*Note: well readers nakakasawa ang laging POV ni Lena eh, kaya I present you, Mr. Popular himself! Volt Aston Martins! yey! *clapclapclap*
__________________________________________________________________
Napangiti ako ng makita ko si Lena kanina badtrip lang kasi yung Reino na yun panira! HIndi nga lang pumayag si Lena magpadala sa clinic kasi pinagsususpetsahan nanaman ako.hehehe tss... napahawa ako sa dibdib ko, nararamdaman ko pa din yung kaba ko, o sige na hindi na ako yung cool na inaakala ng lahat! baduy na kung baduy, nagtatapang tapangan lang naman kasi talaga ako eh. Alam ko naman yun sa sarili ko, pagtawanan mo ako sasapakin kita. Pero hindi nga, ewan ko ba noon pa ito. Sige na ako na ang hari ng torpe, oo mas torpe pa ako kay Zarth (sa Meeting Lucy) ito talagang author natin kahilig mag plug tsss.... =_= pagbigyan niyo na nga yan basahin niyo na yung Meeting Lucy, okay naman yun eh hehe.
So anyway as I was saying before I was rudely disturbed. Natatawa ako sa sarili ko, napaka torpe ko pagdating kay Lena and I'm the biggest jerk womanizer when it comes to other girls. I still remember on how I first met Lena. Halikayo samahan niyo ako sa past *flirty smile*
Naalala ko humihikbi pa ako nun, I was a kid then and I always witness my parents fighting. Wala akong kapatid kaya madalas ay mag-isa lang akong naglalaro dun sa sand naglalaro ng holen, tex, pog at kung anu-ano pa. Ayaw makipaglaro sa akin ng ibang bata kasi iyakin daw ako, at ang tunay na lalaki daw ay hindi umiiyak. tengene bakit pa kami may lacrimal glands kung ganun? =_= tsaka bata lang ako nun, buti sana kung physical pain lang at hindi ko iiyakan, pero ang makita mo ang parents mong nagaaway wala na nga silang time sa iyo eh tapos ganun pa? torture yun! mataba pa kasi ako nun kaya tawag din nila sa akin baboy, pero ngayon syempre hot na ako! I'm proud of my abs! haha *wink*
So yun isang araw naglalaro ako mag-isa sa swing kaso wala naman dun yung atensyon ko kasi nga nagaway nanaman sila mommy at daddy, nabato ng bola yung swing ko at nalaglag ako, napasubsob ako sa sand, at naiiyak nanaman ako kasi wala dun yung mommy ko para alagaan ako at awayin yung ibang bata.
"Wahahaha! Iyaking lampa na baboy pa!" tudyo pa ng isang bata sa akin matapos akong madisgrasya, swear pag nakita ko yung batang yun ngayon bubugbugin ko yun. Okay continue, so naiiyak na ako, ng may batang babae na tumatakbo palapit sa akin, akala ko talaga pagtatawanan niya din ako. Sa gulat ko lumuhod siya at tinulungan akong tumayo, napatingin ako sa kanya beyond my sniffles.
"Okay ka lang ba? hayaan mo na ang mga yun salbahe sila" sabi pa nito, may large glasses yung bata pero ang cute cute niya. Napatango nalang ako, ng nilabas niya yung panyo niya.
"Ayan ang dirty mo na tuloy" sabi pa nito at pinunasan ako sa mukha, noon lang ako nakakita ng batang nagmalasakit sa akin. Kaya naman napatingin lang ako sa kanya.
"Eto o, sayo nalang yang panyo ko, wag ka ng iiyak ha? hindi iniiyakan mga batang ganun, bad sila hindi sila love ni Papa Jesus kaya tahan na ha?" sabi pa nito, through my chubby cheeks I managed to smile, the little girl smiled too. Nang mapatingin siya sa damit ko, natanggal yung butones dala ng katabaan ko tapos nalaglag pa ako di ba? ang loser ko talaga nun.
YOU ARE READING
TFMO 1: Intertwined
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] A cliche beginning of a famous boy and an ordinary girl. When Aston and Lena's world collides an ordinary love story turns upside down into a not so ordinary one... a life garnished with eternal insanity and twisted eccentricity. How...