Chapter Fourteen: Come What May
ᯓ★ play this while reading: it's you — henry lau 𝄞 ⋆ˎˊ-
Pinagmasdan ko si Chance, at agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko — parang may sumiklab na apoy sa ilalim ng balat ko. Nakaupo kami ngayon sa lumang bench, medyo malayo na sa lugar na kanina lang ay puno ng bigat ng mga salitang binitiwan niya. Tahimik na ang paligid, pero sa loob ko, parang may unos na hindi humuhupa. Habang siya ay kalmadong nakasandal, ako naman ay hindi mapakali — ang bawat tibok ng puso ko, parang kulog na umaalingawngaw sa dibdib ko. Hindi ko matagalang titigan ang mukha niya, kaya't iniwas ko agad ang tingin, pilit tinatago ang kaba sa likod ng isang kunwaring simangot.
"Stop staring," bulong ko, halos pabulong na may halong kaba sa boses.
Tumawa siya. 'Yong tawa niyang mababa at banayad, parang alon na dahan-dahang humahampas sa dalampasigan. "You started it," sagot niya, nakangiti.
Lalo akong namula. Hindi ko na siya sinagot; nanahimik na lang ako. Pero naramdaman ko ang kamay niya, mainit, maingat, dahan-dahang dumapo sa kamay ko. Isang simpleng galaw lang 'yon, pero sapat na para huminto ang mundo ko. Para lang marinig ko ang katahimikan, ang malamig na hangin, at ang tibok ng puso naming dalawa.
"Can I dance with you?" he asked, his voice soft, almost hesitant.
Napatingin ako sa kanya, at nando'n ulit 'yong ngiti niya. 'Yong ngiting kayang tunawin ang lahat ng takot ko. Warm, effortless, at sobrang pamilyar. Parang isang alaala na ayaw mo nang bitawan. At bago ko pa mapigilan ang sarili ko, napangiti ako at tumango. Tell me, how could anyone resist that?
We both stood, and in one smooth motion, his arm wrapped around my waist. His other hand gently took mine. The way he held me was familiar, reminiscent of the way Henry used to. But it felt so different. With Chance, his touch felt like home — steady, secure, and warm in a way that seeped into my bones. With Henry, I had felt... nothing. Just emptiness, like his touch was there but didn't leave a mark.
Then, as if it were the most natural thing in the world, Chance began to sing. His deep, rich voice filled the air, wrapping around me like a comforting embrace. In that moment, as his baritone voice carried the melody, I couldn't take my eyes off him. Habang kinakanta niya ang mga linya ng pamilyar na awitin, ramdam ko ang bawat salitang dumadaloy sa boses niya, parang sinulid na unti-unting humihila sa puso ko papalapit sa kanya.
Baby, I'm falling head over heels
Looking for ways to let you know just how I feel
I wish I was holding you by my side
I wouldn't change a thing 'cause finally it's real
I'm trying to hold back, you oughta know that
You're the one that's on my mind
Falling too fast deeply in love
Finding the magic in the colors of you
Pinakiramdaman ko ang puso ko, na parang sinasabayan ang bawat note ng kantang inaawit niya. Ang bawat tibok ay mas malakas kaysa sa dati, halos marinig ko na sa tahimik na gabi. 'Yong ngiti niya habang nakatingin sa akin — parang espesyal na sandali na kami lang ang nasa mundo. 'Yong mga mata niya habang nakatingin sa akin, nagliliyab ng damdaming hindi ko alam kung kaya ko bang suklian. Sa bawat hakbang ng sayaw namin, ramdam ko ang pag-init ng kamay niya sa palad ko.
Sa ilalim ng kalangitan, sa liwanag ng lampara at mahiyain na buwan, parang kami lang ang nandito. Parang tumigil ang oras para lang sa amin. Naisip ko, sana hindi matapos 'to.
Ang boses niya, parang malamig na simoy na bumabalot sa buong pagkatao ko, tila hinahaplos ang bawat hibla ng damdamin ko. Ramdam ko ang katapatan sa bawat salita, sa bawat nota. At doon, habang nakasayaw kami sa katahimikan ng gabi, naramdaman ko ang bumabalot na pag-ibig. Walang pag-aalinlangan. Wala na akong kawala.
YOU ARE READING
Dying Embers
Fiksi RemajaOnce, their love burned like wildfire-passionate, unstoppable, consuming. Pero tulad ng lahat ng apoy, unti-unti itong humina... hanggang sa naiwan na lang ang abo at mga nagbabagang alaala. Years later, fate throws them back into each other's world...
