Sorry, break muna tayo sa Alana-Max-Vicky-Daniel couple(s). Nauubusan ako ng ideas sa tragic, sarcastic and sad love story ni Vicky. At ang bipolar attitude nilang dalawa ni Max eh. Haha! Pasensya na po. Update muna sa tropa.
---
"Ano ba ang meron ngayong araw na 'to at gustong-gusto akong pinag-iintay ng mga tao?!" Nakakunot noong sabi ni Apple.
"Apps, try mo lang pansinin na ikaw lang lagi may reklamo satin." Puna ni Kat.
Napag isipan ng tropa na pumunta at maghanap ng makakain sa canteen. Habang nakaupo sila at kasalukuyang iniinom ang frappe nila, si Mark at Joey na nagmamatyag lang sa likod ay naisipang pumasok sa eksena.
"Bago niyo pansinin ang pag-susungit ni Apps, guys, napapansin nyo bang ang ilap ni Vicks sa'tin? May mali eh." Puna ni Mark.
"Oo, parang may iniiwasan sya, o may problema syang ayaw nya ipaalam. May alam ka ba dun, babe?" Sabi ni Joey sabay hawak sa bewang ni Chicky.
"BABE?!" Sigaw ng tropa, pati na rin si Chicky.
"Hoy, anong babe? Yuck ah! Ginawa pa kong baboy?!" Sabay tulak kay Joey. "Ewan, hindi ko alam...." Sa isip nya, 'sana naman bumenta tong reason ko, although alam kong imposibleng hindi nila bilin yung dahilan ko, sana naman wag na silang mag tanong ng kahit ano.'
"Pwede ba yun, eh best friend mo yun eh. Dapat alam mo yung mga nangyayari. Don't tell me may tinatago ka din samin? Wait, tingin ko may alam ka eh. Ano yun? Spill!!" Sabi ni Bubbles na naging dahilan para titigan ng tropa si Chicky ng maigi.
"Guys, gusto ko man sabihin sa inyo lahat, ngunit ako'y walang nalalaman, maliban na lang sa one sided love nya para kay Max. Okay? Wala kayong mapipiga sakin kahit na maging Spongebob Squarepants pa ko."
"Uhh. Chicky. Joke ba yun? Bat di ako natawa? Kumain ka ba ng mais? Para kasing nasobrahan ka sa kakornihan mo eh." Banat ni Todd na binatukan naman ni Kat. "Ikaw! Ikaw ang nasobrahan sa mais!"
"Wag nyo nga inaaway babe ko!" Pagtatanggol ni Joey kay Chicky na nireact-an naman nya ng "Tayo ang mag-aaway pag 'di mo ko tinigilan ng kaka-babe mo dyan. Sige subukan mo lang ulitin, tutuhuran kita." Na naging dahilan para takpan nya ang kanyang pinakaiingatan na parte ng katawan nya na magbibigay sa kanila ni Chicky ng anak.
"Woah. Tol, under ka pala eh! Hahahaha!" Pang-aasar ni Prince na ikinatawa ng tropa.
"Hindi ba babalik si Vicks?" Pansin ni Apple. Medyo nasamid si Chicky ng nagsalita si Apple. Feeling nya kasi may kadugtong yun na "Chicky, nagtext ba sya sayo?" or something like that.
At nagkatotoo nga ang kanyang feeling.
"Hindi eh, pero text ko." Sabay kuha ng phone at kunyaring nag type ng message para kay Vicky. Napansin naman nya na nakikiusyuso si Joey kaya ang tinype nya sa empty message box ay "wag ka maingay Joey, ako na bahala magpalusot para kay Vicky, kwento ko sayo mamaya." Na naging dahilan para tumingin sya sa ibang direksyon bilang pagsang-ayon.
Binura ni Chicky ang message at nagsend na lang ng balance inquiry para pag tumunog ang phone nya, kunyaring nagreply sa kanya si Vicky.
"Sabi nya, hindi na daw, biglang umatake migraine nya kaya di na sya nakabalik. Hinatid daw sya ni Max."
Feeling nya may naka-glare sa kanya kaya napa tingin sya sa direksyong yun.. At nalaman nyang si Apple ang nagbibigay ng death glare sa kanya.
