Chapter Seventeen

31 1 0
                                        

Chapter Seventeen: Like The Sun

"Sino na sunod?" Natatawang tanong ni Chance kina Henry at Nimbus. Sabay pang lumingon ang dalawa, parehong may pilyong ngiti sa labi, bago sinipa ni Nimbus ang paa ni Chance. "Aray!" reklamo nito, hawak-hawak ang tinamaan niyang binti habang tawa naman nang tawa ang dalawa.

Pagkarating namin sa field, agad akong umupo sa tabi ni Jilliana. Ramdam ko pa ang init ng araw na humahalik sa balat, at ang amoy ng damo na medyo basa pa sa hamog. Iniabot ko sa kaniya ang bottled water na ipinabili niya kanina.

"In a minute, huh?" she teased.

I just gave her a look, half-annoyed, half-amused.

"Tangina! Kapag ako 'di makatakbo mamaya, kasalanan niyong dalawa!" sigaw ni Chance mula sa unahan. Nasa harap lang namin sila — isang metro lang ang layo, pero parang ang ingay nila'y umaabot sa buong field.

"Where were you, turd? Be thankful hindi pa tayo depensa. Ang tagal mong nawala!" reklamo ni Henry habang pinupunasan ang pawis sa noo.

"It's obvious he left us," sabat ni Nimbus, deadpan. "He doesn't love us anymore."

"Tsk. Bitters," natatawang sagot ni Chance. "As long as we're still on offense, there's nothing to worry about." At kahit walang space, pinilit pa rin niyang umupo sa gitna ng dalawa. Nagkatinginan na lang sina Henry at Nimbus bago sila parehong nag-adjust, parang sanay na sa kalokohan niya.

"Gago ka talaga."

Chance just chuckled, shoulders shaking a little. Paglingon niya, sakto namang nagtama ang mga mata namin. For a split second, parang tumahimik ang paligid — puro hinga lang naming dalawa ang naririnig ko. Nagtaas ako ng kilay, pero ngumisi lang siya.

"Cheer for me," sabi niya, mababa ang boses, parang may halong biro pero totoo sa ilalim. "And we might win."

"My cheer depends on how good you are," I shot back, trying to sound unfazed.

Mas lalo siyang ngumisi, 'yung tipong may halong yabang at lambing. Umiling siya bago kinagat ang labi. "Then I'll do my best... for you."

I was about to retort when Jilliana suddenly squealed beside me. "Kinikilig ako!"

"Kilig ka niyan? Ang cringe niya, nakakapanindig-balahibo," sabat ni Henry habang natatawa.

Jilliana rolled her eyes. "Bitter ka lang."

Humalakhak siya sabay tulak ng balikat ko. "Pero grabe, may tension 'yung tinginan niyong dalawa. Aminin mo."

I tried to ignore her, though I could still feel Chance's gaze lingering for a moment before he turned back — this time, binabatok na niya sina Henry at Nimbus habang tawa nang tawa ang mga ito sa pang-aasar.

And just like that, everything around me felt light again. But deep down, I knew... something in that glance didn't feel like a joke anymore.

"Sagutin mo na kaya siya," sabi ni Jilliana, sabay pasimpleng tingin kay Chance.

Napabuntong-hininga ako. "Probably not the right time. Nasa gitna sila ng laro, 'di ba? Paano ko naman gagawin 'yon ngayon?"

"Trust me," she said, half-smiling. "It's the right time. For sure mananalo sila."

"They're good at it," I replied, my eyes following Chance. "Mananalo sila kahit hindi ko sabihin."

"Come on," she teased, elbowing me lightly. "Make your guy happy."

Dying EmbersWhere stories live. Discover now