Dedicated to the person I erased and who erased me...okay burado na di ba? Erased na tayo sa isa't isa. :")
(NP: Erased by Chris Brown *video on the side* ------------>)
<emo si author, pakibato ng tsinelas! XD>*Note: Mr. Popular is in coma..what will Lena do now?
_______________________________________________________________
"We want Aston! We want Aston!" patuloy pa din ang pagwewelga ng fangirls ni Aston sa labas, parang gusto ko na nga sila pagbabatuhin ng paputok eh! nasa ICU pa din si Aston, hindi pa din gumigising, sabi ni Ran masama daw ang lagay nito since ang dami daming tubo na nakasaksak sa kanya, ako na ang naaawa sa kalagayan ni Aston. Nakawheel chair pa din ako sa ngayon at kung anu-ano'ng gamot pa din ang isinasaksak sa akin pero kaya ko naman na maglakad, unlike Rain and Reino na parehong nasa orthopedic, may braces sa paa at tine-therapy, sino'ng magaakala na sa ganito hahantong itong lahat? sana pala nagpakabasa nalang kami nun. Nasa window lang ako since bawal pumasok sa ICU, umiiyak din si ninang. Sa wakas lumabas na ang doctor.
"Doc how is he?" bungad ko agad sa doctor (akala mo asawa eh noh?)
"He's quite stable now, ililipat na siya sa recovery room mamaya, aalisin na din namin ang ilan sa contraptions sa kanya since stable na ang vital signs niya. Excuse me for a bit" he said
Parang nawalan ako ng isang tinik sa lalamunan ko, out of danger zone na si Aston pero the fact na hindi pa din ito gumisgising ay isa pa din napakalaking tinik sa dibdib ko.
"Lena, wag ka naman ng ganyan bestfriend, para ka ng pinagsakluban ng langit at lupa eh!" pang-aalo sa akin ni Ran. Nginitian ko lang siya, alam ko hindi kayo sanay na malungkot ako, hindi pa definite ang feelings ko kay Aston pero alam ko gusto ko siya...ang tanga tanga ko para pagdudahan lahat ng ginagawa niya para sa akin, the mere fact na lagi siyang anjan pag kailangan ko siya, at lagi din siyang anjan pag hindi...the way he treated me equally even when I was just plain and ordinary. The way he saw me not with his eyes, sadyang masyado lang yatang sarado ang isipan ko noon para i-acknowledge ang sincerity ni Aston para sa akin. Ang tanga tanga ko talaga! Y_Y
"Lena, umuwi muna tayo, mag-ayos ka muna, baka pag nakita ka ni Aston macomatose pa lalo" sabi ng kuya ko, usually pag ganun yung banat niya lumilipad yung tsinelas ko sa direction niya eh, pero ngayon kasi wala pa talaga ako sa mood makipag-asaran sa kanya :( iniisip ko pa din si Aston. Pero nagpatianod nalang ako ng hilahin ako ng kuya ko. Si Ran na din ang nag-ayos ng mga gamit ko since tulala lang talaga ako these past few days.
Hatak hatak ako ng kapatid ko sa kamay, na para bang bata akong naliligaw lang ng lumabas kami ng hospital. Naroon ang nagwewelga niyang fans.
"Kasalanan mo ito eh!" paninisi sa akin ng mga babae, oo na ako na may sala! pero hindi ko naman ginusto na mangyari yun sa kanya eh.
"Mga boba ba kayo? It was Aston's choice to defend Lena! at kayo?! ano namang ini-echeng niyo? ni hindi nga kayo kilala ni Aston eh!" isang matinis na boses ang naringgan ko, sa gulat ko it was Rain, nakasaklay pa din ito halatang hirap pa din maglakad. Todo alalay naman ang mga body guards nito, nakakapagtaka na hindi nito kasama si Reino.
"Rain..." mahinang sambit ko, nahihirapan man maglakad ay nakalapit sa akin si Rain, sa gulat ko binigyan niya ako ng isang malakas na sampal sa mukha! nasapo ko lang ang pisngi ko. Ngumisi ito.
YOU ARE READING
TFMO 1: Intertwined
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] A cliche beginning of a famous boy and an ordinary girl. When Aston and Lena's world collides an ordinary love story turns upside down into a not so ordinary one... a life garnished with eternal insanity and twisted eccentricity. How...