Sila Bubbles naman eh busy pakalmahin si Apple.
"Apple! Ano ba yan? Yung dugo mo baka sumabog dito! Ayoko maglinis ng dugo! Yung akin nga di ko matignan eh sa ibang tao pa kaya? Tapos lilinisin ko pa? GAHD wag na!" banat ni Kat.
"TUMAHIMIK KA NGA KAT! NAGAGALIT AKO AT WALA KAYONG MAGAGAWA!" sigaw uli ng namumula sa galit na si Apple.
"Ano ba kasi yang kinagagalit mo? Si Chicky ba?" sabi ni Bubbles. Sa mga ganitong pagkakataon si Bubbles ang usually nagagalit ng ganyan.
"Duh?! Hindi ba obvious? Hindi pa siya nakikipagcommunicate satin! Malay ba natin kung anong nangyari sa kanila? Hindi nga natin alam kung nakita na niya si Vicks eh. At hindi rin natin alam kung bakit nagkakaganun si Vicky!" hala maghunos dili ka Apple!
"Mga masasamang espiritu na nakabalot at nakikitira sa hindi sexy na katawan ni Apple! Lumayas ka! At iwan ang dalagang ito na konti na lang at magsasabog na ng lagim sa buong kapuluan ng PILIPINAS na aking bayan! Humayo ka masamang espiritu!" sabi ni Kat habang inilabas ang kamay at pinatong si ulo ni Apple. At nakisama si Bubbles.
"Heh! Tumigil ka!" sabi ni Apple at tinabig ang kamay ni Kat.
At ang dalawang albularyo I mean magkaibigan eh namumula na sa kakatawa.
Meanwhile,
"Wow! Ang ganda ko na! May bangs na me! Ahahaha!" sabi ni Vicky.
"Ako din!!! Ahaha!!" banat ni Chicky. At sabay na silang lumabas ng salon. Biglang may naalala si Chicky at nagpaalam at sandaling iniwan ang kasama.
She dialed Kat's number and when she picked it up, ganito ang eksena..
"Hello? Kat?" sabi ni Chicky.
"Hello? Wow! Tumawag ka rin! Galit na galit si Apple kasi di ka pumunta dito kagabi!" sabi ni Kat.
"KAT!! SI CHICKY BA YAN??! IBIGAY MO SAKIN YANG TELEPONO MO!! NGAYON NA!!" sigaw ni Apple na halos mabingi na si Chicky.
"Please Kat wag mo ibigay! Natatakot ako kay Apple!" pagmamakaawa ni Chicky.
"Girl, sorry. Ayoko sumama sa gulo niyo. Sorry, pero ibibigay ko." Sabi niya.
"WAAAAAAAH!!!!!!" Chicky whined. "MAAWA KA NA!!!!! PLEASE?!!!" more whine coming from Chicky.
"HELLO?! CHICKY?! NASAN KA BABAE KA? HA? NAG ALALA AKO AH?!" sigaw uli ni Apple. Di ka ba nauubusan ng boses? Parang unlimited lang ah sa kakasigaw mo.
"Ha?! Ah eh. Asa mall. Hehe! Kasama ko si Vicks." kung pinapawisan man si Chicky ngayon eh siguradong mapupuno na niya ang isang balde.
"Mall? Bakit ka asa mall? Kamusta naman si Vicks?" sabi ni Apple na medyo mahinahon na.
"Uhm.. kwento ko sayo baka pagsuspetsahan tayo eh. Pero defense mechanism niya yung pagpunta ngayon sa mall at magshopping sa nangyari kagabi. I'll tell you later. Punta kayo sa Magkapihan Muna Tayo mamaya. Di ba shift niya ng 5? Kita na lang tayo dun. O sige na bye na." Sabi ni Chicky at naghung-up na.
"Aish! Ano ba yan? Binabaan ako ng telepono?! O girls tuloy ang plano later. Magkapihan Muna Tayo at 5pm." sabi ni Apple.
At the mall, the two girls went here and there, roaming the whole mall. Afterwards, they went to the food court to eat something.
"Grabe! Ambilis ng oras! 3PM na kagad! Gutom na ko! Di pa pala tayo nagbebreakfast!" Chicky whined.
"Hehe onga! Sorry ah? Atat kasi ako magmall kaya di na tayo nakakain. What do you want? Libre kita." Vicky smiled.
![](https://img.wattpad.com/cover/3972254-288-k581956.jpg)
BINABASA MO ANG
Haywire
HumorSa mga nakabasa nito noon, nagandahan daw sila. HAHA. Ang kapal ng mukha ko eh :)) Sana magandahan din kayo. I hope you'll read this. :) Pasensya na, pero promise paglalaanan ko talaga ng oras 'to at tatapusin ko na. haha. Kung may gusto magdonate n...