*Note: Speedy update kase mahal ko kayo! :)) at super natuwa po ako sa mga comments niyo, mababaw lang naman po ang kaligayahan ko eh, as long as nakikita ko may napapasaya ang story ko bumubuhos ang idea ko :)) so ayun po!
At saka nga pala! di ba sabi ko nun malapit na matapos ito? pero alam niyo? parang nagbago yung isip ko! hahaha! so ayun! napagdesisyonan kong iincorporate dito ang kwento ni Reino! hehehe hindi ba kayo naaawa sa kanya? so ayun! hindi pa po magtatapos ang series na ito! sana po magustuhan niyo ang slight changes of plan natin :))
_____________________________________________________________________
"Aray!" reklamo ni Aston habang itinuloy ko ang aking 'pagmamasahe' sa kanya, gusto niya ng masahe? pfft. di sige! eto! hard massage para sa kumag na feelingero na 'to!
"Aray ko naman Lena! ganyan mo ba itrato ang lalaking gusto mo?" napasinghap ako! ang kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking ito! ang sarap ingudngod sa pader! anu daw? narinig niyo ba yun? bitayin ko kaya ito?! sino tutulong sa akin? taas kamay dali!
ayy? wala? lahat kayo nadaan sa kapogian ng iguana na ito? =__= sige na ako nalang magbibigti baka sakaling mas trip niyo.
"Oo ganito talaga ako magmahal! mabigat!" kako sabay karate chop sa likod niya *grin*
"Aray!" daing naman nito "So mahal mo na ako ng lagay na yan? ang sadista mo naman!" reklamo nito, nakakainis
"Oo para pag lumpo ka na akin ka nalang! mwahahahah-----" natigil bigla ang tawa ko, t-teka! did I say it out loud? >_< waaaaahhhhh! I did! judging from the expression on his face sinabi ko nga! paki baril na po ako ngayon parang awa niyo na! huhuhu!
"Wow...possessive huh? aray!" napadaing pa ito lalo ng hambalusin ko siya at iitsa sa ground, oo! initsa ko siya dun! gumulong gulong siya! eh bakit ba? sabi sa inyo malakas ako eh! bwahahaha!
"Ewan ko sa iyo jan ka na nga!" sabi ko nang biglang
"You poor thing, inaapi ka ba niya, gusto mo akin ka nalang?" isang tinig ang naringgan ko na ikinalaki ng tenga ko! anu daw? at sino naman ang haliparot na yun? dali dali akong tumingin sa gawi nila, isang magandang babae na naligo yata sa kalawang ang nakita ko dun, tapos! diyos mio! ang hinaharap niya! center of gravity! halos lumuwa sa damit niya! nag-init nanaman ang ulo ko ng mapatingin si Aston sa akin at ngumisi na nang-aasar, sige pa Aston, manyakin mo pa yang babaeng yan na mukhang willing na willing na magpamanyak! makuha ka sa tingin Aston makuha ka sa tingin! sabi ko at tinignan siya ng masama! lalo pang lumuwang ang pagkakangisi nito sa akin at bumaling sa babae, nalungkutan nito ang mukha nito! how dare him! talagang exaggerated pa ha?
"I can't remember her, so she's being sadistic to me" anito, ngrrrr!!!! gagong ito! penge chainsaw! +_+ papatayin ko ang lalaking ito! it's decapitating time!
"Oh...you poor poor thing" sabi nito na yumakap pa kay Aston! tengeneeeeeeeeeee!!!! nakakapanginig ng laman!!! oo hindi man lang umabot sa cup c yung akin pero hindi naman kelangang sinlaki ng mga bola hindi ba? sa galit ko, hinaklit ko ang kwelyo ni Aston at hinila ito
"Hey!" angal pa ng babae pero tinignan ko ito ng masama
YOU ARE READING
TFMO 1: Intertwined
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] A cliche beginning of a famous boy and an ordinary girl. When Aston and Lena's world collides an ordinary love story turns upside down into a not so ordinary one... a life garnished with eternal insanity and twisted eccentricity. How...