The Ignored Princess

25.9K 323 24
                                    

Note: Update nanaman! mas ginaganahan po ako dito eh hehehe! sa mga sumusubaybay nito! yey! I lab yu po! add niyo lang ako sa fb! hehe para close tayo! ;) 

this is a POV of Rain! promise last na to then balik na tayo sa story proper! para lang hindi magulo ^^V 

_____________________________________________________________

Rain's POV

Haay naku! =_= nakukulta ang utak ko! sino ba naman kasi genius ang nagsabing masaya daw mainlab? sigi nga! papatayin ko yun! seriously, napayuko ako sa ilalim ng puno...ayoko pa umuwi...sigurado naman wala din makakapansin kung andun man ako o wala...ever since naman wala ng nagpahalaga sa akin...si Reino lang. Sana nga kasi hindi nalang ako na fall sa kanya eh di sana okay pa ang lahat sa pagitan namin. Masaya pa kami, nag-aasaran, eh kasi ang tigas ng ulo ko eh! Sing tigas ng punong sinasandalan ko ngayon Looking back I remembered everything.

I was Annika Rain Hanabishi...the sole heir to the Hanabishi Chain of Companies. A spoiloed bratinella who lost her mother at the tender age of 6. Si Daddy laging busy sa kumpanya, kunwari lang chini-check niya ang kalagayan ko pero hindi naman talaga, instead puro katulong generated ang buhay ko, na hindi ko din naman ka close kasi ang tingin ng Daddy ko sa kanila ay simpleng binabayaran para mag-care....to make matters worse, tumakbo ang daddy ko for politics kaya naman nagkaroon ako bigla ng body guards everytime na lalabas ako. Ang uncool kaya nun, lagi ang tingin sa iyo untouchable, hindi pedeng magkaroon ng kaibigan sa takot na bigla nalang sila i-taser ng bodyguards ko =_= syempre ang tingin ko naman sa sarili ko noon eh super special, para lang pagtakpan ang katotohanang wala naman talagang gustong makipagkaibigan sa akin. Oo masama din ang ugali ko noon, noon lang! ang aargue babatuhin ko! Kasi I signed up for modelling, ang tingin ng lahat ng tao na nakikihalubilo sa akin ay parang nasa mamahaling pedestal.

Hanggang sa nakilala ko si Reino....

Tumakas ako sa mga bodyguards ko ng araw na iyon, akala nila nasa dressing room ako matapos ang photoshoot. Sabi kasi ng daily tarot ko ay may magandang mangyayari sa akin kung makukuha ko ang freedom ko, oo weird ako! may tarot cards ako for prediction and guidance, since yun lang ang nagpapayo sa akin eh. 

"ahh! Fresh Freedom!" sambit ko (sa Japanes syempre, tagalized for your convenience ;)

Naglakad ako nagmuni muni, natuwa ako kasi head-turner nga naman talaga ako, kaso ang nakakainis walang nagtatangkang manligaw =_= ganoon ba ako ka bruha? hindi naman di ba? oh well! if they don't have the guts to even court me then it's their loss! wala akong kiber! XD

Hanggang sa lumalim ang gabi ang mga vowvow kong body guards ay hindi pa din napapansin ang pagkawala ko. See? wala naman talaga silang pakialam eh. Naglalakad lang ako nang biglang

"Hi cutee" isang lasing na lalaki ang lumapit sa akin na pasuray surap pa may mga kasama ito na mukhang mga lasenggo din! yaak!!! =_+

"Excuse me I don't talk to strangers" pagtataray ko

"Uyy palaban pare...ano? i-take home na ba natin ito?" ay powtek! narinig niyo iyon? sa gulat nilang lahat ay umingkas ang kamao ko sa pagmumukha niya!

"Ang kapal ng mukha mong panget ka! panget ka na nga bastos ka pa!" sigaw ko

TFMO 1: IntertwinedWhere stories live. Discover now