The Cursed Lover-Reino!

25.7K 353 22
                                    

*Note: katulad ng napagusapan iiincorporate ko na din dito yung story ng ating hot rockstar na si Reino! ^^V kawawa naman kasi siya eh tsaka napaka adorable na niya! hehehe. Huwag lang po tayong lilihis sana sa genre ano? hindi po ito fantasy kahit pantasya sa kapogian ang mga characters natin ano? hehehe <medyo iba po kasi ang genre ng kwento ni Reino pero cute din! hahaha wag kayong mag-alala hindi ko ilalayo sa realidad ito>

*Medyo madrama po pala ang kwento ng ating si Mr.Mysterious kaya pag hindi ako nakapagupdate ng matagal ay malamang umiiyak na ako nun! OA kasi si author eh! weak sa heart-wrenching scenarios

_____________________________________________________________________

Reino's POV

Pagkatanggal na pagkatanggal ng cast ko sa paa ay determinado akong sumugod sa dating kinatatayuan ng home eco building! Hindi pwedeng mangyari ang lahat ng ito ng dahil lang sa isang kasalanang hindi ko ginawa!

"Astaria!!!!" sigaw ko sa gumuhong building

"Magpakita ka!!! Kasalanan mo itong lahat!!! Ano ba ang ginawa ko sa'yo ha?! Lagi nalang!" hindi ko napigilang bumuhos ang hinanakit ng kahapon sa dibdib ko. Napaluhod ako, hindi ko kasalanan Astaria...bakit mo ba ginagawa ito? Looking back at everything that happened I can't do anything but to feel helpless. Naramdaman kong umagos ang luha sa aking mga pisngi.

Kapatid ko si Astaria ang napakaganda kong ate. Close kami ng ate ko, mahal na mahal ko siya kasi siya ang tumayong ina sa akin sa mga panahong hiwalay ang parents namin, she was the definition of a yamato nadeshiko or a perfect girl. She was a lady in every inch, docile napaka sweet at maasikaso; the only catch was sobra ito magmahal to the point na nagpapakamartyr siya sa pag-ibig.

My sister met Drei isang sikat na rockstar when I was busy being a delinquent, mula sa pagiging batang nerd ay wag niyo ng tanungin kung paano ako naging delinquent. Lagi kong iniingatan ang ate ko na hindi maloko ng ibang lalaki pero lagi nalang siyang nasasaktan, and it hurts the hell out of me to see her shed tears for a worthless man.

"Nee-san umiiyak ka nanaman?" minsang tanong ko sa kanya, nagpahid ito ng luha at pinasigla ang kanyang tinig para hindi ko mapansin

"Reino! H-Hindi, ahm...ano naghiwa kasi ako ng sibuyas kanina kaya ano..."

"Sinaktan ka nanaman ni Drei ano?" pasigaw kong sabi

"Reino! wag mo akong taasan ng tinig!" sabi na din nito, bagamat mabait ang ate ko ay sadyang mangmang ito sa pag-ibig! That Drei jerk was the top cassanova in the vicinity! being a rockstar and everything! kabikabilaan ang babae nito at hula ko ay ginagamit lang niya ang ate ko sa pansarili niyang interes, naikuyom ko ang kamay ko sa galit ko kay Drei...pero ano nga ba naman ang magagawa ko? isa lang akong hamak na delinquente

"Igaganti kita ate!" sabi ko at tumakbo palayo, narinig ko pa ang pagtawag ng ate ko sa pangalan ko bago ako maka-alis ng tuluyan. Napakalakas ng ulan noon ngunit wala akong pakialam! sumugod ako sa recording studio na pinagtatrabahuan ng Drei na yun!

"Ilabas niyo ang Drei na yan!" sigaw ko, pinipigil na ako ng guwardiya nila bago pa lumabas ang damuho

"Oh Reino...what brings you here?" he said smugly! ang kapal ng mukha niyang ngumiti sa akin ng ganoon habang may hawak siyang dalawang babae sa magkabilang kamay! nagtagis ang mga bagang ko at bago pa ako maawat ng guwardiya ay nasuntok ko na siya.

TFMO 1: IntertwinedWhere stories live. Discover now