Chapter Twenty

22 1 0
                                        

Chapter Twenty: Sealed

ᯓ★ play this while reading: ikaw at ako — moira & jason 𝄞 ⋆ˎˊ-

Sabado. Mainit ang araw, pero magaan sa pakiramdam — parang isa 'yong simula ng isang bagay na maganda. Plano naming magkita sa store malapit sa CSU, our usual meeting place.

Habang tinitipa ko si Jilliana kung pwede na kaming sabay umalis, nabasa ko ang message niya:

'Wait lang, I can't decide what to wear huhuhu.'

Typical Jilliana. Kaya heto ako, stuck sa apartment, waiting.

Nakahiga ako sa kama, pinaglalaruan ang laylayan ng bedsheet. Hindi ko alam kung ilang minuto ang nakalipas na ganon lang ang ginagawa ko nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong dinampot — akala ko si Jilliana na. Pero hindi pala.

Si Chance.

From: Chance

'Love, dito na kami. Saan na kayo?'

Mabilis kong tina-type ang reply:

'Still here. Wala pa si Jilliana.'

Sakto lang na-send ko ang message nang may marinig akong busina sa labas. Tumayo ako agad, binuksan ang glass door papunta sa terrace, at sumilip. Nando'n si Jilliana, kumakaway, nakangiti sa akin habang sinisinagan ng araw. Kumaway din ako pabalik bago bumalik sa loob para kunin ang sling bag ko — 'yong crossbody bag na madalas kong gamit kahit cellphone at charger lang naman ang laman.

Paglapit ko sa kaniya, umirap siya ng kaunti at may halong ngiti sa labi. "Sigurado akong may magtatampo mamaya," sabi niya, may halong panunukso.

Napakunot-noo ako. "Ha? Bakit naman?"

Umiling lang siya tsaka humalakhak, parang may alam na hindi ko pa alam. "Wala. Basta."

Umupo kami pareho sa likod ng sasakyan, habang pinaandar ng driver ang makina. Kinuha ko ulit ang phone ko at nag-type ng message para kay Chance.

'Papunta na kami dyan.'

Hindi pa lumilipas ang isang minuto nang mag-reply siya.

'Ingat, mahal ko 😘'

Napangiti ako nang mabasa ko ang mensahe niya. Ang lambing ng mga salita, parang yakap sa gitna ng malamig na gabi. Unti-unti na akong nasasanay sa mga endearments niya, pero kahit paulit-ulit, may kakaiba pa rin sa pakiramdam. Parang unang beses pa rin, every single time.

Everything about him feels new, yet familiar. Parang bagong umagang bumabalik-balik, laging may panibagong init. With him, I feel safe. I feel home. Kahit wala siya sa tabi ko ngayon, parang naririnig ko pa rin ang tawa niya, nararamdaman ko pa rin ang presensya niya — 'yong init na parang nakakapit sa balat ko.

At sa bawat alaala ng mga yakap niya, may mga paru-parong biglang nagigising sa tiyan ko. It's strange, really, how someone can make you feel both calm and restless all at once. Pero siguro gano'n talaga kapag siya, when love starts to feel like breathing, and his warmth lingers even in his absence.

Nakarating kami sa meeting place makalipas ang ilang minuto. Pagkababa namin ni Jilliana sa sasakyan, diretso agad kami sa store kung saan nakatakdang magkita-kita ang lahat. Since malapit lang iyon sa school, hindi na nakapagtataka na puro estudyante ang nasa paligid, may mga nakakalat na grupo, nagdi-discuss ng projects, gumagawa ng reports, o basta nag-aasaran habang nagkakape.

Habang naglalakad kami, ramdam ko ang mga tingin ng ilan, lalo na ng mga lalaking nagbibiruan at nagwi-whistle sa gawi namin. Napaayos ako ng buhok at nagkunwaring kalmado kahit medyo naiilang. Buti na lang, mabilis kaming nakapasok sa loob ng café.

Dying EmbersWhere stories live. Discover now