chapter 18

11 2 0
                                    

Ano na nga ba nangyari kela Apple, Bubbles, Kat, Chicky, Vicky at ang kanilang mga irog? Maybe you're thinking who am I talking as if I know these people I mentioned. Hindi niyo ba ako kilala? Ako 'to, si Joey. Who would have thought na ang isang gwapong lalaking tulad ko ang magpapatuloy ng kwentong minsan niyo nang minahal at patuloy pang mamahalin?

Oh. Kokontra pa eh, awat na.

Let's just go back to the day where Apple was waiting for us to come ng dumating si Prince.

------

"Hoy! Mga walanghiya kayo! Tatago-tago pa kayo dyan akala niyo di ko kayo makikita? Ang tagal ko ng nag-iintay dito at diba sinabi ko naman sa inyo na ayokong pinag-aantay ako?! My gosh! At sa lahat pa ng taong pwedeng makasama sa pag-aantay ko sa inyo eh ito pang Prince na walang palasyo ang nakasama ko! Nang-aasar ba kayo?!" Masungit na sabi ni Apple.

We just laughed at her outburst while pushing the two of them towards the Registrar's Office, continuously apologizing over the same matter.

"May araw kayo sakin. Promise." Apple pouted, seemingly energy drained. "Hindi pa nga humahapon, ubos na energy ko sa pang-aaway sa inyo. Why must you do this to me?"

"Apps, relax lang. We're here to enroll! Kill us once we got out of this university, okay?" Chicky suggested.

"I'm not complaining about that one." Apple gave in.

Ng makarating kami sa Registrar's Office, naisipang itanong ni Chicky kay Vicky kung nasan si Daniel. Medyo nag-aalangan pa sumagot si Vicky, pero hindi na nya to pinatapos at kinuha na lang yung cellphone ni Vicky mula sa bulsa nya. Hinanap pa nya saglit yung hinahanap nya at ng mahanap na, agad naman nya ito tinawagan. [Sinabi na ni Chicky sakin yung tungkol kay Daniel, sure kasi ako nagtataka kayo kung pano ko nalaman yun]

"Hello? Daniel? Ahh si Chicky 'to. Remember? Yung kasama ni Vicks sa mall?... Yeap that's me! Uh, gusto ko lang malaman kung pupunta kang school ngayon? Enrollment kasi diba?...." At di na natuloy ni Chicky dahil kinuha na ni Vicky yung phone. "...Huy! Kausap ko pa yung tao eh! Ano ba problema mo?" Inis nyong sabi at hinablot uli yung phone saka sinabing "pumunta ka na lang ngayon andito kami sa school, text mo ko pag andito ka na ah! 0917xxxxxxx. Sige bye!!" At inend na yung call sabay tingin kay Vicky, "happy? Ano ba kasi meron? Bakit parang iniiwasan mo yun?"

"Pwede bang mamaya ko na lang ikwento? Ang sama na naman kasi ng aura ni Apple eh. Basta sabihan mo ko pag nandito na si Daniel tas bahala ka na magdahilan sa kada kung bakit ako umalis ah? Please?" Pagmamaka-awa ni Vicky.

"Hay o sige na nga!" At pinabayaan na lang ni Chicky yung kung ano mang issue ang meron si Vicky kay Daniel. Samantalang itong si Vicky eh umiwas sa issue at tinanong si Max kung nasan si Alana.

"Papunta na daw sya, medyo na traffic lang daw. Dapat kasi sinundo ko na lang eh! Tsk."

"Gumana na naman pagiging boboks neto. Ano bang naisip mo at hindi mo sya sinundo? First day na first day nyo nakalimutan mo agad na sunduin sya? Wow Max Villanueva! Nasan ho ang utak nyo?" Inis na sabi ni Vicky.

"Init ng ulo mo ah? Sorry naman at nakalimutan ko syang sunduin. Ako na bad boyfriend. At ano ba? Humahabol ka na rin ba sa pagiging masungit ni Apple? Pumapangalawa ka na sa kanya, lam mo yun?" Patawang sabi ni Max.

"Ah baka gusto nyong umusog? Kahit konti lang? Kakahiya naman sakin, ang laki na ng gap sa harap mo Vicky o. At hoy Villanueva, akala mo di ko narinig yang sinabi mo? Sorry kung masungit ako, eh sa mainit eh. Paypayan mo kaya ako para di ko kayo sungitan?" And once again, ang pagsusungit ni Apple. Umusog naman si Vicky at nag bayad na ng tuition ng matapos na rin.

Biglang nagsalita si Prince. "Tumigil ka nga dyan Fuji. Kanina ka pa mainit ang ulo, at kung sinu-sino sinusungitan. Meron ka no? Wag mo nga kami dinadamay. Tsaka pwede ba? Wala kang alalay no!"

"Katawan ko to kaya kung sino susungitan ko, desisyon ko na yun."

"Ewan ko sayo! Ang sarap mong katayin!!! Promise!"

Eh bakit ba biglang napuno itong si Prince sa kasungitan ni Apple? Eh dati naman kahit ganyan yang si Apple eh nasasakyan nya pagsusungit nun, kadalasan pa nga pinalalagpas na lang nya yun.

"Tol, okay ka lang? Ingat ka baka bigla may lumabas dyan na ayaw mo muna ipaalam sa iba." Bulong naman ni Todd kay Prince.

"Oo tol. Nainis lang kasi ako sa inaarte nya eh. Ewan ko ba! Dala na rin siguro to ng init." Pagpapaliwanag ni Prince. [Oo, dala lang ng init to. Hindi. Kung ano man tong naisip ko, hindi yan totoo. Kaya dapat masungitan ko din sya para di na to lumala pa.]

Ah. So may gusto pala si Prince kay Apple. Akalain mong may magkakagusto pa pala sa Sungit na yun? Hahahaha potek sarap tumawa eh! Hahahahahahaha! Teka nakakalimutan nyo ata ako. Medyo POV ko to ah. Joey's POV remember that! Wag ka na magtanong kung bakit paiba iba yung pag present ng kwento ko, eh POV ko to kaya okay lang kung anong gusto ko gawin sa part na to. Okay? :)

Siguro nagtataka na naman kayo bakit parang wala lang ako dito, parang di nagsasalita o kaya naman walang interaction sa tropa. Simple lang. Ako yung NASA likod nilang lahat kaya kitang kita ko at dinig na dinig ko kung ano man napag-uusapan nila. Galing ko ba? Syempre! Ako ata si Joey. May connect yun, wag kang magulo dyan.

At napapagod na ako mag POV. Sabi ko pa naman uulitin ko to sa next chapter kaso na-drain ako sa init, sa pagsusungit ni Apple at ni Vicky, sa pagsagot ni Prince at sa, well, sa init pa din. Kaya first and last ko na to. Bye!

HaywireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon