Max's POV
Bumalik ako sa gate ng univ para sunduin si Alana. Wait. Teka. Bakit..bakit parang nasa labas na ako ng univ?! Shit. Ano to? Hahanapin ko si Vicks?? Hindi pwede. Bumalik ako sa gate ng univ para patuloy na antayin si Alana. 'Hindi pwede, si Alana ang girlfriend ko, kung ano man ang problema ni Vicks, kaya nya yun.'
Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Apple at sabihing hindi ko na hahanapin si Vicky at aantayin na lang si Alana. After a few minutes, nagbeep yung phone ko at nakita kong nagreply si Apps ng 'ok'
Naguiguilty ako. Hindi ko alam kung bakit. Feeling ko kasi dapat ako yung nagcocomfort kay Vicks. Eh eto naman kasing si vapor rub eh, ayaw ipaalam yung nangyayari sa kanya! Tigas talaga ng ulo nun. -.-
Nakita kong padating na si Alana. Shit para akong bakla, kinikilig ako! The way her hair falls down on her back, the way her eyes shine, the way her smile lights up my world. Ano ba to, nakakaramdam ako ng pagkilig. Pero, may mali eh. Parang may kulang? Pakiramdam ko may wall sa pagitan namin, yung tipong sobrang taas ng dingding na kahit sumigaw ka, hindi ka maririnig ng nasa likod nun. Bakit kaya? Eh masaya naman ako kay Vicky eh.
Wait. What? Teka, hindi si Vicky, si Alana 'to.
"Hi! I'm sorry I'm late. Medyo traffic kasi eh. I hope you haven't been waiting for so long." She smiled sweetly to me. She looks so angelic with that smile on her face. Pero yung mukha ni Vicky, nakikipaglaban sa utak ko para maunahan yung image ni Alana.
"It's okay, tara? Enroll ka na." I offered and gave her a smile. Bakit feeling ko nakikipagplastican ako sa kanya? Feeling ko tuloy pinaglalaruan ko sya. Hindi ko alam kung napansin ni Alana pero kung oo man, she's doing a good job of hiding it from me.
Nag punta kami sa Registrar's Office para maprocess na yung papers nya at makapag enroll na sya. Inaantay ko lang sya, habang nakatingin sa kanya at nag iisip. 'Eto yung babaeng mahal ko, yung babaeng sigurado akong pangmatagalan. Pero ramdam kong mali ako eh. Hindi ko maintindihan! Bakit ako naguguluhan?! Kakaumpisa pa lang namin naguguluhan na ako!'
Hindi ko namalayang nakakunot na pala yung noo ko nung hinawakan ito ni Alana. Ang lalim pala ng iniisip ko, hindi ko napansing tapos na sya mag enroll.
"Ang lalim ata ng iniisip mo ah?" Pa-ngiting sabi ni Alana. Ang ganda nya. @.@
"Ah, haha. Sorry, kanina ka pa ba tapos? Ang init kasi eh."
"Yup. Tara?" She offered. I nodded as we went towards the univ's gate. Hindi na nga muna ako mag iisip, nagugulo yung araw namin dahil dito eh.
"Nagugutom ka na ba? Gusto mo kumain?" Tanong ko sa kanya while I held her hand. Wala. Walang electric shit na sinasabi nila. Bakit ganun? Ah! Sabi ko hindi muna ako mag iisip eh!
"Hmmm, gusto mo mag Gilligan's? Parang gusto kong mag lechon kawali eh. Hahahaha!" Parang may iba sa kanya. Napansin kaya nya na walang electric blabla?
"Okay." Tipid kong sagot while giving her a small smile.
Hindi pala alam ng tropa na nag dala ako ng sasakyan. Buti na lang kung hindi makikisabay yung mga yon. BWAHAHAHAHAHA.
Habang nasa sasakyan kami, napansin kong sya naman ang may malalim na iniisip. Ano kaya yun?
Alana's POV
Alam kong ako ang sumagot sa kanya. Alam ko ring kakaumpisa pa lang namin. Pero bakit ganun? Parang hindi ko sya ma-reach. Feeling ko ang layo-layo nya sakin kahit na nasa left ko lang sya.
Feeling ko mali yung relationship namin. It feels like there's nothing right with this kind of set up. I can feel that he feels the same way. And alam kong gusto nya si Vicky. I would really doubt it kung wala syang gusto sa bestfriend nya. Ang ganda kaya nya tapos ang bait pa and based sa mga kwento ni Max, he feels strongly for her. He doesn't realize it but I do.
Noong guitar camp, nag click kami ni Max kasi pareho kami ng gusto. We both have the same love for guitars and music. I can say we got close during the camp. But it was not enough for me to feel the kind of love he has for me.
Ayoko syang paglaruan. I said yes because maybe I wasn't thinking about it properly. I do have a crush on him, and yes, I wanted him to be my boyfriend. I said yes kasi baka konti pa lang yung signal sa utak ko na mahal ko na sya at kailangan lang na maging kami para marealize ko yun.
Dun ako nagkamali. Sa ginawa ko pareho lang kaming masasaktan. It may not be the kind of hurt that you wouldn't want to get up from, pero it can still be classified as hurt.
Pero sino ba ako para humadlang sa kaligayahan ng ibang tao diba? Kahit hindi sabihin ni Vicky, kita ko sa mata nya na nasaktan sya nung pinakilala ako ni Max noon sa Mall. Bilang girlfriend.
Ang layo nga naman kasi ng agwat diba? Bestfriend sa girlfriend.
Hindi ko sinabi kay Max na hindi ako nag enroll. Kinuha ko lang yung mga papers ko for transfer of school. Aalis na ako ng Pilipinas. My dad wanted me to study abroad kasi daw we'd be migrating by the end of this month. And I haven't even told him that.
I love Max. I love him but I realized it was not enough. I don't love him romantically. I just love him as a very close friend.
Ng makarating kami sa parking lot, I told him na bababa na ako para makahanap kami agad ng table, sobrang dami kasi ng tao. Pumayag naman sya pero halatang absentminded sya.
Sa gagawin kong ito, pwedeng sumaya si Max, but he could hate me too.
Max's POV
Maraming tumakbo sa isipan ko nung nagdadrive ako. Ang pinakamasakit sa lahat, ay yung realization ko.
Pagpasok ko nakita ko na agad si Alana sa may bandang dulo na table, inaantay ako. May pagkain na tapos nakangiti lang sya sakin. Nag order na pala sya. Nahiya naman ako sa balat ko at sya pa nag order para samin. Hindi naman ako choosy sa pagkain at masarap naman yung inorder nya kaya okay na rin sakin. Pagkaupo ko sa tabi nya, tinulak nya ng dahan dahan yung pagkain sa harap ko, "oh, inorder na kita, sorry kung hindi na kita natanong, naalala ko lang kasi yung sinabi mo na favorite mo rin yung lechon kawali eh."
Napangiti ako, naalala pa nya. "Thanks. Ginutom mo ko sa pag aantay sayo eh!" Pang-aasar ko sa kanya.
Natawa na lang sya sabay mahinang sabi ng "sorry" at nag-umpisa na syang magdasal bago kumain. Syempre, nakisabay na din ako sa pagdasal nya.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang ipinagdadasal ko. Yung narealize ko ba o yung pagkain sa harap ko.
Pagkatapos namin magdasal, pinagmasdan ko lang sya habang nag uumpisa na syang kumain. Favorite nya ang lechon kawali kaya naman yun din ang inorder nya, yun nga lang napansin ko medyo absentminded sya. Pareho lang kami ngayon ng sitwasyon at dahil dito hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya tungkol dun o pababayaan ko na lang.
"Max?" Sabi nya habang pasubo na sana ako, naibaba ko tuloy yung kutsara.
"Bakit?" Medyo alangan kong tanong sa kanya.
"I have to tell you something."
Nakaramdam ako bigla ng kaba. Bakit kaya bigla na lang nyang gusto makipag usap? Sana hindi na namin pahirapan ang sarili namin. Ayoko nadin syang mahirapan, pakiramdam ko ang sama sama kong tao. Hay.
"Nothing. I'll tell you later." And gave me her smile. Yan yung nagpaloko sakin. Yang ngiti nya na dahil dyan kaya ko sya nagustuhan.
Nag shrug na lang ako at tuloy sa pagkain. Aba, lechon kawali ata 'to! Di pwedeng pinalalampas to!
------
In the mean time, si Vicky ay nasa kanyang condo at nakahiga sa kama, nagmumuni muni habang nakatingin sa kisame.
'Sayang si Daniel. Kung di ko lang talaga mahal si Max, okay na si Daniel eh, mabait naman, mukhang masipag, responsible, tapos bonus na yung cute sya. Plus type ko talaga mga chinito at maputi....' Bulong ni Vicky sa sarili.
'Bakit, singkit din naman si Max ah, tsaka maputi din! Mabait din, masipag, responsible din, malakas nga lang mang-asar.' Kontra nya sarili, pero nararamdaman nyang may namumuo na namang luha sa mata nya. Pumikit na lang sya at pilit na di inisip si Max.
After a few minutes, she was finally drifting asleep.

BINABASA MO ANG
Haywire
HumorSa mga nakabasa nito noon, nagandahan daw sila. HAHA. Ang kapal ng mukha ko eh :)) Sana magandahan din kayo. I hope you'll read this. :) Pasensya na, pero promise paglalaanan ko talaga ng oras 'to at tatapusin ko na. haha. Kung may gusto magdonate n...