Despite the very warm welcome the nobles had given to her, she continued to look for her room. Kung bakit ba naman kasi iyon pa ang silid niya. Siguro'y nahuli lang talaga siya ng dating, alangan namang sinadya iyon. Kung sinadya iyon na ilagay sa pinakadulong silid ay grabe naman. Masyado na ngang magaan ang pagsalubong sa kaniya dito, masyado pang malapit ang kaniyang silid. Insert sarcasm.
At sa wakas ay narating niya rin ang kaniyang silid. Awtomatiko itong bumukas pagtuntong niya sa harap ng pinto, para naman siyang tangang umatras dahil akala niya'y may kung sino sa loob. Pag-atras niya'y awtomatikong nagsarado ang pinto, ngunit pagbalik niya sa pwesto ay bumukas ulit ito. Kung may makakita siguro sa kaniya'y pagtatawanan siya, malamang iisipin ng mga itong isa siyang tanga na napadpad sa maling lugar.
Talagang idinesenyo ang silid na iyon para sa kaniya dahil awtomatiko iyon sa presensya niya. Bago pa man may mag-isip na isa siyang tanga ay pumasok na siya sa loob at isinara ang pinto. At ganoon na lamang siya napahanga, ganoon na lamang kumalabog ang dibdib niya sa tuwa. Bagong-bago sa kaniya ang lugar, at parang hindi siya masasanay dahil masyadong magarbo ang lugar. Pakiramdam niya'y isa siyang Maharlika kahit na isang normal na mamamayan lang siya.
She don't deserve this place, but here she is now. And soon this will be her temporary home. This will be her new domicile as she goes on with her life in the Academy. Too sad her mom is not with her. Paniguradong matutuwa iyon sa lugar, mamahalin ni Almira ang silid dahil masyado itong maganda. Cream and gold paint surprised her, the small chandelier from the ceiling welcomed her fine. The place was complete, of course except for foods dahil mayroon lang ding hall ang mga estudyante upang sabay-sabay na kumain. Nevertheless, the place screams for perfection.
Pagbukas niya'y malaking wardrobe ang tumambad sa kaniya at naroroon ang mga magagarang damit. Mga pang maharlika iyon, siguro'y iyon ang isusuot niya dahil kabilang siya sa section ng mga noble gayong isa lang siyang commoner dahil nakatanggap siya ng sulat galing mismo sa Kastilyo. Kada lingon niya sa bawat sulok ay hindi niya maiwasang mapangiti, bawat anggulo ay nagpapatambol sa kaniyang dibdib. Masyado itong maganda at nagbibigay iyon sa kaniya ng tuwa.
This is different from her life in Peakbrook. Her new life starts now. She will be new, gone was the forest and mender girl. She'll become a student now from the most prestigious Academy of the Main Abyss. Will she change for the better then? If that's what it takes to survive in this place, then so be it. Kahit na gaano kahirap, sige lang basta magtatapos siya.
Magaan niyang inihalo ang mga damit na tinahi ni Almira sa wardrobe. Mayroon din study table sa silid, full sized pa ang higaan at malambot. Mukhang mapapasarap ang tulog niya. Ngayon ay maiintindihan niya na kung mayroon mang mahuli sa klase at ang rason ay dahil napasarap ang tulog. Masyadong komportable ang higaan, kahit sino naman ay mapapatulog mantika dahil sa lambot nito.
"Schedule..." Basa niya sa mga malilinis na papel na nakadikit sa dingding. Naroroon ang kaniyang schedule, pati na rin ang mga dapat niyang suotin sa pang-araw-araw. Mayroong pattern ang uniform nila kumbaga. Dahil nahuli siya ng isang araw, Martes na siyang nakarating ay ibang kulay ng kapa ang kaniyang susuotin ngayon. Depende sa araw at subject ang kanilang suot. Masyado namang kakaiba sa Akademiyang ito.
Lunes, dahil etiquette ang subject niya'y magara ang susuotin niya at kulay pula ang kapa. Kapag naman Martes, uniform at asul na kapa. Iba rin sa Miyerkules at sa mga susunod pang araw. Linggo lang ang libre nilang araw at sa linggo lang din pwedeng magsuot ng kung ano ang gustong isuot. Masyadong strikto sa Akademya, baka maparusahan siya kung 'di siya susunod.