"Ahh, talaga? Kaya pala nagtext sakin si Max na sinasabi nyang hinahanap nya ngayon si Vicky! Hinatid pala ah." At tuloy na nag death glare pa rin.
"OKAY SORRY NA! Hindi ko talaga alam nasan sya, sabi nya lang gumawa ako ng alibi pag nag tanong kayo."
"I knew it! Sabi na bibigay ka din eh! Hahahaha" Tawa ni Mark.
Tahimik na nakikinig si Kat sa pag uusap ng tropa. "Naguguluhan na po ako, pwede paki linaw?"
Tumingin ang buong tropa kay Chicky. "So, ako talaga mag eexplain?"
"Aba'y oo, kung alam namin edi sana hindi na kami tuminging lahat sayo." Si Apple yan, poreber mainit ang ulo.
"Apps, pwede, wag mo idagdag yung init ng ulo mo sa init ng panahon? Nakakabanas eh." Naiinis na sabi ni Prince. Nako, kelangan magawan na to ng POV! Kating kati na ako malaman kung anong tumatakbo sa utak nyan.
Tumahimik si Apple at for the first time, hindi binanatan si Prince kaya nagulat ang lahat sa kanya, "What? Eh gusto ko na rin malaman kung anong sasabihin ni Chicky eh."
'Ay naman! Akala ko makakalusot na ako. Sorry Vicks sa gagawin ko, pero kilala mo naman si Apple, mapanuri, mapagmatyag, mapangahas!' Naisip ni Chicky. "O sya, eto na. Eto lang naman yun, iniiwasan nya si Max at Daniel. Yun lang yon. Alam nyo naman siguro bakit iniiwasan nya si Max diba? Pero si Daniel, sa totoo lang hindi ko alam. Gusto ko rin malaman eh, kasi ang cute cute ni Daniel! Sayang yun eh, grasya yun!... Araaaaaay!!!!"
Kinurot ni Joey yung pisngi ni Chicky, "anong cute?! Ako lang dapat cute sa paningin mo no!"
"Ehhh, selos sya! Hahahaha!" Tawa ni Chicky at nagpout si Joey.
"Wag nga kayo maglandian sa harap namin! Nakakasuka!" Banat ni Mark na sinagot naman ni Bubbles ng "wala ka lang kasing girlfriend kaya ganyan ka makareact."
"Bakit, may boyfriend ka na bang panglandian?" Ngisi ni Mark na nagpatahimik kay Bubbles. "I thought so." At humagikgik na naman si Mark.
"Tigilan mo nga yang paghagikgik mo Mark, para kang biik eh. Pero come to think of it, okay lang din naman, bagay sayo, mataba ka naman." Tawa ni Kat.
"Hindi ako affected, kasi alam kong hindi ako mataba at chubby lang talaga ang mukha ko. At pangalawa, walang mangyayari kung ako ang pupunteryahin nyong lahat kasi si Vicky ang pinag uusapan dito." At nandila sa tropa.
"Yuck! Bata? Mandila daw ba? Hahahaha!" Tawa ni Bubbles.
"Ewan ko sa inyo! Chicky kausapin mo na nga lang yang bestfriend mo para naman maliwanagan na tayong lahat! At pwede bang umuwi na tayo? Tumambay na tayo dito, daig pa natin may pasok eh." Pag-iba ni Mark ng usapan.
Hindi namalayan ng tropa na napatagal na ang pagtambay nila sa canteen ng univ kaya naman naisipan na rin nilang umuwi na at magkita kita na lang sa pasukan.
-------------
Sorry short update, medyo busy kasi haha. Next update eh tungkol kela Max at Vicky. Baka after 1 or 2 chapters, pasukan na ng tropa. :)
Salamat sa patuloy na nag aantay ng pag update ko :)
BINABASA MO ANG
Haywire
HumorSa mga nakabasa nito noon, nagandahan daw sila. HAHA. Ang kapal ng mukha ko eh :)) Sana magandahan din kayo. I hope you'll read this. :) Pasensya na, pero promise paglalaanan ko talaga ng oras 'to at tatapusin ko na. haha. Kung may gusto magdonate n...