The Young Master

23.6K 314 58
                                    

*Note: pasensya na po kung dumadami ang characters natin meron nanaman si Young Master eh hindi ko pa nga pala binubunyag kung sino si Poging Clown! hahaha! konting teaser tayo tonight! :) Don't worry someday ibubunyag ko din, hindi ko din po kinalimutan na kasama pa sa story na ito sila Rain at Reino, konting rest lang muna daw sila para makapagsolo! hahaha! Patience lang po sa mga gusot ha? pinaplantsa ko pa eh hehehe

At sa mga ayaw po kay Drei ayaw ko din po siya! hahaha! pero kelangan siya sa story natin eh kaya bear with him nalang po, at sige =_= oo na gagawin ko na siyang pogi (vomits) sa imahinasyon niyo para kahit papano masikmura niyong basahin ang mga POV niya =_=

Salamat po sa mga nagbabasa nito! I super appreciate it! :))

Nga pala! alam ko hindi ako kinukulang sa pagpaplug dito! pero sana po ma check niyo din po yung English Novel ko na SIGH fantasy po kase genre niya sana po magustuhan niyo din! ^^

_____________________________________________________________

Drei's POV (nanaman =_=)

Nagising ako na parang minamartilyo ang ulo ko, heck! ano bang pinaggagagawa ko sa buhay ko? The eff! hapon palang? Bakit ba ang bagal ng oras?

Bumaba ako sa hagdan at narinig kong nag-uusap ang mga alipin namin, oo mas gusto ko silang tawaging alipin hahaha!

"Buti pa si Young Master ano? napakabait na bata at napakalambing pa!" sabi ng isang alipin namputa naman oh! wala na ba akong ibang maririnig sa bahay na ito kundi yan lesheng Young Master ninyo? 

"Oo nga madalas lang maglayas ang batang iyon, mawawala ng ilang buwan dahil pupunta sa kanyang mama, hay naku si Manang Linda nangungulila na sa pangungulit ng Young Master sa mansiyon." sabi naman ng isa. Hah! Yung Linda na yun ang mayordoma ng bahay at balita dito iyong matandang hukluban na iyon lang ang sinusunod ng Young Mastershet na yun! 

"Ang bait bait ni Young Master! ang gwapo gwapo pa! Hindi katulad ni Senyorito Drei, napakasama ng ugali! nakita mo ba yung ginawa niya kay George? binato niya ng bote! grabe ano?"

"San ba kasi lumaki yan? parang ang hirap paniwalaan na anak siya ng Dame Leigh"

(a/n: Dame is the title bestowed to a Knight in Britain it's either Sir or Dame)

"Ang layo layo ng ugali niya sa Young Master na kahit ubod ng kulit ay napakabait pa din, hindi mapangmata sa mahihirap"

Dun na nagpanting ang tenga ko inabot ko yung vase sa hagdan at ibinato iyon sa mga tsismosang iyon

"AYYY!" tili nila pasalamat sila nakaiwas sila, kagigising ko palang kasi eh siguro pag kinoncentrate ko ang pagbato walang mintis iyon.

"Leshe kayo! magsitrabaho nga kayo! hindi kung anu-ano ang inaatupag niyo jan! tiklupin ko kayo sa walo eh!" sigaw ko sa kanila. Lagi nalang leshe!

TFMO 1: IntertwinedWhere stories live. Discover now