26

1K 33 56
                                        

"Hello, guys! Nakabalik na kami!" Rinig na sigaw ni Jamie nang siya'y papasok ng pintuan.

Matapos ang kanilang pagkain ng tanghalian, nagpahinga sila saglit bago nagpasya sina Jamie, Alex, at Myles na pumunta sa grocery store upang bumili ng mga kakailanganing ingredients sa kanilang lulutuin para mamayang gabi.

Namili na rin sila ng mga snacks, tulad ng chips, para pandagdag na rin sa kanilang mga pagkain.

Hawak-hawak ang dalawang plastic bag na punong-puno ng chichirya, sumigaw ulit si Jamie. "Guys! Patulong sa bitbit ko! Medyo mabigat siya, ha?!" Reklamo't pagtawag niya sa mga naiwang kaibigan sa bahay nila Alex.

Hindi na kasi pinasama ng tatlo sina Casey, Sky, at Sheila sa pag-grocery, tutal sila rin naman may sagot ng pagluluto at sila ang nakakaalam ng dapat bilhin. Also, they insisted na hintayin na lang sila upang 'di sila mapagod, as the 'gentlewomen' they are.

Sa pagtawag naman ni Jamie ay siya ring paglapit ng tatlo sa kaniya upang tulungan silang magbitbit ng pinamili papunta sa kusina.

"Ba't parang ang dami niyong binili?" Nagtatakang tanong ni Casey habang tinitignan ang mga hawak nilang plastic bag.

"Oo nga. Ali's credit card is probaby crying na." Sabi naman ni Sky.

"Ito kasing si James. Sabi ko kasi sa'yo, eh, go light on the snacks." Sagot ni Myles na ibinaba rin ang hawak niyang dalawang bag sa lamesa. "Usapan natin ingredients lang ta's few chips and bottles of alcohol."

"Magaan lang naman ang chips, ah!" Depensa ni Jamie.

"Magaan lang kasi isa-isa mong nilalagay sa basket! Eh 'yung alak na idinagdag mo?" Kontra ni Myles sabay taas ng isang kilay.

Napailing si Alex habang sinasarado ang pinto, using her free hand, lucky enough to hold just one bag. "Let's just put the groceries on the table for now. Mamaya na kayo magsi-complain."

"Ay, anong itatabi? Kailangan na natin i-marinate 'yung chicken wings, oy!"

"Can't we just do it later?" Alex wondered, tila wala pang ganang gumalaw.

"Halatang hindi nagluluto, Lex, ah." Sagot ni Jamie. "Mas flavorful, tender, and juicy ang chicken kapag na-marinate."

"Tender and juicy, wow hotdog yarn?" Sheila commented, making the others laugh.

"Dalian niyo na kasi para makapag-swim swim na tayo sa pool!" Sambit ni Jamie.

"Okay po, Master." Myles playfully saluted. "Gawin na namin 'yung cookies ni Alex, kayo na bahala dyan."

Jamie nodded in agreement, "Gora! Dali-dali!"

"Tawagin niyo si Glenn 'pag mag-swimming na!" Paalala ni Myles sa mga kaibigan. "Nasa'n ba 'yung batang 'yon?"

"Tulog teh, sana all diba? Napagod kakanood ng Bini." Sagot ni Sheila.

"Ay pasabog! P-pop pinapanood, hindi cocomelon." Sabi ni Jamie sabay tawa.

Matapos ang kanilang pag-uusapn, naghati-hati sa trabaho ang magkakaibigan- Sina Jamie at Sheila ang nag-marinate ng chicken, sina Alex at Myles ang nag-prepare ng cookie dough, at sina Casey at Sky ang nag-tabi ng mga snacks at alak that they would consume tonight.

Nang matapos silang lahat ay nagpasya na silang pumunta sa may pool area nila Alex. Unang-unang nagtampisaw sa tubig si Jamie, doing a cannonball that left a big splash as soon as she hits the water. Sumunod naman ang iba sa kaniya, but only doing a small jump instead.

"Tara chicken fight, oh!" Aya ni Jamie sa oras na makapagtampisaw na ang lahat sa swimming pool.

"Game!" Pagtanggap ni Myles.

After All There Was You || Macolet AUWhere stories live. Discover now