Alron
Kinagabihan agad kaming naghanda para sa pakikipag-swap nina Cian at Rain. Though sinabihan kami nila na wag magdadala ng mga pulis pero hindi kami tanga para maniwala kaya pinauna na namin ang mga pulis pero nakatago lang sila sa may di kalayuan. Ang iba ay naka incognito at ang iba ay naka disguise para pag narinig nila ang mga putok ay madali silang makakaresponde.
"Tumayo ka diyan hayop ka!" Sigaw ni Michael kay Cian habang pilit itong pinapatayo. Wala siyang nagawa kundi ang tumayo at inalalayan siya ni Kel papunta sa loob ng van.
Kring! Kring! Kring!
"Hello my loves bwahahahaha. Nakahanda naba si Cian? Maghihintay lang kami dito." Wika ni Claire habang tumatawa ng mala demonyo
"Papunta na kami! Wag na wag mong sasaktan si Rain! Kung Hindi ay mapapatay talaga kita!" Galit kong saad sa kanya.
"Ohhh, so scary naman! Tadaan mo Alron akin ka lang! Ako ang nararapat para sayo hindi itong baklang to!" Sigaw niya sa kabilang linya na halatang galit na.
"Tumigil kana sa kahibangan mo, Claire! Hinding hindi ako magiging sayo kahit ano ang gawin mo!"
"Hmmm hindi mo sure bwahahahaha!" Tawa niya Naman. Mukhang baliw na talaga tong babaeng to.
"And don't forget no police or we will go bang bang! Okay?" Tapos pinatay niya agad ang tawag.
---
Rain
"Narinig mo yun bakla ha? Mahal na mahal daw ako ni Alron" illusionada niyang saad habang yinayakap ang sarili. Ibang klase na talaga ang dilusion nitong bruhang to eh hindi naman iyon ang sinabe ni Kuya.
"Sumagot ka Bakla!" Sinampal Ako ni Katrina. Hindi Kasi Ako makapalag dahil nakatali Ako habang nakaupo sa isang upuoan.
"O-oo." Maikli kong sagot habang iniinda ang sakit nang pagkakasampal ni Katrina.
"Ma'am andito na sila!" Sigaw ni Mang Rico na natatanaw sa may bintana.
"Oh ayan na mga knight in shining armor mo, bakla!" Sigaw ni Katrina malapit sa tenga ko.
"Kuya! Daddy!" naiiyak kong sigaw dahil after 6 years ay nakita ko rin sila. Marami na ang pinagbago sa mga ayos nila. Kahit na magilim ay tanaw na tanaw ko ang mga itsura nila dahil sa liwanag ng buwan.
---
Alron
"Rain!" Sigaw ko rin nang marinig ko ang boses niya at hindi ko napigilan na mapatakbo papunta sa kanya.
Bang!
Isang putok ng baril ang pinakawalan ni Claire sa langit kaya napahinto Ako.
"Hep-hep! No-no! Diyan ka lang wag kang lalapit dahil tutuloyan ko talaga tong bakla niyo!" Sigaw niya at itinutok ang baril sa ulo ni Rain kaya wala akong nagawa kundi ang umatras at bumalik sa pwesto namin.
"Sabay tayong magpapalitan sa may gitna!" Saad ulit ni Claire. Kaya Wala kaming nagawa kundi ang sumonod sa utos niya. Naglakad kami papunta sa ginta habang hawak hawak ni Kel si Cian samantala sa kabila ay hawak hawak ni Katrina si Rain at nakasunod lang Kay Claire.
"Katrina? Mang Rico? Bakit naandito kayo?" Nagulat Kong Saad nang magharap-harap kami at pinabalik balik ang tingin Kay Mang Rico na nasa likod nila at Kay Katrina.
"Surprise! Nagulat kaba? Bwahahahaha!" Malakas niyang tawa.
---
Rain
"Rain!" Agad Akong niyakap nina Kuya at Daddy nang matanggap nila Ako sa pakikipag-swap Kay Cian.
"Sorry, Honey at natagalan kami!" Saad ni Daddy at niyakap Ako Ng mahigpit.
"Mamaya na yan at kailangan nating madala sa ligtas si Rain!" Sabat Naman ni Kuya kaya naglakad na kami pabalik sa pwesto nila.
Bang! Bang! Bang!
Di paman kami nangangalahati sa hakbang namin ay bigla nalang kami nakarinig ng putok kaya mabilis kaming tumakbo at nagtago sa may mga nagkalat na naglalakihang mga drum.
"Diyan ka lang!" Sigaw ni Daddy at nagsimula silang magpaulan ng Baril sa mga kalaban.
---
Alron
"Mga hayop kayo!" Sigaw ko habang patuloy na nagpapaputok ng baril. May mangilan-ngilan Akong natatamaan sa mga kalaban at ganon din sila sa mga taohan namin. Habang ang mga kaibigan namin ay ekspertong pinapatamaan ang mga kalaban.
"P*tangina niyo mabulok sana kayo sa impyerno!" Sigaw Naman ni Kel habang nagpapaulan din ng bala.
"Michael! Alron! Papatayin ko kayo! Mga p*tangina kayo!" Sigaw Naman ni Cian na nakatago sa may pader.
"Alron akin kalang my loves bwahahaha!" Sigaw naman ni Claire at nagpaputok rin Ng baril.
"Bakla nasaan kana? Nasaan na yang baklang Yan at nang matuloyan na!" Sigaw Naman ni Katrina sa may kung saan.
Bang! Bang! Bang!
"Kuya!" Sigaw ni Rain dahil sa mga pagbaril ni Cian. Umikot pala siya papunta sa pwesto namin.
"Nooo!" At nagpaulan din Ng mga bala at natamaan ko sa may legs si Cian.
"Arhhhhh!" Daing ni Rain habang hawak hawak ang tiyan niya.
Bang! Bang! Bang!
"Arhhhhh!" Nagputok Naman ni Kel at matatamaan sana niya si Claire nang humarang si Mang Rico at sinalo ang mga bala.
"Noooo! Rain please hang in there! Shit! Hindi pwede Rain! Lumaban ka!" Sigaw ko habang dinidiinan ko ang Tama Ng bala niya para Hindi umagos ang dugo.
"Itaas ang mga Kamay! Ibaba niyo ang mga baril ninyo!" Sigaw nang kadarating lang na mga pulis. Ibinaba nila Isa-isa ang mga baril nila bako nila itinaas ang kanilang mga kamay.
"Dapa!" Sigaw ulit ng mga pulis nang mailayo na nila ang mga baril at Isa-isang pinusasan ang mga kalaban.
"Rain wag kang pipikit! Rain lumaban ka please!" Sigaw ko habang patuloy na dumadanak ang mga luha sa Mukha ko.
"Mahal na mahal ko kayo!"
---