Chapter Thirty-Nine: Cold
It's been a week. Isang linggo na mula nung huli naming pag-uusap ni Chance, at mula noon, wala na akong narinig sa kaniya. Ang sabi lang ni Jilliana, bumalik daw siya agad sa training. Pero madalas din daw siyang napapagalitan. Mabilis mag-init ang ulo, laging distracted, parang wala sa sarili.
At ako? One week na rin akong umiiyak.
Hindi na rin ako umuwi nung Saturday. Nagtext lang ako kina Mom at Dad na may project akong tinatapos, just an excuse, para lang hindi nila makita kung gaano na ako kagulo.
Exam week na ngayon. Hindi ko alam kung na-review ko ba talaga lahat. Honestly, I couldn't focus these past days. All I did was stare at my phone, waiting, hoping, for a message that would never come. Pero sino bang niloloko ko? Ako ang nakipaghiwalay. Ako ang nagsabing tapos na. He even chased me... begged me. And I still lied to his face, telling him I didn't love him anymore.
White lie, pero masakit pa rin. Kasi kahit ako, hindi ko kayang paniwalaan 'yon.
I'm not okay. Hindi ko rin kayang magpanggap na okay ako. If it weren't for the exam, baka hindi na talaga ako pumasok ngayon.
Pagdating ko sa campus, parang ang lamig ng paligid. O baka ako lang 'yong malamig. My bag felt heavier than usual, my notes crumpled in my grip. Every step felt like I was wading through air so thick I could barely breathe. One week, pero parang kahapon lang lahat nangyari.
Pagpasok ko sa classroom, umupo ako sa dati kong puwesto. Tahimik. I didn't want anyone's eyes on me. Jilliana glanced my way, may halong concern sa tingin niya, pero hindi siya nagsalita. Alam niyang wala rin naman siyang makukuha sa'kin kahit pilitin niya.
Tahimik ang paligid... hanggang sa marinig ko 'yong boses na ayokong marinig, pero matagal ko ring hinanap.
Chance.
Tumatawa siya, 'yong tawang dati kong paboritong pakinggan, pero ngayon, parang kutsilyong pinuputol ang hininga ko. Nanlamig ako. The sound of his laughter cut through the air, and for a moment, I forgot how to move.
Dahan-dahan akong napalingon sa may pinto.
And there he was.
Kasama sina Henry at Nimbus, nakatayo sa doorway. Suot niya 'yong uniform niya, bag nakasabit sa balikat, pawisan pa nang kaunti, halatang galing sa training. He looked... different. Mas tan siya ngayon, medyo pumayat. Pero 'yong aura niya, cold. Dati, may lambing 'yong ngiti niya, pero ngayon, wala.
Blank. Detached.
Parang ibang Chance 'yong nakikita ko ngayon.
Pero kahit gano'n, nang magtama ang mga mata namin, tumigil ang mundo ko. Parang isang iglap lang, bumalik lahat ng sakit, lahat ng "what if."
I almost forgot how to breathe.
Dati, siya 'yong katabi ko sa seat na 'to. I thought he'd walk over, maybe say something. Pero hindi.
Iniwas niya 'yong tingin. Tahimik siyang dumiretso sa kabilang dulo ng classroom, and sat there, sa puwesto na pinakamalayo sa akin.
At doon ako tuluyang napatigil.
Parang may mabigat na bumagsak sa dibdib ko. I wanted to call him, to say something, anything, but my lips wouldn't move. Ang hirap basahin ng mukha niya. He didn't even flinch. It was as if I never existed.
And maybe that's what hurts the most.
The space between us felt like an ocean I created myself.
Kasalanan ko 'to. Ako 'yong bumitaw. Ako 'yong nagsinungaling.
YOU ARE READING
Dying Embers
Teen FictionOnce, their love burned like wildfire-passionate, unstoppable, consuming. Pero tulad ng lahat ng apoy, unti-unti itong humina... hanggang sa naiwan na lang ang abo at mga nagbabagang alaala. Years later, fate throws them back into each other's world...
