Rain
Nang makaalis si Cian ay kaagad kaming ang simula sa everyday simulation namin. Kailangan naming alalahanin lahat nang mga planong isinagawa namin. Bukas na Kasi ang kaarawan, ang itinakdang araw na tatakas kami. Nakahanda narin ang mga kailangan namin Lalo na Ang sleeping pills na ninakaw ko Kay Cian.
Plinano ko talaga ang every possibility na pwedeng mangyari sa pagtakas namin. Kaya the safest way na makaligtas kami ay ang pag blend in sa maraming tao which is ang Isang mall.
Kailangan Kong masiguro na makakaligtas ang mga anak ko dahil kinonsider ko rin ang possibilidad na masundan kami habang tumatakas.
"If I say 'run!' what will you do?" Tanong ko sa kanila.
"We will run no matter what. No looking back and no turning around." Sagot nila.
"What will Rosyne do?" Tanong ko sa 3 years old kong anak
"Rosyne will always stick to kuyas no matter what." Sagot kaagad ni Rosyne.
"And what will Theseus and Perseus do?" Tanong ko.
"We will find taxi or other transportation then go to this address." Sagot ni Perseus
"And we will tell the guys in the sketches that we are your sons and please help us and help mommy." Sagot Naman ni Theseus.
"Sino po ba sila mommy?" Tanong ni Perseus. Ever since na ginagawa namin itong simulation Hindi sila nagtanong kung sino itong mga nasa sketch kaya nagulat Ako. Siguro matagal na nila ito gustong it Anong pero Ngayon lang nagkaroon ng lakas nang loob dahil nalalapit na ang pagtakas namin.
"These are your Daddies." Saad ko.
"Ibig Sabihin ba mommy dalawa ang daddy namin?" Tanong ni Theseus.
"Yes. Hindi ba masaya iyon?"
"Yes mommy masya Po. Wow dalawa ang daddy natin." Nagsasayang Saad ni Perseus at nagtatalon Kasama si Theseus. Pagtingin ko sa gilid ay nakayuko lang si Rosyne.
"How about Rosyne, Mommy?" Nakayuko niyang tanong. Kaya napa stop din sa pagtatalon ang dalawa nang marining nila ang kanilang nakababatang kapatid. Sa kanilang tatlo kahit na Bata pa si Euphrosyne ay masasabi Kong siya ang pinaka perceptive. Madali siyang matuto at maka-unawa ng mga bagay-bagay.
Kahit na 5 and 3 palang ang mga anak ko ay maalam na silang bumasa at magsulat siguro dahil madaling na open ang mga mag-iisip nila sa realidad at siguro narin sa trauma na nararanasan namin araw araw. Kumbaga defense mechanism para sa survival namin.
"Oh course they are your Daddies too, my Baby." Kaagad ko siyang niyakap. Alam Kasi ni Rosyne na si Cian ang totoo niyang ama but Cian never allowed Rosyne to call him bilang isang ama.
---
Pagsapit nang alas sais ay kaagad kong pinakain ang mga anak ko dahil Marami pa ang natirang pagkain mula kanina.
"Anong ginawa niyo?" Sigaw ni Cian na nasa pinto kaya napalingon kami sa dereksyon niya. Shit! Bakit ang aga yata nakauwi ni Cian at ano nanaman ang kinakagalit niya.
"Sinong nagsabi na Kumain kayo?" Kaagad siyang lumapit saamin. Kaya tumakbo Ako papunta sa mga anak ko para iharang ko ang Sarili ko.
"Please, Cian yung tira mo lang yan kanina! Maawa ka Naman sa mga Bata!" Pagmamakawa ko.
"Awa! Awa? T*nginang awa Yan! Paghindi ko sinabeng Kumain kayo, huwag kayong Kumain!" At kinalabog niya Isa-isa ang pinggan Nina Theseus, Perseus at Rosyne kaya nahulog lahat sa sahig ang mga pagkain.
"Ahhhh!" Sigaw nila dahil sa gulat at nagsimula nang umiyak.
"At Ikaw ha bakla ka! Dapat Dito kayo kumakain sa sahig!" Hinawakan niya nang mahigpit ang buhok ko kaya napatingala Ako.
"Cian, please p-pakawalan mo Ako! Nasasaktan Ako!" Hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha ko.
"Dito! Dito ka dapat kayo kumakain!" Hinila niya Ako at nginudngod sa pagkain natapos sa sahig.
"Please Cian maawa ka! Cian please p-pakawalan mo Ako!" Pagmamakawa ko sa kanya ulit habang ang Mukha ko ay nasa sahig at punong Puno ng kaninin.
"Nga-nga! Sabi ko nganga!" Pinapanganga niya Ako habang naka abang ang kamay niyang may kanin na kinuha niya sa sahig. Wala Akong nagawa kundi ang ngumanga.
"Ganyan nga! Yan ang nababagay mong kainin!" Ani niya nang magtagumpay siyang maipasok ang kanin sa kamay niya patungo sa bibig ko.
"Nguya! Sabing nguya eh!" Sigaw niya ulit habang hawak hawak ang baba ko. Kaya Wala din Akong nagawa kundi ang ngumuya.
"Lunok!" Sigaw niya ulit pero Ngayon ay sakal niya na Ako Ngayon sa leeg kaya Nahihirapan Akong makahinga Lalo pa ang pag lunok sa pagkaing nasabibig ko.
"Do not hurt Mommy!" Sigaw ni Theseus at pinalo si Cian Ng pinggan sa ulo kaya binitawan niya Ako upang harapin si Theseus.
"Huwag!" Sigaw ko nang susuntokin niya na si Theseus kaya kaagad Akong tumakbo upang iharang ang katawan ko kaya Ako ang natamaan. Pero dalawa kami ni Theseus na natumba sa sahig dahil sa lakas.
"Arhhhhh Cian please! Arhhhh Tama na!" Hindi pa siya na kontento at tinadyakan Ako sa tiyan kaya namilipit Ako sa sakit.
"Ang sama mo grrrr!" Ani ni Perseus at kinagat ang kamay ni Cian at tinabig niya ito kaya natumba at tumilapon si Perseus.
"Walang mga kwenta!" Sigaw niya at umakyat na sa Taas.
Kahit na masakit ang katawan Koo ay pinilit Kong gumapang papunta Kay Perseus.
"Ayos kalang anak?" Tanong ko sa nakahigang si Perseus at malakas na tumatangis.
"Ang sama-sama niya mommy huhuhu." Iyak niya. Habang inalalayan ni Rosyne si Theseus papunta saamin.
"Sorry mga anak ko konting tiis nalang.
makaka-takas din Tayo." Bulong ko sa kanila habang yakap yakap sila sa mga bibig ko.
---