----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Will you go out with me? Bebang?" ngingiti ngiti pa ang herodes na si Aston habang nakatingin sa akin, tengene naman ito oh! nakakakilig na sana eh! Hindi pa rin ako nagsasalita aty mukhang nangangawit na ang damuho
"Bebang?" he asked again ngrrrrhhhh!!!! ang sarap talaga hambalusin ng bwisit na ito oh! wala pa ring nagsasalita
"Ako! I can be Bebang for you if you want to ask me out" malanding tugon ni Rian, at inabot ang kamay dito, tumayo mula sa pagkakaluhod si Aston, at tinignan ako, nakakahiya ito to the max! magaaya nalang lumabas mali pa ang pangalan!!!! >_<, may kung ano'ng kinuha ito sa mula sa isang alipores nito, isang bookmark, inabot niya ito sa akin syempre tinanggap ko naman, bookmark nga ito at may nakalagay na 'Bebang'
"So? aanhin ko ito? ngangatngatin ko?" sabi ko sa kanya, awtomatikong nagliwanang yung mukha niya tsaka ngumiti sa akin, yung tipong nakakatunaw! kinikilig nanaman ako, kainis ang landi ko talaga! >_< palibhasa hayok eh huy hindi naman gaano! nakakabaliw lang isipin na isang heartthrob papansinin ang isang ordinaryong babaeng katulad ko! off na off di ba? tsk
"Hindi ba sa iyo yan?" sabi nito at may alanganing ngiti sa kanyang labi, in-adjust ko naman daw yung eyeglasses ko, pademure kunwari tapos pa genius kunwari kahit hindi naman talaga, pero medyo nakakahiya din kasi biruin mo nakatingnin lahat sa akin yung mga tao, pati yung mga nagmamagandang froglettes ay nakatingin sa akin, kung siguro nakamamatay ang tingin kanina pa ako bulagta dito.
"Bebang naman nakakangawit kaya, sumagot ka na please?" sabi nito at nag squat sa harap ko bigla nakangiti ang cute niya shet!!! >_< bagay na bagay pa sa kanya yung varsity jacket nila.
"Hindi ako si Bebang, kaya hindi akin ito" sabi ko sa kanya sabay abot ko sa kanya pabalik nung bookmark, ngumiti pa ito bigla sa kanya na waring naunudyo.
"Huusss...si Bebang denial..." umupo ito sa tabi ko at inakbayan ako bigla ang lakas talaga ng bilib sa sarili nitong ungas na ito! "Alam mi hindi naman nakakahiya kung medyo....umm...mabantot ang pangalan mo at..." pinisil pa niya yung pisngi ko "Cute ka padin naman eh" ano daw???? ako?? cute?? shet! eh mas bulag pa yata 'to sa akin eh!! >_< pero aaminin ko ha? dumbstruck na dumbstruck ako kasi pinuri niya ako...pero teka? nananantsing na 'tong manyak na to ah, kinurot ko yung kamay niyang naka-akbay sa akin
"Aw!! Bebang naman! karinyo brutal ka pala!" sabi nito sapo niya ang nasaktang kamay, nag-init nanaman yung ulo ko siyempre! ang ganda ganda ng pangalan ko, yun na nga lang ang maganda sa akin pagkatapos papapangitin pa? ngrrrr tumayo ako sa sobrang frustration sa abnotic na lalaking ito at hinarap ko siya.
"For the last time! Hindi BEBANG ang pangalan ko! bwisit ka! It's Lena, Lena Cathena! Import pa yan ng nanay ko kaya wala kang dahilan para tawagin ako ng mabantot na pangalan!!!" sabi ko bigla in frustration, nakita kong nakangiti lang siya sa akin at nakatingala.
"Okay, got it...will you go out with me Lena?" he said, at hayun na naman ang bombang mistulang itinapon sa harapan ko, narinig kong suminhap nanaman ang mga epal naming audience sa aniticpation, pero shet nga naman ano'ng gagawin ko? magpapakipot pa ba ako? pero...
....<katahimikan>
...........<katahimikan ulit>
.................<katahimikan pa din>
"Teka nga eh sino ka ba ha? bakit ba? eh hindi nga kita kilala eh" biglang sabi ko, but deep inside antanga tanga tanga mo talaga Lena!!!! Sigaw ko sa isip ko! hindi ba't kina-iinggitan mo pa nga yung mga malibog na butiki sa kisame pagkatapos ngayon eto na yung grasya oh! eto na! tapos magpapakipot ka pa? ngumiti ulit ito.
YOU ARE READING
TFMO 1: Intertwined
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] A cliche beginning of a famous boy and an ordinary girl. When Aston and Lena's world collides an ordinary love story turns upside down into a not so ordinary one... a life garnished with eternal insanity and twisted eccentricity. How...