Alrain
"Happy Birthday, Ma'am Rain!" Sigaw ng mga staff ko nang makarating Ako sa fashion house. Nandito sila Mang Rico, Maureen, Katrina at iba pang mga staff sa third floor dahil Dito nila hinanda Yung surprise nila sakin.
"Maraming salamat sainyo. Nag-abala pa kayo." Emosyonal Kong pahayag sa kanila dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong surprise.
"Nako Ma'am Wala ito kumpara sa lahat nang naitulong mo sa Amin." Saad ni Mang Rico at inabot ang kanyang regalo.
"Nako-nako may pa regalo ka pang alam ha, Mang Rico." tinanggap ko ang kanyang regalo kasabay ng pagyakap sa kanya.
"Simple lang iyan Ma'am pero sana magustohan mo." Dagdag pa niya.
"Nako kahit ano pa ang laman nito ay malugod at masaya Kong tatanggapin."
Isa-isang nagsibigayan Ng mga regalo ang mga staff ko kaya din ako magkamayaw sa pagtanggap sa mga regalo nila.
"I hope you like this, Madam." Wika ni Maureen sabay bigay sakin Ng Isang maliit na kahon
"Salamat Dito, Maureen." At niyakap ko siya.
Kumain lang kami noong mga hinanda nilang pagkain Bago bumalik ulit sa aming mga trabaho. Bagamat birthday ko Ngayon ay Hindi exempted ang araw na ito dahil sa Dami ng orders at mga gagawin.
Alas sais nang matapos Ako sa aking mga kailangang asikasuhin at agad na nagready dahil sabi Ng mga Mahal ko ay may dinner date daw kami ngayon at mayroong susundo saakin.
Simpleng trench coat lang ang suot ko at tanging underwear lang ang suot sa ilalim at pinaresan ko na rin ito ng boots. Nilagay ko sa handbag ko ang small box na naglalaman ng ultrasound at pregnancy test kits ang laman.
"Mau, mauna na Ako Ikaw na ang bahala Dito." Wika ko nang madaanan ko ang office ni Maureen.
"Ingat kayo Madam. Chika mo sakin kung ano mangyayari sa birthday date niyo ha." Wika niya sabay kindat saakin.
"Gaga ka!" Tinawanan niya lang ako kaya inirapan ko sya at lumabas na.
Habang naghihintay Ako ay may isang puting van ang huminto sa tapat ko. Kaya lumapit Ako.
"Siguro ito na Yung susundo sakin.." mahina Kong turan at naglakad papunta doon.
"Arhhh!" Sigaw ko nang mga armadong lalake ang sakay noong van nang bumukas ito kaya unti-unti Akong napa-atras.
"Aahhhhmmmm!" Nagpupumiglas Ako nang may nagtakip sa bibig ko pero nawalan din ako ng Malay at ang tanging naalala ko nalang ay ang pagpasok sakin sa van.
"Arhhh!" Daing ko at unti-unti Kong binuksan ang mga mata ko ngunit di ko kaagad ito nagawa dahil sa silaw na nagmumula sa ilaw.
"Mukhang gising na ang munting prinsepe." Ani ng Isang boses kaya pinilit Kong imulat ang mga mata ko.
"C-cian p-paano ka n-nakatakas." Ani ko nang Makita ko si Cian sa harap ko at prenteng naka upo sa isang stool. Doon ko lang napagtanto na nakatali pala ang kamay at mga paa ko.
"Cian, p-please maawa ka pakawalan mo Ako." Umiiyak at pagmamaka-awa ko sa kanya.
"Bwahahahahaha at bakit ko Naman gagawin iyon?" Malademonyo niyang tawa nang marinig niya ang pag-mamakaawa ko.
"Kasalanan to nang tatay-tatayan at Kuya mo dahil kinuha nila Ang lahat ng pinaghirapan ko kaya bilang ganti ay kinuha Naman kita!" Sigaw niya sakin at tinutukan Ako Ng baril sa ulo.
"Pleaseee Cian! M-Maawa k-ka p-please p-pakawalan mo a-ako!" Nanginginig ang boses ko dahil sa takot na iputok niya ang baril sa ulo ko.
"Bwahahaha wag kang mag-alala ibabalik Naman kita Yun nga lang naka silid kana sa kabaong! Bwahahahahahahaha!" Tawa niya ulit at pinasok sa bibig ko ang baril kaya mas lalong umagos ang mga luha ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot.
"Dali kamustahin natin sila. Say Hello!" Wika niya ulit at binigay sakin ang selepono.
"Rain! Nasaan ka! Hayop ka Cian!" Rinig kong sigawan nila Daddy at Kuya sa kabilang linya.
"Segi na munting prinsepe mag-hello kana." Tila malambing niyang Saad habang pinapasada sa pisngi ko ang baril na hawak niya.
"M-mahal na mahal ko kayo." Naluluha Kong Saad sa selepono.
"T*nginaaa mo Cian! Pakawalan mo si Rain! Hayop ka! Hintayin mo lang at papatayin kita!" Samot saring mga mura ang tanging maririnig mong lumalabas Kaila Kuya.
"Wag kayong mag-alala dahil free shipping Naman ang ipapadala ko sainyong kabaog may freebies pa! Bwahahahahaha!" Malademonyo nanaman niyang wika sabay tawa.
"Rain nasaan ka? Mahal please okay ka lang ba! Rain Sabihin mo kung nasaan ka? Please Rain mag salita ka!" Samot saring maririnig kong mga wika nila sa kabilang linya. Hindi ko magawang magsalita ulit dahil muling pinasok ni Cian ang baril sa bibig ko.
"Oh mag paalam kana munting prinsepe! Bwahahaha!" Turan niya ulit at hinugot ang baril sa bibig ko pagkatapos ay tinutok Naman nito saakin.
"Kuya! Daddy! Ron, Kel Mahal na mahal ko kayo. Laging niyong tatandaan na sobra sobra ko kayong Mahal!" Umiiyak Kong wika sa selepono.
"Nooooo! Rain! Sh*t t*ngina mo.Cian!" Sigaw nila.
"Bye-bye! Bwahahahaha" turan ulit ni Cian.
BANG! BANG! BANG!
"Nooooooo! Rainnnnn!" At unti unti akong nilamon ng kadiliman.
---