No Freedom

69 8 0
                                    

She fell, she failed, and the worst is... she's the reason why the others failed as well.

May mas tragic pa doon? Iyong hindi mo sinasadyang mahulog pero dahil sayo nahulog narin ang mga nasa likod mo. Ginawa mo naman lahat, alam nilang 'di mo kaya pero pinilit ka, ngayong bumagsak ka ikaw lang ang mali. Wala kang magawa, hindi mo maipaliwanag ang side mo at wala kang karapatang magreklamo. Sobrang bigat.

Ang buong akala ni Celestial ay iyon na ang huling beses niyang pag-eesanyo sa Mt. Gandum, ngunit mukhang isa iyong malaking pagkakamali. Nabago ang sequence ng schedule nila. Ang mga naunang linggo nila'y history, at sunod naman ay training at ang training sa buong linggo ngayon ay hiking. Walang katapusang paghihirap, sa murang edad, ito na ang dinadanas ng mga Abyssinians. Kaya walang lumalaking Abyssinian na mahina, lahat may pinagdadaanan. Ngunit walang may alam sa pinagdadaanan niya, walang may alam ng hirap na nararanasan niya. At walang makakaintindi sa kaniya.

Huling araw na ito ng kanilang hiking ngayong linggo. Sa mga nagdaang araw ay palagi siyang palpak, kaya naman siya na ang nasa pinakahuling pila kahit pa kabilang siya sa section ng mga nobles na mas lalo siyang minamaliit ngayon. Nakakapanghinang matatapos na ang linggo ng hiking nila'y hindi pa siya nakakalampas sa ika dalawampung hagdan, at wala paring nakakaabot sa summit. There are 500 steps, and she could only reach the 20th.

Ang sabi'y wala pang sinuman ang nakaabot sa summit na iyon sa edad nila, kung may makaabot man ay iyon ang una. Ngunit wala pa, maging ang Archduke ay hindi pa doon umaabot.

"I see a lot of improvements already." Ani Chofan, "Nice, this generation is lit."

Well, he probably hasn't seen her performance yet. Nakakalahati na ang mga nobles, matataas na rin ang naaabot ng mga commoners samantalang siya'y ika dalawampung hagdan palang ang naaabot.

"Isa lang naman ang hindi nag-iimprove d'yan. Ang tigas na nga ng katawan, ang hina pa." Saad ng isang commoner.

"That's enough-"

"But it's true, Sire. Noble pa man din siya, kung makaasta akala mo kung sino 'di naman kayang makasabay."

Really? Walang natatandaan si Celestial na ipinagyabang niya ang pagiging noble niya. Ang totoo'y hindi nga siya masaya.

Napayuko na lamang si Celestial, mukhang walang araw na hindi siya napapayuko. Kabilang nga siya sa mga nobles, ngunit kahit sino ay mawawalan ng respeto sa kaniya 'pag nakita ang performances niya.

"Weakling--"

"I said enough!" Dumagundong na ang tinig ni Chofan, "She doesn't get the same respect as the other nobles but she is a noble, therefore, you are required to respect her at all cost. Do you understand? What's wrong with all of you?"

"Y-yes, Sire."

Nakagat ni Celestial ang kaniyang labi, pinipigilan ang sariling umiyak. At literal na umatras ang kaniyang mga luha nang humakbang si Chofan sa kaniya.

"At ikaw, hindi sa lahat ng oras ay mayroong magtatanggol sa'yo. Matuto kang lumaban at ipagtanggol ang sarili mo. You need to work hard double time, masyado ka nang nahuhuli. Para kang hindi kabilang sa angat na section." Saad nito at nilagyan ng bato ang kaniyang balikat, ganoon na lamang siya napaayos ng tayo upang pasanin ang batong mas malaki pa sa kaniya.

Simbilis ng agos na dumausdos ang kaniyang pawis.

"Tandaan mo, hindi ka dapat ipinagtatanggol. Kapag ipinagtanggol ka ng iba'y mahina ka, ipagtanggol mo ang sarili mo. Mas mainam na ipagtanggol mo ang iba kaysa ipagtanggol ka nila. Naiintindihan mo ba?"

Kagat labi siyang tumango, "Opo!"

Binigatan pa ni Chofan ang batong nasa balikat niya at halos matae na siya sa kinatatayuan.

LEGENDS: Unleashing (Season, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon