Chapter Thirty-Seven: Call
ᯓ★ play this while reading: this love (taylor's version) — taylor swift 𝄞 ⋆ˎˊ-
Halos pare-pareho na lang ang routine ko araw-araw. Gising, school, uwi, tulog. Paulit-ulit. Ilang araw na rin akong umiiwas kay Chance, pero kahit gano'n, hindi ko pa rin maiwasang isipin siya. Lately, halos wala rin akong ganang kumain, para bang pati tiyan ko nakikisama sa bigat ng pakiramdam ko.
Pagdating ko sa apartment, diretsong sofa agad. Bagsak. Binuksan ko ang TV, hoping na kahit papano, mawala 'yong ingay sa loob ng ulo ko. Pero sa halip, iba 'yong bumungad sa'kin, Miraculous Tales of Ladybug and Cat Noir.
Napahinto ako. Hindi ko napigilang mapangiti nang makita 'yon sa screen. Of course, it had to be that show. Chance's favorite.
Naalala ko pa kung gaano siya kaseryoso kapag pinapanood 'to. Parang may exam kinabukasan tungkol kay Cat Noir. I could still picture his face, eyes glued to the screen, lips slightly parted, and that faint crease on his forehead whenever the scene got intense. Ang cute niya no'n, parang bata na sobrang aliw sa simpleng bagay.
"Alam mo ba, Nieve," sabi niya dati, habang nakaupo kami sa sofa, "si Cat Noir, parang ako 'yan. Loyal, funny, tapos sobrang mahal si Ladybug, parang ako sa'yo."
Natawa lang ako noon. Cheesy, oo. Pero totoo rin, he really made me feel like his Ladybug, like I was the center of his universe.
Pero ngayon... hindi ko na alam. I know how much Chance loves me, pero importante pa ba 'yon kung pangarap na niya ang pinag-uusapan?
Parang biglang bumigat ang dibdib ko habang paulit-ulit kong pinapanood 'yong mga eksena. Every memory felt like a hand tightening around my chest, squeezing until it hurt to breathe. Masaya sana, pero ngayon, masakit na lang.
I turned off the TV abruptly. The screen went black, and silence filled the room, thick and heavy, like it was pressing down on me. Pero siguro, mas okay na 'to. Mas mabuti na 'yong katahimikan kaysa maalala ko pa si Chance... at kung gaano ko siya pilit na iniiwasan kahit alam kong miss na miss ko na siya.
Napatingin ako sa phone na nakapatong sa coffee table, screen dimly glowing, tahimik pero tila nanunumbat. Ilang missed calls at messages na mula kay Chance ang nakapila ro'n, pero wala pa rin akong lakas ng loob na sagutin kahit isa.
Gusto ko siyang makita. God, I miss him so much. Pero mas nangingibabaw 'yong takot. Takot sa kung anong puwedeng sabihin niya, o baka mas masakit pa, sa kung anong hindi niya sasabihin.
I hugged the throw pillow tighter against my chest, as if its softness could muffle the sound of my own heartbeat. The tears that had been threatening to fall since earlier burned behind my eyes. "Ano bang problema ko?" mahina kong bulong. "Bakit hindi ko siya kayang harapin?"
Tahimik ang paligid. Then suddenly, my phone buzzed again — its sound slicing through the stillness. Napapitlag ako.
Si Chance.
Sandali kong tinitigan ang pangalan niya sa screen. Parang biglang lumiit ang mundo ko. Kaya ko ba? Kaya ko na ba siyang harapin ngayon? Pero kahit gusto kong tumakbo palayo, alam kong hindi ko na rin 'to maiiwasan.
I pressed 'accept,' but no words came out. My throat felt tight, my breath uneven. Pakiramdam ko kapag nagsalita ako, magigiba ako.
"Nieve," he said softly, his voice low, full of concern and something else I couldn't name. "Pwede ba tayong mag-usap?"
Natahimik ako. Gusto kong sabihin na hindi, na kailangan ko pa ng oras, ng space, ng kahit anong dahilan para makaiwas ulit. Pero sa dulo, hindi ko nagawa.
YOU ARE READING
Dying Embers
Teen FictionOnce, their love burned like wildfire-passionate, unstoppable, consuming. Pero tulad ng lahat ng apoy, unti-unti itong humina... hanggang sa naiwan na lang ang abo at mga nagbabagang alaala. Years later, fate throws them back into each other's world...
