Chapter Thirty Three: Party
Araw ng Sabado. Nag-text sa akin si Jilliana, ang sabi ay sasabay na raw siya sa'kin, kaya sinabihan ko rin si Chance na kay Jilliana na ako sasabay papunta sa kanila. Pero ang sabi naman niya, susunduin niya pa rin ako. Kaya wala akong nagawa kundi sabihan din si Jilliana na kung pwede ay dito na lang siya sa apartment ko didiretso.
Nagpaalam na rin ako kina Mama at Papa kahapon na hindi ako makakauwi ngayon. Ayos lang naman sa kanila, basta hindi lang daw ako iinom o magbibisyo. Napangiwi ako nung marinig ko 'yon. Ang sabi naman ni Chance, it's just a tame safe friendly party, since mga minor pa lang naman kami. Pero alam kong gustong-gusto ng mga 'yon kung may mga alak. By the way, ang pupuntahan namin is victory party nila Chance kasama na ang basketball team, at sa bahay nila 'yon gaganapin, tsaka isasabay na rin nila ang celebration ng pag-uwi ng Mom ni Chance at mga kapatid nito, kumbaga double celebration na.
6 PM ang usapan. And it's already 5:30 PM. Kasalukuyan na lang akong nag-aayos. I'm wearing a cute puff-sleeve top with a daisy print and a tie-front detail that gives off a sweet vibe. I paired it with a white midi skirt that has a high slit—it's simple but chic, adding just the right touch of elegance. For sandals, I chose white sneakers to keep the look casual and comfortable. It's such an easy outfit to throw together, but it still looks fresh and stylish. I love how versatile the skirt is—I could totally pair it with so many other tops.
Ilang minuto pa ay narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Nasa gitna ako ng paglalagay ng accessories, sinulyapan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Jilliana 'yon.
Sinagot ko ang tawag.
"I'm outside," aniya mula sa kabilang linya. Tagal ko na ring hindi narinig ang boses niya.
"Akyat ka muna. Wala pa rito si Chance."
"Coming," and she ended the call.
Ilang minuto pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto sa aking kwarto. And the first thing that came to her mouth is...
"Woah! Ganda mo!" she exclaimed.
I rolled my eyes. Tinuloy ko ang paglalagay ng accessories sa kamay ko.
"I missed you too, Jill," saad ko na ikinatawa niya.
"Siguro akong may tutulo ang laway mamaya," dinig kong biro niya sabay umupo sa kama ko.
"Huh?"
"Wala."
Hindi na ako nagsalita pa dahil abala ako sa pag-aayos. Naglagay din ako ng necklace. Nang mailagay ko sa leeg ko 'yon, sakto naman ang pag-ring ng phone ko. I looked to see who's calling and see Chance's name. Napangiti ako.
"Hello?" tawag ko mula sa call.
"Hey, nandito na ako sa baba," medyo paos ang boses niya ng sinabi niya 'yon. Kinagat ko ang labi ko.
"Okay, pupunta na kami dyan. Sakto kakatapos ko lang mag-ayos."
"Baka... masyado mo na namang ginandahan?" biro niya.
I rolled my eyes, pero kalaunan ay napangiti rin. "Sira. Sige na, kita na lang tayo sa baba."
Narinig ko ang marahang pagtawa niya, "Can't wait to see you."
Ngumiti ako tsaka ko binaba ang tawag at lumingon kay Jilliana.
"Jill, let's go," sabi ko nung makalingon ako, pero nag-halt ako sandali, "By the way, do I look good?" tanong ko.
Tumayo siya at ngumisi, "Girl, totally! This outfit suits you well."
"Do the sneakers look okay? Parang hindi yata appropriate 'yong outfit ko for a night party. It's more like summer kind of vibe."

YOU ARE READING
Dying Embers
Teen FictionTwo hearts once burned brightly with love, but time and pain have turned their fire into fading embers. When their paths cross again, old feelings stir, and questions arise. Can they fan the embers back to life, or is their love meant to fade away...