Chapter Thirty Four

7 1 0
                                    

Chapter Thirty Four: Mundo

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin sa loob ng restroom. Ramdam ko ang bigat ng sinabi ng mom ni Chance. Parang bawat salitang binitiwan niya'y nananatili sa isip ko, paulit-ulit na humihiwa sa puso ko. Pilit kong pinigilan ang mga luhang gustong tumulo, pero nagbabanta na silang bumagsak anumang segundo.

Huminga ako nang malalim. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Hindi ako dapat magmukhang mahina, sabi ko sa sarili ko, pero parang hindi ko rin kayang kumbinsihin ang sarili ko.

Magpapasya na sana akong umalis nang biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako, at nagulat nang makita kung sino ang pumasok. Si Myka.

Nagtaas siya ng kilay nang makita ako. Akala ko mang-aasar na naman siya o magbibigay ng mga patutsada, pero hindi. Dumiretso lang siya sa harap ng salamin at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Tahimik ang buong restroom, pero para sa akin, ang ingay sa loob ng isip ko ay hindi mapigilan.

Sinulyapan ko siya. Seeing her tonight—her perfect dress, her confident posture, her calm demeanor—mas lalo lang sumikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko, nandito siya para ipaalala kung gaano kalaki ang agwat sa pagitan namin.

"Hindi mo yata nasabi sa'kin na nandito ka rin," biglang sabi niya, malamig ang boses habang tumitingin sa sarili sa salamin. Hindi siya tumingin sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. This is the team's victory party—hindi ba siya ang dapat kong tanungin niyan? Kapal naman talaga.

"Hindi naman kita kailangan sabihan," sagot ko.

Ngumiti siya, pero hindi iyon ngiti ng isang kaibigan. "Relax, Rain. I'm not here to pick a fight."

Nanatili siyang nakatingin sa salamin, parang ayaw niya akong harapin nang diretso. "I saw you talking to Tita kanina," patuloy niya, tila sinasadya ang bawat salita. "Let me guess. She told you to break up with Chance?"

Natigilan ako. Hindi ako agad nakasagot. Tila nakikita niya ang lahat ng iniisip ko.

Ngumisi siya, mas malapad ngayon, at sa wakas, tumingin siya sa akin. "She's always been protective of Chance. Gusto niya ang best para sa anak niya. And sometimes, that means stepping in when she feels like someone... doesn't belong."

Ang bawat salita niya ay tila isang pako na bumabaon sa puso ko. Gusto kong sumagot, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, pero ano nga bang laban ko? Myka knows their world better than I ever could.

"You think you know him well, Rain?" tanong niya, halos bulong pero tumatagos. "You think you can be there for him when everything gets harder? Trust me, you're better off walking away."

"Bakit mo 'to sinasabi sa'kin?" tanong ko, halos sumabog na ang damdamin ko.

Hinawakan niya ang dulo ng buhok niya, nag-ayos pa rin ng sarili sa salamin. "Because I know Chance. I know his world. And I know what's coming for him. Do you?"

Tumingin siya sa akin nang diretso, ang mga mata niya puno ng kumpiyansa. "You're out of your league, Rain. Save yourself the heartbreak."

At pagkatapos, tumalikod siya at iniwan akong nakatayo roon, nakatingin pa rin sa sarili sa salamin—pero sa pagkakataong ito, hindi ko na nakilala kung sino ang nasa harap ko.

Hindi ko namalayan kung gaano katagal akong nakatayo roon, nakatitig sa repleksiyon ko. Pakiramdam ko, ang bigat ng buong mundo ay nasa mga balikat ko.

You're out of your league, Rain. Save yourself the heartbreak.

Paulit-ulit na umalingawngaw ang sinabi ni Myka sa isip ko. Pero totoo ba iyon? Ganito ba talaga ang tingin ng lahat sa akin—pati na rin ng mom ni Chance? Pati na rin ni Myka? Isang outsider na wala dapat sa buhay niya?

Dying EmbersWhere stories live. Discover now