*Note: wala lang! may duty nanaman! dfbvfbvhfbvhf vd sana kasi wala na! hahaha! 2 more days to heaven! wala akong pasok next week kaya makakapag update ako ng bonggang bongga! hehehe! [hindi na applicable ang note : WALA NA AKO DUTY HAHAHAHA!] mamimiss ko din mabaliw sa Energency Room! read niyo updates ko mamaya ha?
Plug din pala ako ng stories ha? itong story na ito ang madaming readers eh kaya dito ako magpaplug hehehe
SIGH- my masterpiece!
Meeting Lucy- manga type story!
The King of Jerks!- prequel ng TFMTO
The Dark Geisha- my evil unleashed haha!
O yan! tinatamad pa ako magplug ng lagay na yan ah! hahaha!
____________________________________________________________
Matapos ang isang madugong paliwanagan, courtesy of Reino syempre, malamang baka masakal ko nanaman ang malanding Aston na iyon! Easy tiger, hindi naman niya nga alam na—ah powtek! Eh ano ngayon? Rason yun? Rason? Taey!“Hindi ko pa din magets” sabi pa nito, naku! Tinamaan ng lintek kung slow ka nga naman! Nakakapit pa din si Rain sa likuran ni Reino, malamang di ba takot lang niya, oy! Hindi sa akin ha? Manyak yang si Aston eh!
“Pumayag ako sa ganoong set-up?” hindi makapaniwalang sabi nito, marahang tumango lamang si Reino
“Bakit hindi nalang si Miss Cutie ang fiancee ko? Sa’yo nalang si Lena” anito, huwaaaat??? Calm down Lena calm down....
“Umayos ka Aston kundi papatayin kita!” sigaw ni Rain na ikinangiti lamang ni Aston yung ngiti nito na walang palyang mang-akit
“Bakit Miss Doll, ayaw mo?” sabi pa nito! Naku!!!! Pigilan niyo ako! Masasakal ko nanaman ito, baka ihagis ko pa yan sa bintana!
“Reeeeinnnoooo~” hinging saklolo ni Rain kay Reino at nagtago sa likod ng binata
“Cut it out Aston, you’re scaring Rain” malumanay sa sabi nito, true enough napansin ko medyo nangangatog na ang dalaga sa likuran ni Reino, bumuntong hininga ako at tumayo. Kinuha ko ang kamay ni Rain at lumakad palabas ng kwarto.
“Hoy! San mo dadalhin si Miss Cutie, babaeng amazona?” hirit pa ulit nito, sukat sa narinig naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. Bigla akong bumalik sa harapan nito, pumitas ng ubas at ibinato iyon sa mukha niya.
“Jerk!” bulalas ko
“Aray! Masakit yon ah! Nakakadalawa ka na ikaw amazona ka!” reklamo pa nito.
“Huwag kang mag-alala next time pinya o di kaya naman pakwan na ang ibabato ko sa iyo!” sigaw ko pa dito at binalikan si Rain sa may pintuan.
"Oy Lena! wala akong ginagawa dun ah!" sabi nin Rain habang iika ika siyang nakasunod sa akin, bumuntong hininga nalang ako...naalala ko na may tarot cards dating drawing si Rain at nakalagay dun si Aston, alam ko kalokohan yung tarot niya kasi naman obvious na siya lang ang nagdrawing pero...
"Rain...totoo ba yung tarot cards mo nun?" sabi ko bigla sa kanya, lumatay ang pagkagulat sa magandang mukha nito
"Ano ka ba naman Lena! ang tanda tanda mo na hindi mo pa malaman ang tunay na tarot sa hindi? malamang yung pinakita ko sa iyo echos lang yun noh! ang plano ko naman talaga noon eh ipa-realize sa iyo na si Aston talaga ang para sa iyo at hindi si Reino.." sabi nito pagkatapos ay bumuntong hininga ito
YOU ARE READING
TFMO 1: Intertwined
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] A cliche beginning of a famous boy and an ordinary girl. When Aston and Lena's world collides an ordinary love story turns upside down into a not so ordinary one... a life garnished with eternal insanity and twisted eccentricity. How...