Max POV
Ilang araw na ba ang nakalipas simula nung araw ng enrollment, na naging araw din ng kasiyahan ko? Ang kapal ng mukha ko para sabihing kasiyahan ko, pero alam kong may nasaktan sa mga pinaggagagawa ko noong mga nakaraang buwan at araw.
Papunta ako ngayon sa condo ni Vicky para sunduin sya. First day of classes namin at balak kong isurprise sya. And this has to stop, once and for all.
Pagsakay ko sa kotse, napatingin ako sa salamin at napansing nakangiti pala ako? Yung wagas ah, yung parang mapupunit na yung mukha ko sa kaka ngiti ng malapad. Ang sarap sa feeling nito. Sana magtuloy-tuloy na 'to. Naalala ko na naman yung araw na sinamahan ko si Alana mag enroll.
Flashback; Max's POV
Tapos na kaming kumain, at nag-uusap na lang na parang normal na gawain ng mag-boyfriend at girlfriend, ng mapansin kong biglang lumungkot yung mukha nya.
"Max..." Sabi nya habang seryosong nakatingin sakin. Medyo nag-alangan pa ako, pero sumagot pa rin ako. "Bakit?"
"Let's break up."
Hindi ako agad nakasagot dun. Para akong nagbukas ng shower sa umaga na nakalimutang malamig pala ang ibubuga nito. "What?! Are you kidding me? Alana, this is a joke, right?" Bakas sa mukha ko ang pagkagulat. Hindi nga ata sapat ang malaking mata at nakabukang bibig.
"I'm sorry, but Max, I know you love her."
Natigilan na naman ako sa sinabi niya. Bakit ba lahat yata ng tao sa paligid ko alam ang nararamdaman ko maliban na lang sakin? Ganun na ba ako kabobo? Tinignan ko ang mga mata nya and I saw different emotions trying to outshine each other. Bubuka pa lang sana yung bibig ko para magsalita pero inunahan na nya ako.
"Wag mo ng ideny. Kita sa mga mata mo eh. Don't worry about me, I realized something after I met Vicky. I'm not the girl for you, Max. And you're also not the guy for me."
Habang sinasabi nya yan, kita ko sa buong existence nya na na-relieve sya sa pagsabi nun sakin. Hindi ko alam kung anong dapat ko maramdaman but obviously, pride ang nangingibabaw. No, pride not for me, but for her. I'm proud of her, being brave to realize her feelings sooner. Ang swerte ko sa kanya, pero mas swerte yung lalaking mapapangasawa nya.
"I don't really know what to say, Alana. I feel bad. I'm sorry but please do understand that it was never my intention to play with your feelings. I really do like you. I was drawn to you the first time I saw you and I even liked you more when I knew we share the same interests. Please believe me that I did like you, Alana."
"I know that. You've been a good boyfriend to me, Max, more than you will ever know. I felt how attracted you were to me and I'm sure you felt the same way from me. Hindi naman ako nagkulang, diba? But I realized that it was confusion. I'm sorry, too, kasi mukhang pinaglaruan kita but don't ever feel that kasi I really do like you. Yun nga lang, na-confuse ako into thinking na romance was involved. I guess I really do see you as a close friend rather than a boyfriend. I'm sorry, Max. Please find in your heart to forgive me." Nakita kong medyo nangingilid na yung mga luha nya, at may taksil pa nga na kumawala sa samahan pero pinunasan nya agad yun tsaka sya nagsalita uli. "And last one, I think we might not be seeing each other for awhile. Gusto ni Papa na sa abroad na ako mag-aral. He even arranged my papers without me knowing."
"Teka, diba nag enroll ka kanina?"
"Hindi, those were my transfer papers. I'm sorry for lying to you." Maiiyak na naman sya. Ang iyakin talaga neto.
"Wag ka nga umiyak. Ang ganda ganda mo tapos umiiyak ka." Sabi ko habang pinupunasan yung mga taksil sa mata nya. "Alam mo, ang taksil din ng luha mo 'no?" Napatingin sya sakin nung sinabi ko yan at tsaka nagtanong ng bakit. "Eh pano, dapat mangingilid lang sila sa mata mo, eh may tumaliwag sa samahan at ayun, pumatak na lang."
BINABASA MO ANG
Haywire
HumorSa mga nakabasa nito noon, nagandahan daw sila. HAHA. Ang kapal ng mukha ko eh :)) Sana magandahan din kayo. I hope you'll read this. :) Pasensya na, pero promise paglalaanan ko talaga ng oras 'to at tatapusin ko na. haha. Kung may gusto magdonate n...