chapter 23

26 0 0
                                    

Vicky's POV

Dalawa lang ang class ko ngayon; Advertising Management tsaka Advertising Photography (in short AdPhotog). Lahat ng second year inaabangan yang AdPhotog, eh pano, makakapagyabang kami na may DSLR kami. Yun nga lang, kinailangan kong mag overtime sa Magkapihan para makabili nun na ngayon ko lang naalala, naiwan ko pala sa condo. Great.

Pagpasok ko sa classroom, andun na si Kat at syempre magkatabi kami. Wala pa rin yung prof namin. Blessing in disguise na rin.

"Girl!" Kumaway lang ako sa bati nya at pumunta na sa upuan ko.

"How's it goin', girl?" Tanong nya sakin. Naalala ko yung paghatid ni Max sakin kanina at naisip kong sabihin kay Kat ang lahat. Bakit? Siguro para mabawasan kahit papano yung sakit.

"Hinatid ako ni Max." Sabi ko na lang at nagulat sya.

"Teka, best friends kayo pero bakit ikaw ang hinatid nya? No offense, Vicks." Pagtataka ni Kat.

"Ako nga din, nagtataka. Dapat si Alana yung hinahatid hindi ako. Tsaka mahirap para sakin yung ginagawa ni Max." Sabay buntong hininga at kuha ng mirror. Aba, syempre dapat maganda pa rin ako kahit heartbroken. Kailangan this sem, magumpisa na talaga ang "Operation: Move On kay Max" at makahanap ako ng bagong boylet.

"Mahirap? Bakit? Kasi di mo kaya na nakikita syang may kasamang iba?"

Hindi ako nakatingin sa kanya kaya hindi ko alam kung anong mukha nya nung sinabi nya yun pero sa boses nya, pang-asar ang nangingibabaw. Sabi ko sasabihin ko na kay Kat yung lahat ng nangyari ever since nung hang out ng tropa sa mall, pero nung narinig ko yun, pinanghinaan uli ako ng loob. Ayoko na lang sabihin sa iba, problema ko 'to kaya ako ang magsosolve.

"Ha? Hindi ah." Hindi ko rin alam kung tama ba yung sinabi ko. Dapat hindi sya maghinala na may feelings ako para kay Max.

"'To naman, aminin mo na, nagseselos ka." Sabi nya at dahil dyan sa mga salitang yan, nalaman ko kung ano yung feeling na nawawala sa listahan ng nararamdaman ko sa sitwasyon ko. Andun pa rin sa boses nya yung pang-aasar.

"Hindi 'no. Okay lang naman sakin." Pagtanggi ko sabay tago ng mirror sa bag ko.

"Hindi naman kasalanan na magselos, my dear. Lahat ng tao, one way or another, nakakaramdam nyan. It's perfectly normal!" Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangisi sya sakin.

"Ano? Ba't ganyan ka makatingin? Hindi nga ako nagseselos. Wow ha, ano 'ko? Girlfriend para magselos?"

"Hoy, echosera kang babae ka. Aminin mo na kasi. Kitang kita sa mukha mo ngayon na nagseselos ka. Akala mo ba hindi namin alam? Alam namin na crush mo si Max. Ewan ko lang kung inlove ka sa kanya but the attraction's there, my dear."

Understatement of the year pag sinabi kong nagulat ako sa mga sinabi nya. Pilit ko tinago pero nahalata pa rin nila. Kaya siguro nila kami sinet-up noon nung nanuod kami ng movie! Nakng, walang kwenta talaga yung mga yun. Hahanapin ko pa pala si Mark! Masabunutan nga. -.-

Magsasalita na sana ako ng sinabi nya na, "okay lang yan, Vicks. Hindi lahat nakukuha ng tao."

Hindi na rin ako nakapagsalita kasi dumating na yung prof namin. Tumingin ako sa watch ko at 15mins late yung prof namin. Dapat pala tinakasan na namin 'to! Free cut na 'to dapat eh!

-------

"Next meeting, bring your DSLR and we will have a lecture about aperture, shutter speed and the parts of a camera."

May extra baggage ako next meeting. -.- eto lang nakakatamad sa mga ganitong class eh.

"Tara, lunch tayo! May nahanap na place sila Mark. Mukhang may bago na naman tayong tatambayan." Sabi ni Kat while fixing all her things. I fixed mine as well ng nagbeep yung phone ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HaywireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon