Alrain
Lumuhod ako upang magpantay ang mukha namin ni Mom. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa mga mata niya. Hindi napigilang mapaluha dahil sa takot at awa
kay Mom.
"Wait Mom tawagin ko lang ang doctor" akmang tatayo na ako pero pinigilan niya ako.
"Anak hindi na ako magtatagal sa mundong ito, nagpapasalamat akong binigay ka samin ng Panginoon"
"Mom wag mong sabihin yan, mabubuhay ka at magkakasama pa tayo ng matagal" humihikbing utal ko
"Anak lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, kami nang daddy mo" wika niya ulit ngunit bakas sa boses niya ang labis na panghihina.
"Alagaan mo si Kuya mo at si Michael ha" paghahabilin ni Mom
"No! No! Mom wag mong sabihin iyan
please!" Humihikbing sagot ko
"Michael and I, hindi yun totoo but at
the right time you will know" wika ni
Mom. Gulat man ako ngunit di ko na iyon pinansin dahil importante ang kalagayan ngayon ni Mom.
"Mahal na mahal kita Anak, Mahal na
mahal" wika pa ni Mom at mas lalong
humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Always remember that I am the most
proudest Mom at pinakamasaya dahil
naabot mo ang mga pangarap mo" wika ni Mom at maslalo pang humigpit ang kapit niya sakin at tila nahihirapan ng huminga
"Mom please stay with me! Huwag kang bibitaw" hagulgol ko
"Mahal na Mahal kita anak" huling salita niya bago pumikit.
"Tinnnggggggg"
"Nooooo Mom gumising kaaaaaa!"
Hagulgol ko habang nagtatalon talonat umiiyak.
Hindi ko alam kung ano o saan
ako babaling. Lumabas ako at tinawag ang mga doctor
"Dooooooccc tulonggggg" gargal na sigaw ko.
Nakita ko naman na agad napatakbo
si Kuya at si Michael na nabitawan ang pagkaing dala at napatakbo din.
"Mom no! Gumising ka!" wika ko habang niyuyug-yog ko si Mom
Kinuha ako ni Kuya at lumapit naman ang mga doctor upang irevive si Mom ngunit walang nangyari na mas lalong nagpaiyak sakin.
"Nooo! Hindi ito totoo right? Nanaginip lang ako diba? Sumagot ka!" Iyak ko habang pinapalo-palo ang dibdib ni Kuya.
"Paumanhin Doc Al, Miss Rain at Atty.
Smith ngunit wala na si Madam, ginawa na namin ang lahat. Sorry po" wika ni Doc Ruel habang naiyak rin
Mistulang nakaka binging katahimikan ang bumalot sa buong hospital dahil sa balita. Lahat nagluluksa sa pinakmabait at
pinakarespetadong Doctor ay wala na.
Ang Ina ng PGH ay wala na. Ang pinakamabait na Boss, kaibigan at Ina ay wala na.
Heto kami ngayon at nilalamayan ang
bangkay ni Mom. Present lahat, ang mga titos at titas, sila kuya, Jamie at Yoonan ay andito rin. Even Carley ay andito rin.
Labis na paghihinagpis at pagluluksa ang nararamdaman ko ngayon. Walang ganang kumain at walang ganang matulog.
"Bes condolence, kami man ay nalulungkot sa pagkawala ni Tita" wika ni Jamie na nakalapit na pala sakin at tumingin sa kabaong ni Mom
"Bes andito lang kami, pwede kang
kumuha ng lakas samin" wika naman ni Yoonan
"Maging matatag ka Rain" wika naman ni Carley
Napayakap nalang ako sa kanila at umiyak nang umiyak. Ganon din sila. Nagiiyakan kaming magkakayakap.
Sunod na lumapit sila Kuya Rayver at ang iba pa. Sunod naman sila Tito at Tita.
"Rain kain ka muna" wika sakin ni
Michael
Kanina pa kasi ako dito sa tabi ng kabaong ni Mom. Ayaw kong lumayo. Ayaw kong mawala siya sa paningin ko.
Hindi ko siya pinansin at nilingon. Patuloy parin akong nakatitig sa mukha ni Mom.
Makalipas ang ilang araw ay nilibing si Mom sa tabi ng puntod ni Dad. Hindi ko na alam kong saan pa ako huhugot ng lakas.
Its been two week since nang mailibing si Mom. Maraming nagbago. Tila nawalan ng buhay ang taganan namin.
I dont know what is depression but
Ive been experiencing nightmares na
nagpapahirap sakin matulog.
Heto nanaman ako ngayon nagising dahil sa bangungot. Mga ala-alang pilit na hinihila ako sa kadiliman.
Mahirap magmove on lalo pa kung ang ating Ina ang pinaguusapan.
Tok tok tok... Katok ko sa pinto ni Kuya. ngunit walang sumagot. Baka dahil mahimbing na ito. 12 na kasi ng madaling araw.
Tok tok tok... Katok ko naman sa pinto
ng kwarto ni Michael. Kahit wala na si Mom ay nag stay parin siya.
Pilit siyang pinapaalis ni Kuya ngunit hindi siya nagpatinag.
Palagi nalang silang nagsisigawan at
nag-aaway kahit sa konting bagay at mas lalo pa kung involve ako.
Sinabihan ko si kuya na hayaan nalang si Michael. Alang- alang sa memories ni Mom. Respeto na din yun.
Maya-maya pay sabay na bumukas ang pinto nila. Reveing shirtless hunks na tanging boxers lang ang suot.
"Having nightmares again?" Tanong ni Michael at tumango ako.
"Wait ka lang diyan at patayin lang namin ang aircon sa aming mga silid at sa kwarto mo na kami matutulog" wika naman ni Kuya.
For the past week lagi ko silang kinakatok. Buti nalang sa parteng ito ay hindi sila nagbabangayan pag tinatabihan nila akko.
"I've told you Rain, you should go to a
Psychiatrist to have some check" wikani Kuya habang naglalakad kami papasok sa silid ko.
"Please listen to us Rain para rin yun sayo" wika naman ni Michael
"Okay segi bukas pero samahan niyo ko" wika ko
"Sure!" Sagot naman nila.
Nahiga kami sa kama. Ako ang nasa
gitna. Umunan ako sa maskuladong
braso ni Kuya at yumakap sa sa kanyang matiponong katawan.
While si Michael naman ay nakayakap ang kanyang mga braso sa waist ko at ramdam ko ang init ng matiponong katawan niya sa likod ko.
I feel safe with their embrace. I'm glad that nagkakasundo sila sa ganitong bagay.
Hindi ko man aminin at pilit itanggi but I need them. They are my strength now.
Kahit nagluluksa sila ay pinakita nila na I can lean on their shoulders. That I can count on them.
Sa ganitong posisyon I can feel peace na nakapagbibigay sakin ng isang magandang tulog.
"Good Night Rain" wika nila. Kuya kissed my forehead while Michael kissed my cheeks.
---