18

1K 49 14
                                        

Days after visiting Myles on their home ay nakapasok na rin sa eskwela si Myles, fully recovered and all. Maaga siyang pumasok ngayon dahil pinili niyang ihatid ang kapatid niya sa sarili nitong paaralan.

Pagpasok sa loob ng building ng SMU, natanaw na niya agad si Jamie mula sa hallway. Myles approached her best friend and greet her in her own way- locking Jamie's head using her arm.

"James Bond Willow R. Cruz!" Magiliw at masiglang bati ni Myles kay Jamie.

"Aray-!" React ni Jamie, "Dahan-dahan naman! May balak ka bang sakalin ako?!"

"OA! Na-miss lang kita kaya gusto kitang yakapin sa leeg hanggang mag-violet." Sagot ni Myles at pagtapos ay tumawa bago tanggalin ang kaniyang braso mula kay Jamie.

"Na-miss din kita, pre. Pero kung ganiyan ka maka-miss, sana nag-bed rot ka muna hanggang matapos 'tong sem!" Sabi ni Jamie before clearing her throat, "Nga pala, kamusta na pakiramdam mo?"

"Better than ever, James. And, in both ways."

Jamie smiled upon hearing this from Myles, knowing what the latter was trying to indicate. Sa loob ng mahigit isang linggo ng pahinga, hindi lamang siya nag-heal physically, but also emotionally.

"That's good to know!" Jamie grinned.

Bago makapagsalita muli si Myles ay natanaw ng mga mata niya si Casey, na mukhang papunta na sa classroom nila dahil sa hawak-hawak nitong mga libro.

Myles decided to approach her. "Casey, wait!" She called for the MedTech student, running towards Casey, with Jamie tagging along with her.

It's been a few days since Casey visited her from their house with Alex and Jamie, sending some words that struck through Myles's heart. Myles thought about it over and over again while she rested and did her best to recover at home bago niya napagtantong tama nga si Casey sa sinabi niya.

"Oh, Myles? Bakit? May kailangan ka ba?" Tanong ni Casey sa kaniya.

"No, wait— I mean, yes. I mean—!" Myles took a deep breath to calm herself down because she's stuttering too much. "I just wanted to thank you again... and even apologize once more."

Casey raised her eyebrow at her. "Para sa'n pa? Diba na-settle naman na natin 'to?"

"I know, Casey. But listen- I know it's wrong for me to try and pester you into liking me back then. Pero tama ka rin na it's wrong to take revenge to other feminine women, just because I was replaced by one by my ex before. Saka diba, you told me rin na I should start by forgiving myself? Napag-isip-isip ko 'yon nang mabuti when I had enough time to think about all my wrongdoings. But I don't think na mapapatawad ko sarili ko for being an asshole to you while you showed me your genuine kindness. Kaya I'm sorry for ever ruining your peace, Casey."

Casey stared longer at Myles because of what she just said. Sobrang pagpapakatotoo ang ipinapakita sa kaniya ng Myles na nasa harapan niya ngayon. Ibang-iba sa Myles na nakilala niya noong unang tapak niya pa lang sa SMU.

"If... if hindi pa sapat apology ko, tell me what I should do. Ano pang kailangan ko to prove myself? What more can I do para mapatawad pati sarili ko?"

Casey shook her head. "Wala na, Myles. In my case, I've already accepted your apology. Hindi rin naman ako makikialam sa gawain niyo ni Jamie kundi lang ako na-involve eh. Bahala ka na kung ano gusto mong gawin sa buhay mo. Wala na 'ko do'n."

Paalis na si Casey sa harapan ni Myles when the latter saw the former struggling with holding her textbooks.

Myles decided to take it from Casey's hand, "Here, let me help you with that." She said, offering to hold it instead para hindi na siya mahirapang magbitbit ng gamit.

After All There Was You || Macolet AUWhere stories live. Discover now