Chapter Twenty Eight: Captain
"I'm sorry," ani Chance habang pinupunasan ang mga luha ko kanina pa. Panay naman ang iwas ko ng tingin. Nahihiya ako sa kaniya. I feel like I concluded things without asking it in the first hand. Well, ganon din naman siya. But still, it felt out of my character to do something like this. At ngayon, hindi ko na matingnan ng diretso sa mukha.
"Chance, it's fine," sagot ko.
"Tingnan mo ako," aniya. Nag-iwas pa rin ako ng tingin.
Nakaupo na kaming dalawa sa isang round table. Maraming estudyante ang narito—nag-uusap, nagtatawanan. Tinabihan niya ako, 'yong isang braso niya ay naka-rest at the back of the seat kung saan ako nakasandal. Habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko, pinag-intertwine niya iyon tsaka pinisil-pisil iyon.
"You make me weak. You make me mad. You make me crazy," he breathes. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kaniya nang sabihin niya 'yon. I stared at him in the eyes. And I saw a glimpse of his pitch-black ones staring at mine as well.
"What I'm saying..." he chuckles and stare at my twiddling hands. His eyes flicker between my eyes and lips. "God I am so in love with you."
Pakiramdam ko nangatog ang tuhod ko nang sabihin niya iyon sa'kin. He sounded so serious and really... in love. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ang mga bagay na 'yon sa akin, but it did something in my body.
"You finally look at me, huh?" he teased.
Marahan ko siyang siniko na ikinatawa niya sa huli, "Tumigil ka nga. Hindi pa tayo bati 'no."
"Then, what can I do para bati na tayo?"
"Nothing."
"Halikan kita?"
Nag-init ang pisngi ko tsaka marahas na tumayo. Narinig ko ang pagtawa niya.
"Tara na nga!"
Napansin ko siyang tumayo, humarap siya sa'kin. "I missed this. I missed you."
Seryoso ko siyang tiningnan. I missed him too. Isang week pa lang 'yon, pero pakiramdam ko, parang sobrang tagal ko siyang hindi nakita. Hindi ko pa nararanasan ng mga ganitong bagay—ang maghintay, ma-frustrate, mainis, masaktan, magselos, lahat na. Hindi ko aakalain na sa iisang tao ko lang pala 'yon mararanasan. And it's a good feeling. It's like I'm human. Hindi ko maitatanggi sa kaniya na hindi ko siya na-miss, because everyday it was him I'm just thinking about.
"I missed you too, Chance."
Napansin ko siyang natigilan. Maya-maya ay ginulo niya ang kaniyang buhok. I heard him breathes curses. Maya-maya ay tumingin siya sa akin, sa mga labi ko, pumungay ang kaniyang mga mata. Pansin na pansin ang bawat mabibigat niyang hininga.
"Shit. Tara na nga," aniya. Hinawakan niya ang kamay ko at lumayo na sa puwesto namin.
Hindi ko maintindihan ang mga inakto niya. Nainis ba siya sa sinabi ko?
Hindi ko alam kung paano, pero nakarating kami sa isang malawak na field. Iba 'yong field kanina kung saan naganap ang program at cheers and yells. Iba rin dito. It's like a stadium, but not as big as the actual stadium you've seen. It's like it's made intended for baseballs and soccers only.
Tumungo kami sa isang bench.
"Oh? Nandyan na pala ang Captain natin!" I heard someone shouted. It's from his teammates.
"Come on, man, Coach is calling us!" I heard Henry shouted to Chance.
"Yeah! Just a minute," sagot niya sa mga kasama niya. Tumingin siya sa akin, "Will you be okay here?" tanong niya.
YOU ARE READING
Dying Embers
Teen FictionTwo hearts once burned brightly with love, but time and pain have turned their fire into fading embers. When their paths cross again, old feelings stir, and questions arise. Can they fan the embers back to life, or is their love meant to fade away...