"Kanino ka ba nagmana, ba't parang kinarga mo na lahat ng kamalasan sa mundo?" Bulong ng lalaking humihila kay Celestial. "Wala ka sa romance book, bata. Hindi ka isang magnanakaw na biglang nawala sa Palasyo at natagpuan ang kaniyang Prinsipe. Nasa Abyss ka, sa isang Academy. Mas tubo ang paghihirap kaysa kasiyahan dito."
"Ano bang pinagsasabi mo? Iwan na natin 'to dito. Baka mamaya tayo pa ang malapa ng mga halimaw na iyon." Suhestiyon naman ng babaeng may hawak ng lampara.
Masyadong madilim sa dungeon na iyon. The seventh dungeon was scary and dangerous, walang sinuman ang gugustuhing manatili doon. Seventh underground na nga siguro iyon, kung hindi dahil sa lampara ay wala na silang maaniag. Sino ba naman ang makakaligtas sa ganoong lugar? Bukod sa wala ka ng makita, may halimaw pa.
Ibinagsak na parang bag ng lalaki si Celestial. She can't do anything, nanghihina siya sa mga sipa at suntok na natanggap niya. Kung tutuusin ay labis labis na ang naranasan niya sa Akademya at pwede na siyang mamatay, ngunit hindi pwede. Ayaw niya pa.
So despite being vulnerable and weak, she begged. Kinapa niya ang paa ng lalaking bumitbit sa kaniya, "Pakiusap, 'wag niyo akong iiwan. Wala po akong kasalanan, gutom lang po talaga ako..."
Napamura ang dalawang may dala sa kaniya. Humakbang na palayo ang babaeng may bitbit ng lampara habang ang lalaki'y pilit na tinatanggal ang mga kamay niya sa paa nito.
"Tara na, baka dumating na iyong halimaw!"
"Ayaw bumitaw...!"
"Sipain mo na 'yan! Ano, gusto mo ba dito magpaiwan? Aalis na ako, natatakot na ako!"
"Tanga, sandali!"
Isang malakas na sipa sa mukha ang natanggap ni Celestial, awtomatikong lumipad palayo ang maliit niyang katawan. Lumikha ng ingay ang kaniyang pagbagsak at narinig niya ang pagkaripas ng takbo ng dalawang may dala sa kaniya sa dungeon.
Umagos ang luha sa kaniyang mga mata, bago pa tuluyang naglaho ang mga tunog nito'y sumigaw iyong lalaki, "Fight kid, fight. If you can't fight, then atleast hide." Nasa tinig nito ang konsensya, ngunit naiintindihan niya ito. Katulad niya ay gusto lang rin nitong mabuhay...kahit ikamatay ng iba.
She crawled to nowhere as her tears rushed like an overflowing river. She tried to keep quiet, ngunit maging ang pinakamaliit na hangin na ibinubuga niya'y umaalingawngaw sa dulo at dako ng lugar. Patuloy lamang siyang gumapang habang dinaramdam ang sakit ng kaniyang katawan. Wala na siyang ibang maamoy at malasahan kundi ang sariling dugo na umaagos kasabay ng kaniyang mga luha.
How...why did she end up like this? She just wants to learn, what's wrong with aiming something? Libre nga ang mangarap, ngunit bakit mahirap magtrabaho sa pangarap na iyon?
Tuluyan na nga siyang nanghina, bumagsak na ang kaniyang katawan sa maduming lupa na hindi matukoy kung ano. Mabaho iyon, malapot, nangangamoy...katawan ng mga nalapa at namatay. Susunod na ba siya?
Too bad, she don't have her cane again. Ano pa ang silbi niyon kung sa panahon ng pagsakit ay di niya bitbit? Fuck life, she wants to get out of the place, but how? Gusto niya pang mabuhay, gusto niya pang makita ang kaniyang ina, ngunit paano? Ni kaunting pag-asa ay wala na siyang makita, masyadong madilim...literal na siyang nasa bingit ng kamatayan.
"Blood..."
Her teeth clenched in horror. That word reverberated from the corners of the place. Hindi niya matukoy kung saan iyon galing, kung saang parte sa madilim na lugar na iyon. Iyon na ba ang kinatatakutan ng lahat?
"I smell blood..."
The monster is here.
She immediately crawled like a desperate slave begging for her life. Her breathing became rapid, her heart's palpitation isn't normal, it's bad and it's killing her. She's losing air, she cannot breathe, she...cannot do anything. She's going to die.
"Hm, fresh blood. I smell fresh blood. Blood, blood, blood. Blood! I want blood! Human, human, human!"
The voice became hyper. Hindi maganda ang tinig na iyon, garalgal na paos, parang bumubulong ngunit sumisigaw. Hindi niya maipaliwanag, wala na siyang maintindihan. Lumikha na ng tunog ang kaniyang pag-iyak, at tiyak niyang narinig na siya ng halimaw na paparating.
"Give me blood!"
At tuluyan na ngang naging malinaw ang tinig. Isa lang ang ibig nitong sabihin...malapit na sa kaniya ang halimaw. Hindi niya matukoy kung saang dako, ngunit sigurado siyang naroroon.
At hindi nga siya nagkamali, dahil isang segundo matapos maramdaman ang malakas na hangin ay isang mahaba at malaking dila ang humaplos sa kaniyang katawan. She's literally at the door of death, nasa bibig na siya ng halimaw!
"AAHH!" She cried and did her best to crawl away. Ngunit nahila ng dila nito ang kaniyang paa at lumutang siya sa ere.
Hindi niya alam ang gagawin. Wala siyang maaniag, hindi niya alam kung saan siya patutungo, hindi niya mahulaan kung saang direksyon dapat pumaroon. Ni hindi niya nga mahulaan kung isinusubo na na siya ng halimaw.
"Delicious." Malinaw na saad ng halimaw, "You look...like hell. Exhausted, lifeless, are you sure you still don't want to give up?"
Her eyes widened. Paanong nakakapagsalita pa ng malinaw ang halimaw kung nakapulupot ang dila nito sa kaniya? Ano ito? Anong kinangina ito?
"AAHHH!" Her voice echoed when the monster played it's tongue with in the air with her. "Aaackk!" Isa pang parang dila ang pumulupot sa kaniyang leeg.
Ano ito? Ilang dila mayroon ang halimaw---hindi kaya, hindi lang isang halimaw ang naroroon?
"Give up!"
"No..." She choked.
She was danced against the air, "Give up! Give up! You useless child! Thief! Weak!"
"No..."
Iyon ang bagay na hinding-hindi niya ia-admit. Ang sumuko, wala siyang balak kahit pa ikamatay niya'y hinding-hindi niya sasabihin na sumusuko na siya. She's frustrated, and she cannot breathe out of frustration. It's killing her, but no, Celestial Beryl will never give up.
BINABASA MO ANG
LEGENDS: Unleashing (Season, #2) ✔️
Viễn tưởngCelestial Beryl's life takes a dark turn when she joins Abyss's most prestigious academy. Through brutal, traumatizing training, her dormant demon awakens, transforming the once-pure town girl into the feared monster she never imagined she'd become...