chapter 19

10 1 0
                                    

Vicky's POV

Namimiss ko na si Daniel.. Wait. What? Joke yun. Ang init kasi eh! Buti na lang tapos na ako mag enroll. Sabi ko kay Chicky punta muna kami bookstore eh, nasan na ba yun? Nawawala na lang bigla bigla eh.

"Vicky!" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong tumawag sakin. This can't be. This is not happening. Binilisan ko ang pag lakad ko na para bang hindi ko narinig ang pag tawag nya.

"Vicky! Wait up!"

At sa kamalas-malasan, nahawakan na nya ang wrist ko na naging dahilan ng paglingon ko sa kanya.

"Vicky, please. Let's talk."

"Daniel, wala tayong dapat pag-uusapan. Though, I'm sorry for acting like a jerk last night. I have to go." Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa wrist ko at tuluyan na syang tinalikuran ng nagsalita sya.

"I just want to let you know, I'm going to Davao for a few days. Medyo malalate ako sa pasukan. Ayoko munang makigulo sa mga iniisip mo. Sorry kung dahil sa ginawa ko kaya mo ako iniiwasan. Sorry din na sobrang biglaan ng nangyari kagabi, pero Vicks, lahat yun totoo. I don't know what happened or what even pushed me to do those things pero nung nakita kong maga mga mata mo, naisip kong..ako na lang sana..ako na lang sana yung nahihirapan kesa ikaw, ako na lang yung magpupunas ng luha mo. Ako na lang sana yung mahalin mo. Kaya biglang ganun, biglang nagtapat ako. Hindi pa nga dapat eh, pero dahil lang dun sa pag-iyak mo, nawala lahat ng takot at kaba ko at gusto ko na lang sabihin sayo yung nararamdaman ko. Bakit kita nagustuhan? Paano? Hindi ko alam. Nangyari na lang Vicky. Pero sana, hayaan mo ko. Alam kong hindi ako yung mahal mo, but I'm willing to wait. I'm willing to wait for you."

Hindi ko magawang humakbang palayo sa kanya. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya. Tch. I should know. Ganyan ako kay Max. Kaya hindi ko magawang hindi maawa sa kanya tulad ng pagka-awa ko sa sarili ko. Isa pa rin yan sa mga dahilan kung bakit hindi ko sya mahayaang pumasok sa mundo ko. Alam kong masasaktan lang sya at ang mas masakit, dahil pa yun sakin.

"Daniel, I know that you're sincere. Maniwala ka man o hindi, gusto din kitang papasukin sa buhay ko kaya lang hindi ko pa kaya gawin. Una, unfair naman yun sayo. I'm trying to move on, at alam kong kilala mo kung kanina ako nagmomove on, pero, unfair eh. Ayoko talaga maging unfair sayo. Pangalawa, hindi kita iniiwasan dahil sa ginawa mo. Iniiwasan kita kasi, fine, gusto kong masaktan na kita ngayon kesa naman lumala pa yan at mas lalong sumakit to the point na hindi mo na alam ang gagawin mo. Ayokong maranasan mo yung naransan ko sa kanya. Kaya please lang, Daniel. Lumayo ka na sakin." Sa sobrang ramdam ko yung sakit nya, hindi ko na rin nagawang lakasan yung boses ko.

"Vicky, please naman oh, wag mo naman ako ipagtabuyan. Hindi pa nga tayo nagsisimula tinataboy mo na ako. Wag naman ganun. Please." Nagmamakaawang sabi nya sakin. Hinarap ko sya at pinilit na tignan ang mga mata nya.

"Daniel. I want you to be a part of my life. Pero dun sa bagong buhay ko, hindi ako siguradong maibibigay ko sayo yung gusto mo. Pilitin ko mang ikaw ang piliin, ayokong piliin kita tapos unconsciously, mahal ko pa pala sya. Ayoko Daniel. Like I've said before, I don't want to be unfair to you. I don't want to hurt you. Ikaw yung taong higit na inaasahan ko, yung taong alam kong nandyan lagi para sakin. Ayokong gamitin ka tapos alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya mag move on. Ayoko Daniel. I'm sorry."

Iniwan ko sya dun at naglakad papalayo sa kanya. Kelan kaya matatapos yung kwento ko? Hindi ba dapat POV na ni Apple ang sinusulat nung author? Love story na dapat nya eh, pero ako pa din. Kahit sa climax wala pa din yung kwento ko. Hay naman.

Nakarating ako sa bookstore para lang magpalamig. Ang dami ng nangyari nakalimutan kong pwede ko pala itext si Chicky. Manyannnn.

'Asan ka? Andito ako sa bookstore. Magpapalamig lang ako tas aalis na din ako. Magdahilan ka na lang sa tropa ah.'

Pagka send ko nung text, may nagbukas ng pintuan ng bookstore. Syempre sino pa ba? Edi si Max.

"Vapor rub! Kanina ka pa namin hinahanap! Nagmamaktol na naman si Apple kasi bigla kang nawala." Sabi nya na medyo pawisan pa.

Etong lalaking tong nasa harapan ko, ayan. Yan ang source of happiness and sadness ko. Kung pwede lang kitang agawin kay Alana, nakoooo. Kelan mo kaya marerealize na sakin ka lang liligaya?! Nakng, manhid kasi tong mokong na to eh.

"Sorry. Nagpalamig lang ako, kayo naman! Ah, Max, aalis na ako ah. May kelangan pa kasi akong gawin eh. Sige, pasabi na lang sa tropa na nauna na ako." Sige lakad. Lakad lang, wag mo na syang hintaying sumagot. Go! Lakad! Konti na lang, malalagpasan mo na sya.

"Pero Vicks, saglit!" Di ko na narinig yung iba pa nyang sasabihin kasi nakalabas na ako ng bookstore. Hayyy, buti na lang at nakalabas na din ako. Uuwi na nga lang muna ako!

Max's POV

Hinanap ko na nga sya tas sya pa nagwalk out? Anong problema nun? Ahhh! Sarap sumigaw! Letsugas o! Hindi na nga nya sinabi na may Daniel sya tas iiwasan pa ko nun?! Ahhhhhhhh tanginis! Masundan nga!

Paglabas ko ng bookstore, hindi ko na sya makita. Asan na ba yun? Puntahan ko na nga lang sa bahay. Pag naaalala ko yung narinig ko kanina, naiinis ako. Dapat kasi walang umaaligid dyan kay Vicks eh. Pano na lang pag nagkaboyfriend yun? Edi wala na akong aasarin? Higit sa lahat, maisasantabi na nya ako. Hindi ko pa naman gusto yung Daniel na yun. Sarap bangasan eh. Mukha pa lang, alam mo ng may hindi magandang balak e. Tas biglang maririnig ko nagtapat pala sya kagabi?! Kaya pala nya hinila sa Vicks palabas ng Magkapihan!

Ah bwisit! Bakit ba ako affected? May Alana naman ako... shit. Nakalimutan ko na naman sya! Langyang boyfriend o, walang kwenta. Sino ba pipiliin ko? Si Vicky na ang hirap intindihin ngayon at maraming sikreto o si Alana na inaantay ako at girlfriend ko?

Villanueva, pwede wag tanga? Malamang girlfriend mo pupuntahan mo! Kaya na yun ni Vicky, tatawag naman yun sakin pag di na nya kaya eh. She's a strong girl.

HaywireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon