Alron
6 years later....
"Rain! Rain, no! Noooo!" Agad Akong napabuhat dahil sa masama kong panaginip. Gabi-gabi simula nang mawala saamin si Rain ay palagi Akong dinadalaw ng bangungot. Hanggang Ngayon ay Hindi parin namin alam kung nasaan talaga si Rain.
Noong gabing iyon nang makidnapped si Rain at makarinig kami Ng mgaputok Ng baril ay di kami mapakali at parang nawalan Ng buhay dahil sa takot at pangamba na Wala na si Rain.
Bago pa man matapos ang araw na iyon ay may ipinadalang kabaong sa Bahay namin. Grabe ang kabog ng dibdib ko noong gabing iyon at hinanda ang Sarili para sa possibilidad na si Rain ang laman nang kabaong na yon. Pag bukas namin ay agad Akong nabunotan Ng tinik nang Hindi si Rain ang laman noon.
Simula doon, every birthday ni Rain ay parting may nagpapadala Ng kabaong na may lamang Patay saamin. I was very anxious whenever a coffin arrives at home because of the possibility that maybe one of those dead bodies will be Rain.
Pagtingin ko sa bedside table ay 6:00 AM na pala in the morning kaya bumangon na Ako. Umupo muna Ako at kinuha ang picture frame na nasa bedside table ko.
"Rain, nasaan na kayo? Sana Buhay kayo at nang mga anak natin." Habang sinasambit ko iyon ay kumikirot ang dibdib ko at tumutulo ang mga luha patungo sa picture frame. Nakalagay Kasi doon ang ultrasound picture iyon Ng magiging anak namin na nakuha doon sa bag na nahulog noong kinidnapped si Rain.
"Hello, Gov. Cian. Ano-ano Po ang mga Bago niyong projects para sa taong ito?" Tanong noong reporter. Kaya napahinto Ako at nanood Ng Tv. Andito Kasi Si Kel at tutok sa TV upang makahanap ng importmasyon tungkol Kay Cian.
"Mapapatayo Tayo mg Isang Orphanage para sa mga batang lansangan na walang mga magulang at matirahan." Sagot ni Cian sa reporter
Two years ago ay bigla nalang siyang nakalaya pagkatapos ay tumakbong Governor at sa kasamaang palad ay nanalo ito. Wala kaming nakuhang ibedensya noong gabing iyon na tumakas si Cian at idiin na sya ang mastermind ng pagkidnapped Kay Rain.
Mukhang nabili niya ang lahat ng pulis sa stasyon na pinagkulongan niya dahil ayon sa Police Report ay nasa loob ng kulongan si Cian nang gabing iyon.
After four years ay ibinasura Ng korte ang kaso sa kanya kaya nakalaya siya at tumakbo kaagad bilang gobernador.
"Kel may nakalap kana ba?" Tanong ko Kay Kel na focus ma focus sa panonood sa TV habang hawak hawak ang frame din na mayroong picture noong ultra sound. Mukhang parehas kaming Hindi nakatulog Ng maayos.
"Wala eh, t*ngina ang linis nang pagkakagawa ng hayop na yan. Lahat planado. Lahat ay tikom ang bibig." Mura na turan ni Kel habang naka kuyom ang mga kamao.
---
"Goodmorning, Doc." Bati sakin ng mga nadadaanan kong Doctor at Nurse.
"Anong ginagawa mo dito, Claire?" Tanong ko nang makapasok Ako sa office ko.
"Ano kaba, andito ako para tulongan ka." Ani niya at pumunta sa likod ko para tulongan Akong isuot ang lab gown ko.
"Anoba, Claire! Matagal ko nang nasabi sayo na Wala Akong planong pumasok sa relasyon." Bawi ko sa lab gown ko at Ako ang nagsuot doon.
"Hindi ka parin ba nakaka move on sa baklang iyon ha? Wala na si Rain, kailangan mo na mag move on Alron. Hindi na sya babalik sainyo!" Pasigaw niyang sabi kaya nagpintig ang Tenga ko dahil sa mga salitang binitawan niya.
"Get Out, Claire! Please at baka ano pa ang magawa ko saiyo!" Sigaw ko sa kanya.
"Magiging akin ka rin, Alron! Akin ka lang tandaan mo Yan!" Wika niya Bago padabog na lumabas sa office ko.
Agad Akong napaupo at napahilot sa ulo ko. Palagi nalang kasing ganito. Kailan na sya titigil sa mga kahibangan niya.
---
Pagkauwi ko ay nasa Bahay na rin si Kel at prente nanamang nanonood Ng TV.
"T*ngina nagpa-interview nanaman ang hayop na yan?" Tanong ko nang Makita nanaman sa TV si Cian ngunit Hindi Ako pinansin ni Kel kaya napanood nalang din ako.
"No! No! Hindi ito maari! Shit!" Mura ko at tumulo ang mga luha ko kaya napalingon si Kel sa akin.
"Huh? Bakit?" Tanong niya.
"Yung burda sa sleeve niya!" Turo ko sa sa burda sa wrist sleeve ni Cian.
"Five-leaf clover? What about it?" Tanong niya.
Kaya tinaas ko ang long sleeve ko para ipakita ang pagkakaparehas. It was a five-leaf clover with a five color: Black, White, Yellow, Green and Red. It symbolizes extreme luck or goodluck or I love you.
"Huh! So..so si Rain? Buhay si Rain?" Hindi makapaniwalang Saad ni Kel at nagsimulang tumulo ang luha niya.
---