Chapter Twenty-Two: Apoy
Pagkatapos ng mahabang, nakakapagod na araw, nagpaalam na kami kina Mom at Dad. Kahit pagod, ramdam ko pa rin 'yong saya sa hangin — 'yong tipong pagod pero masaya, kasi sulit naman lahat.
"Anak," sabi ni Mom habang hinahaplos ang braso ko, may bahid ng pag-aalala sa tinig niya. "Make sure you take care of your body and study hard, ha? Hindi na tayo sabay-sabay uuwi, and I won't be able to call you all the time. Ang dami rin naming kailangang asikasuhin."
Tumango ako.
Sumabay si Dad, seryoso pero may lambing sa tono. "You've got to stay focused and responsible now that you're on your own. It's a big step, but I know you can handle it."
Parang biglang tumimbang 'yong mundo ko. May halong kaba, pero may halong tapang din. Gusto kong patunayan na kaya ko. Na tama 'yong tiwala nila sa akin.
Hinatid kami ni Clarence pauwi, pero sabi ko na lang na ihatid na lang kami hanggang tapat ng CSU para sabay-sabay na kaming bumaba. Balak kong si Chance na lang ang maghatid sa akin pauwi sa apartment. Hindi naman siya nagtanong o tumutol, kaya tahimik lang akong napatingin sa labas ng bintana habang umaandar ang sasakyan.
Habang naglalakad ang mga ilaw ng kalsada sa gilid ng kotse, pabalik-balik sa isip ko 'yong sinabi ni Chance kagabi. I wanted to confront Clarence, gusto ko siyang tanungin kung bakit niya nasabi 'yong ganon. Yet, part of me felt too weak to face him. I knew Clarence could be difficult sometimes, but this time it felt different — like he had crossed a line. Still, I couldn't fully blame him; he had always been like a brother to me, fiercely protective since we were kids.
Pagdating namin sa tapat ng CSU, agad na nagpaalam si Jilliana. Sakto namang nandoon na 'yong sundo niya, kaya mabilis din siyang nawala sa paningin namin.
Sunod naman na nagpaalam sina Nimbus at Henry.
"Thanks for the invite, Rain," sabi ni Henry. "We had a great time. I would love to hang out more with you guys, but this guy..." he pointed at Nimbus. "Looks like he wants to sulk like the Nimbus he is."
"Tangina mo, Hari!" Binatukan niya si Henry, na ikinatawa ko. Pero imbes na magalit, mas lalo lang natawa si Henry, saka lumingon kay Chance.
"Chancey, love you bro! Bye!" biro niya pa, sabay kindat. Napangiwi si Chance.
"Siraulo ka talaga," sagot niya, pero may ngiti sa sulok ng labi.
Tumawa lang si Henry.
"Thanks, Rain! Paano, uh, mauna na kami. Ingat kayo," sabi ni Nimbus bago siya tumingin kay Chance. "Martinez, una na kami," dagdag pa niya, bahagyang tumango.
Umangat lang din ang baba ni Chance bilang tugon. Magkasabay talagang umalis sina Henry at Nimbus, naka-motorbike kasi sila, at doon nila ipinarada sa school parking lot. Kita pa namin mula rito kung paano sila nag-helmet, sabay pa rin kahit sa pag-alis. May mga guard pa ring naka-duty sa loob, kaya safe naman.
"Rain, mauna na ako. Therese is already calling," sabi ni Clarence mula sa loob ng SUV. Hindi na rin siya bumaba kanina.
Tumango ako, forcing a small smile. "Thank you, Clarence. Mag-ingat ka."
He nodded, eyes softening for a moment before turning away. "You too," mahina niyang sagot, tapos ay pinaandar na niya ang sasakyan.
Ngumiti siya sandali bago muling umupo ng maayos at umalis na. Hindi man lang niya tiningnan si Chance. Tahimik lang kami ni Chance habang pinapanood naming unti-unting lumayo ang SUV. Sa pagitan ng lamig ng hangin at ng bigat na nakabitin sa paligid, ramdam ko ang tension na iniwan nilang dalawa kagabi — isang bagay na hindi kailangang sabihin pero mahirap hindi maramdaman.
YOU ARE READING
Dying Embers
Teen FictionOnce, their love burned like wildfire-passionate, unstoppable, consuming. Pero tulad ng lahat ng apoy, unti-unti itong humina... hanggang sa naiwan na lang ang abo at mga nagbabagang alaala. Years later, fate throws them back into each other's world...
