Chapter Twenty Four: Care
Tulad nga ng sinabi ni Chance, hinintay ko siya sa labas ng gym. Hindi ako nag-abalang pumasok dahil halos lahat ng players for City Meet ay nandon. Hindi lang yata ang baseball team ang may meeting. While waiting, I played with the rocks using my feet. Sinisipa ko iyon.
Natigilan lamang ako sa ginagawa ng makarinig ng ingay palapit. Must be the players, pero wala kahit ni isang boses ang pamilyar sa akin, so baka hindi iyon ang grupo nila Chance.
"Gago. Natalo nga kayo sa quarter finals e!"
"Pasalamat ka distracted ako ng mga oras na 'yon. Kung hindi, baka umiyak kayong defending champions lalo na ikaw na all-time MVP at favorite ng lahat," Tumawa ang lalaki sa sinabi.
"Yabang!"
Mas papalapit ang mga yapak nila, kaya medyo nagpunta ako sa sidelines para hindi ako masyado mapansin. Pero huli na iyon dahil dinig ko ang boses ng isa na kumausap sa akin.
"Oh? Rain? Anong ginagawa mo rito? Hinihintay si Chance?" si Tunnel ang nagtanong. Lumingon ako sa kaniya. Kasama niya ang mga teammates niya sa basketball na hindi familiar sa akin. Pero iyong isa, sa pagkakaalam ko ang pangalan ay Psalm Valmonte. Nakita ko siyang napatingin sa gawi ko, pero nag-iwas lang ako ng tingin para kausapin si Tunnel. Siya iyong pinakita sa akin ni Jilliana nung acquaintance party.
"Uhm, oo."
"Ah," lumingon siya sa loob bago ulit tumingin sa akin. "Ongoing pa ata meeting nila. Sige mauna na kami."
Ngumiti ako. "Salamat."
They walked away, their figures growing smaller with each step. I kept my eyes on them, watching as they drifted farther and farther. Even from this distance, I could still catch the faint sound of their voices, the echoes of their laughter. It was clear, even from here, just how carefree and happy they were.
Tiningnan ko ang oras gamit ang wrist watch ko. 5:47 PM.
Maraming players ang lumabas nung time na iyon. Ilang minuto pa ay sumunod na rin lumabas sina Henry at mga kasama nila sa baseball. Pero hindi nila kasama si Chance.
"Rain? What are you doing here? Pumasok ka kaya sa loob? By the way, hintayin mo raw 'yong pa-importante kong kaibigan. Kinausap pa kasi siya ni Coach e," sabi ni Henry sa akin nang makalapit sila.
Napangiti ako. "Uhm, dito na lang ako maghihintay." Sabi ko.
"Sure ka? Baka matagal pa 'yon."
Tumango ako. "Yeah, I can manage."
"Okay, then. Alis na kami."
"Yeah. Ingat."
Bago pa man sila makaalis ay napatingin sa akin ang isa nilang ka-grupo na hindi ko kilala pero pamilyar ang mukha.
"Rain, right? Take good care of our Captain. We don't really know how he is around girls... it's his first time having a girlfriend, after all." He laughed.
Napa-chuckle ako ng mahina sa sinabi niya at tuluyan na nga silang umalis.
I leaned against the gym wall, my gaze drifting absentmindedly to the setting sun in the distance. Chance is the perfect captain. Even in his casual conversations with friends, I can see it.
YOU ARE READING
Dying Embers
Teen FictionWill their love fade like dying embers or spark back to life? In a story of passion, heartbreak, and second chances, they'll discover if love can truly be reignited-or if some flames are simply meant to burn out.