Chapter Thirty Eight: White Lie
"Rain!"
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway nang marinig ko ang boses ni Jilliana. Napalingon ako sa kaniya. Tumatakbo ito palapit sa'kin.
Hinihingal siya noong makalapit, at napahawak pa ito sa magkabilang tuhod para habulin ang hininga.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya. Medyo natawa ng bahagya sa akto nito, kahit alam kong pati pagtawa ko ay peke.
Umayos siya ng tayo at tumingin sa'kin. Sinusuri ang kabuuan ko. "Sinabi sa'kin ni Hari ang nangyari."
"What?"
"Sa inyo ni Chance."
Napamulagat ako sa sinabi niya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Ano? Paano niya nalaman?" tanong ko, pilit na itinatago ang kaba sa boses ko.
Tumikhim si Jilliana, halatang nag-aalangan kung paano sasabihin ang sumunod niyang sasabihin. "Napapansin niya si Chance sa training ground nila kahapon. Mukhang wala sa sarili. Napansin ni Hari, kaya tinanong niya. And... Chance told him everything."
Parang nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. Nakatayo lang ako roon, nakatingin kay Jilliana na tila hindi ko alam kung paano magrereact. "Oh," mahina kong tugon.
Nag-cross ng arms si Jilliana habang nakatingin sa'kin nang matalim. "Rain, seriously? This is why you've been acting weird? Bakit hindi mo sinabi sa'kin? And why the hell would you break up with him?!"
Hindi ko magawang tingnan siya nang diretso. Tumalikod ako, pilit na pinipigilan ang muling pagtulo ng mga luha ko. "Jill, ginawa ko 'yon para sa kaniya," bulong ko.
"Para sa kaniya? Seriously, Rain? He's miserable! And you... you don't look fine either." Lumapit siya sa'kin, hinawakan ang braso ko at pilit akong pinaharap sa kaniya. "Ano ba talaga ang iniisip mo? What's going on in that overthinking head of yours?"
Nilingon ko siya, at doon na pumutok ang lahat. "Because I'm holding him back!" halos sigaw kong sagot. "Pupunta siya ng London, gusto niyang makasama ang mama niya, ang pamilya niya, pero ako ang dahilan kung bakit hindi niya magawa! Kung mahal ko talaga siya, hindi ko siya pipigilan. Kaya kailangan kong bumitaw."
Nanatili siyang tahimik saglit, tila hinuhubog ang sasabihin. Hanggang sa nagsalita siya, mas malumanay ngayon. "Rain... sino bang nagsabi sa'yo na pinipigilan mo siya? Si Chance ba? Because if not, then why are you deciding for him?"
"I'm not deciding for him, Jill," sagot ko, mas mahina na ngayon. "I'm giving him a chance to choose his dreams."
"Ang problema, Rain, hindi mo naman siya tinanong kung ano ang pinapangarap niya ngayon." Nangingilid ang luha ni Jilliana, pero pilit niyang pinapanatili ang boses niyang kalmado. "Did you ever think na baka ikaw na ang pangarap niya ngayon?"
Napailing ako, pilit na binabalewala ang sinabi niya. "That's part of the reason why I want the breakup. Masyado siyang focused sa'kin. Ako lang ang iniisip niya, he's so selfless. Paano naman siya? He deserves better than me, Jilliana. Someone who's not going to hold him back."
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, at marahan niya akong tinapik. "Rain, listen to me. If Chance really loves you, hindi mo kailangang isakripisyo ang relasyon niyo para lang makuha niya ang mga pangarap niya. Maybe... just maybe... you're part of his dreams, too."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Napayuko na lang ako, ramdam na ramdam ko ang bigat ng bawat salitang sinabi niya. Pero kahit papaano, naramdaman ko rin ang kirot ng katotohanan sa mga sinabi niya.

YOU ARE READING
Dying Embers
Teen FictionTwo hearts once burned brightly with love, but time and pain have turned their fire into fading embers. When their paths cross again, old feelings stir, and questions arise. Can they fan the embers back to life, or is their love meant to fade away...