Kabanata 4

24 1 0
                                    

Kabanata 4

Sinigurado kong balot na balot ako sa kumot buong gabi. Hindi nga ako masiyadong nakatulog dahil sa matinding pag-iisip.

Nagising ako sa magkakasunod na katok mula sa pinto. Mukhang tanghali na. Hindi ako gumalaw. Ngunit nang hindi tumigil ang kumakatok ay naisip kong bumangon. Bago ko pa man iyon gawin ay naunahan na ako ni Lucas.

Nag-unat unat siya bago binuksan ang pinto. Narinig ko ang boses ng isang lalaki at babae mula sa labas. Pasimple akong dumungaw upang makita kung sino ang kausap niya. Nakaharang ang likod niya sa pintuan kaya hindi nila ako mapapansin.

Isang magandang babae ang nakita ko. As in sobrang ganda niya. Mukhang mas bata ata kay Lucas ng tatlong taon, possibly even more. She has this youthful glow about her that made her look incredibly fresh and vibrant. Kasama niya ang isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ni Lucas. He has a tan complexion, which made him stand out. Gwapo rin. Bakit kaya ang daming gwapo ngayon?

Hindi ko gaanong marinig ang pinag-uusapan nila. May inabot ang lalaki kay Lucas. Ilang minuto pa silang nag-usap bago niya sinarado ang pinto at bumalik sa loob.

Bumangon ako at nagkusot kusot ng mga mata. Nang makita niya akong gising na ay agad siyang ngumiti.

"Good afternoon."

"Good afternoon," I replied.

"Mag-brunch kana," aniya at nagtungo sa lamesa upang ayusin ang pagkaing inabot sa kaniya noong lalaki.

"Sino 'yon?" tanong ko. Bigla tuloy akong nagsisi na nagtanong pa ako.

"They're my childhood friends," he replied. "Iyong lalaki, best friend ko. Iyong babae... she's my fiancée."

Natigilan ako. Fianceé niya 'yon? Mayroon pala siyang fianceé? Kung ganoon, bakit nagpapatuloy pa siya ng ibang babae rito sa bahay niya? At bakit nakikipaglandian pa siya sa ibang mga babae?

I swallowed hard. So, tama nga ang iniisip ko? Babaero talaga siya! Balak niya ba akong gawing kabet? Side chick niya?

Sumakit ang dibdib ko nang mapagtanto ang salitang iyon. Come on, Laure. You used to be like that, remember? Para naman hindi na bago sa'yo 'yan.

"B-Bakit hindi mo siya pinatuloy?" I panicked, my voice trembling.

Of course, Laure dahil nandito ka. Kung papatuluyin niya ang fianceé niya, makikita ka. Anong iisipin nalang nun?

I suddenly stood up from the bed, the panic rising in my chest.

"May fianceé kana pala, bakit pinapatuloy mo pa ako  rito sa bahay mo?" I couldn't stop myself from raising my voice. "That's so disrespectful to her!"

I have no idea why I was reacting this way, why I was so upset. Pero ayaw ko ng malagay ulit sa posisyon ko noon. Ayaw ko ng may masirang relasyon at umiiyak na babae dahil sa akin.

Caelum looked at me. Wala siyang reaksyon. Para bang wala lang sa kaniya or parang normal lang sa kaniya ang nangyayari. See? He's a playboy!

"Calm down, Laure," he said. "It's not what you think."

I wasn't sure if I wanted to hear the explanation. My arms crossed over my chest, forcing myself to breathe through the rising emotions.

"I'm not doing anything wrong, Laure. She and I..." he paused, trying to find the right words. "We're not the way you think we are. Things between us aren't as simple and it's... complicated. I don't want to make you uncomfortable by bringing her in here,"

Lost on the Road (COMPLETED)Where stories live. Discover now