on lang." Saad ko.
"Hindi pa Kasi kami nakakain simula kagabi" Saad naman ni Theseus.
"Bakit ilang beses ba kayong kumakain sa Isang araw?" Tanong ko pero nireready ko na kaagad ang sarili ko sa masamang Balita.
"Uhmmm sometimes once lang and maximum po of twice a day." Dahil doon ay napakuyom ang mga kamao ko sa ilalim ng lamesa.
"Sometimes Mommy doesn't anything left to eat." At bigla nalang umiyak ang kanina pang nakayuko na si Euphrosyne.
"Si Mommy niyo nasaan ba?" Hindi ko na napigilang magtanong.
"We left mommy in the mall." Saad ni Theseus.
"Can you tell me about the place?"
"May malaking Statue po ng matanda tapos Galing Po kami sa isang forest Po." Sagot ni Perseus Naman.
"Confirm. Kel narinig mo ba?" Tanong ko sa cellphone. Tumawag Kasi ulit siya nang maisend ko ang picture gusto niya raw marinig ang mga Bata. At Tama nga ang hinala namin na nasa Village City sila tinago.
"Yes copy, parating na kami sa Mall. Ibababa ko na ang tawag. Balitaan nalang kita." Saad niya at binaba kaagad ang tawag.
---