"Kailangan ko na ba 'tong isuot ngayon?" Tanong niya sa sarili habang nakatitig sa navy blue uniform na nasa harap niya.
Up to the last minute ay nagdalawang isip siya. Ngunit sa huli ay isinuot niya ang uniform at hindi niya na naman inakalang hindi siya magiging komportable suot iyon. Kung hindi dahil sa kapang suot niya'y hindi niya na alam kung paano itatago ang sarili.
Maikli para sa kaniya iyong palda. Knife pleated ang design at 4 inches above the knee iyon, kahit na mahaba ang medyas ay hindi parin siya komportable. Hindi siya gaanong katangkaran, ngunit sa murang edad ay nahuhubog na ang kaniyang katawan at hindi naitago ng uniform ang kaniyang kurba. Dumagdag pa ang black boots na 3 inches ang heels at pinagmukha siyang long-legged. Navy blue rin ang laso ng pang-itaas niyang long sleeves. Ano na lamang kaya ang reaksyon ng kaniyang Ina kapag nakita siya sa ganoong lagay? Hindi kaya iyon himatayin dahil masyadong kita ang kaniyang hita?
Muntik pa siyang umurong pagkakita niya sa kaniyang repleksyon mula sa salamin. Hindi siya makapaniwala, hindi niya inakalang magmumukha siyang ganap na tao at estudyante. Hindi niya makilala ang kaniyang sarili, ito rin ang pinakaunang pagkakataon na nakita niya ang kaniyang repleksyon. Hindi sapat ang malinaw na tubig sa Peakbrook, ngayon ay gusto niyang maluha habang pinagmamasdan ang sarili.
"Celestial Beryl..." Malumanay niyang bulong habang hinahaplos ang salamin. Maybe, from other's perspective she looks like an idiotic innocent little girl. Lingid sa kaalaman ng lahat na bago ang mga ito sa kaniya, bagong-bago at ni minsan sa buhay niya'y hindi niya inakalang mangyayari ito. Too sad for her, she don't deserve this luxury. But she's here now, looking so innocent and lost.
"Beryl..." She whispered her name once again as she stared at her face. "Ikaw ba yan...ako ba 'to?" Parang ewan niyang tanong habang kinakapa ang sariling mukha. Para siyang bagong makakita, parang bagong lagay lang ng kaniyang mga mata. Hindi niya lubos maisip na iyon ang hitsura niya. Napakaamo, napaka-inosente, madaling masaktan, mahina, madaling maloko, madaling makontrol...iyon ang dating ng kaniyang hitsura.
At ganoon pala ang kaniyang mga mata. Hindi pantay at kitang-kita kung paano kumislap ang gintong parte habang ang isa'y berdeng maasul-asul. Ang kaniyang maalong buhok na itim na nagiging brown sa ilalim ng sikat ng araw ay nakalugay, abot na ito sa kaniyang balakang. Totoo rin ang sabi ng mga villagers, maputi siya, porselana ang kutis. At hindi niya maikakailang mukha ngang dyosa ang nasa harapan niya kaya hindi siya makapaniwalang siya ang magandang batang iyon.
"Ako ba talaga 'to?" Tuluyan nang namuo ang kaniyang mga luha, at iyon din ang ginawa ng taong nasa kaniyang harapan. "Ako nga..."
Her heart hammered from deep sadness, if not for this moment she would never get to see how she looks. This is her, this is how she looks, she's literally innocent, a demoiselle who can be easily fooled and manipulated. Could she even change a bit along her journey here?
Pinagmasdan niya ang kaniyang repleksyon. Ibang-iba ang babaeng nasa kaniyang harapan. Nagmukha na rin siyang normal na tao, magmumukha rin kaya siyang normal sa paningin ng iba?
BINABASA MO ANG
LEGENDS: Unleashing (Season, #2) ✔️
FantasyCelestial Beryl's life takes a dark turn when she joins Abyss's most prestigious academy. Through brutal, traumatizing training, her dormant demon awakens, transforming the once-pure town girl into the feared monster she never imagined she'd become...