24

670 26 3
                                        

Morning of the New Year's Eve came faster than expected. Ang ibang mga pamilya'y naghahanda panigurado ng kanilang mga ihahaing pagkain para sa okasyon, nagpupunta sa kaniya-kaniyang mga probinsya upang dumalaw sa kamag-anak, o di kaya'y simpleng magkakasama sa bahay at nagsasalo-salo sa mga handang nakahain sa lamesa.

However, this wasn't the case for Casey. Here she is, at the cemetery, standing in front of her father's grave as the cold breeze of air brushed against her cheeks. Walang masyadong tao sa paligid, given that it was New Year's Eve and anyone except those with a deceased family member would probably all just stay at home. Tanging ingay lamang sa kaniyang paligid ay ang kaluskos ng mga dahon dahil sa hangin.

Casey took a deep breath before kneeling down in front of the grave, placing a small bouquet of white lilies on the grass and lighting up a candle that she brought, replacing the old, melted ones.

Kung ang ibang tao'y ipinagdiriwang ang Bisperas ng Bagong Taon, Casey's honoring her father's death anniversary which was held on the same day.

"Pa, kumusta ka na?" Panimula ni Casey habang malalim ang tingin sa puntod ng kaniyang ama, trying her best to smile. "Alam ko namamayapa ka na, lalo pa't wala ka nang kailangang tiising sakit."

Naupo si Casey sa damuhan, gently tracing her father's name that's written on the plaque.

"Alam mo ba, Pa? Ang dami na ka'gad nangyari simula nung lumipat ako sa SMU. Ang dami ko rin gustong ikuwento sa'yo."

Nagsimulang magkwento si Casey tungkol sa kaniyang mga naging karanasan sa nakaraang taong nagdaan. Wala man mismo sa tabi niya ang kaniyang ama, nararamdaman niyang pinapakinggan siya nito kung nasa'n man siya ngayon.

"-minsan na nga lang natatawa ako 'pag naiisip ko 'yon, Pa. Gusto ko lang naman magtapos ng pag-aaral sa SMU ta's masisingit ako sa drama nila Myles? Noong una, ginusto niya lang makuha atensyon ko para sa isang pustahan. Ngayon, 'di ko alam kung ano bang nakita niya sa'kin pero bigla na lang siyang nagkagusto sa'kin, can you believe that? Ang nakakagulat pa ro'n, sobrang genuine talaga ng mga kilos niya sa'kin. Siya pa mismo nagsabi na hindi na raw mahalaga kung gustuhin ko siya pabalik, as long as alam niyang masaya ako at nakakatulong siya sa'kin. Hindi ko rin maintindihan, Pa." Casey let out a small laugh, though her voice started to crack as soon as she continues.

"S-sorry, Pa. Minsan na 'nga lang kita bisitahin, magra-rant pa 'ko sa'yo." She laughed again, bitterly. "Nung nabubuhay ka pa kasi, ikaw lang nakakasagot ng mga tanong ko."

Casey let out a sigh, finally decided to speak out what question she had in mind. "Should I open my heart again? For... Myles? Natatakot na kasi akong magmahal ulit, Pa. Kundi ako 'yung masasaktan, may masasaktan akong iba. Natatakot ako kasi... kasi hindi ko pa rin alam kung anong nararamdaman ko para sa kaniya."

"Ayoko naman na umasa siya sa wala." She continued, "Okay lang ba na bigyan mo 'ko kahit na sign man lang, Papa? Kailangan ko lang kasi ng sagot." Casey pleaded, desperate to get an answer from her deceased father, staring at his grave before her.

Within a few moments of silence, Casey found herself wiping her unshed tears as she stood up on her feet.

"Siguro... kailangang ako na mismo makahanap ng sagot sa tanong ko, 'no, Pa?" Sabi niya at bahagyang tumawa sa sarili. "Sorry kung inabala pa kita, Pa. Thank you na rin. Tuwing binibisita kita, nagkakaro'n ako ng lakas. Bibisitahin kita ulit, Pa. Happy New Year's Eve, Papa."

--- Timeskip ---

After her visit at her father's grave, Casey decided to go to a nearby coffee shop. Dito na rin siya nagpasundo kila Jamie dahil aalis sila ngayon upang mag-hangout.

After All There Was You || Macolet AUWhere stories live. Discover now