Broken Dreams 2

18.8K 223 35
                                    

*Note: whew! akala ko hindi niyo magugustuhan yung previous chapter eh...akala ko aawayin niyo ako TT^TT

______________________________________________________________

Lena's POV

Nakatulala pa din ako, alam ko madalas ay asal tangengot ako...madalas din reklamador ako...pero ngayon naman siguro wala din akong ibang masisisi kundi ang sarili ko...

Hindi ako makapagsalita, dahil alam ko sa sarili ko na oras na bumukas ang bibig ko ay hindi ko na mapipigilan ang paghikbi at baka ngumawa na ako...

Aston...naramdaman ko ang pag-agos ng mainit na likido sa pisngi ko...at panigurado galing iyon sa mga mata ko...hinintay kong kutsain ko ang sarili ko...dapat lang naman di ba? ang tanga tanga ko para umasa...kaya ako nasasaktan ng ganito...kasalanan ko din kasi eh...

He was a star...he was Mr. Popular...and I was nobody...hindi pala totoo na opposites attract. Hindi naman totoo iyon eh...I don't belong in his world. Wala naman akong karapatan sa kanya in the first place eh...never niyang nilinaw kung ano talaga ako sa kanya....

Sinasabi niyang mahal niya ako...

Kasinungalingan lang ba ang lahat ng iyon? Naalala ko ang mukha ni Aston...on how his eyes glitter while he was with me all along...pero hindi din sapat iyon para maniwala ako sa kanya...he lied to me.

He made me a fool and I was a fool to believe his lies...once again pumatak ang luha ko...talagang naniniwala ako noon na mahal nga niya ako? Reaching for him is like a rock reaching for the moon...napakaimpossible...

Maybe maswerte na ako sa lagay na ito...mahal ko si Aston eh...maswerte na siguro ako, because even for a bit...I got to linger in his life...pumatak ang luha ko, ang sakit sakit...sino ba kasing nagsabi noon na lahat ng lovestories ay may happy ending..yung saamin ang wala.

Napahiga ako sa kama ko at niyakap yung unan ko...napahikbi ako...at nasundan pa ng isa...at ng isa pa...hanggang sa I fould myself crying wholly sa kwarto ko...bwisit ka Aston...bakit kailangan mo pa akong paniwalain na mahal mo ako...bakit sa dinami dami ng taong pwede mong paglaruan ay ako pa? bakit ba sa dinami dami ng babaeng pwede mong mabato ng bola noong araw na nakilala kita ay ako pa? at most of all bakit ba pinayagan kitang makapasok sa buhay ko ng ganoon na lang? humikbi ulit ako habang unti unting bumabalik lahat ng ala-ala namin ni Aston...

Sa Nurses station...napahikbi ako...

Sa library...bakit kailangang ako pa ang binola mo noon Aston? at bakit ako naniwala sa iyo?

Sa salon ni ninang...bakit ikaw pa ang anak niya at naging fiancee ko

Ang triple date namin nila Reino...bakit ikaw pa ang pinili ng puso ko?

TFMO 1: IntertwinedWhere stories live. Discover now