Kabanata 13

25 0 0
                                    

Kabanata 13

Sobrang sakit ng ulo ko nang magising, epekto ito ng alak kagabi. Bahagya akong gumalaw nang maramdamang may katabi ako sa kama. Imbes na matuon ang atensyon ko roon ay napadako sa kirot na naramdaman ko sa ibabang parte ng katawan ko.

Nakapulupot sa katawan ko ang kumot at itinaas ko iyon upang masulyan ang aking katawan. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang katawan kong walang saplot. Umakyat ang kahihiyan, guilty at lungkot sa buong pagkatao ko nang ma-realize ang nangyari kagabi. I had sex with Lucas Villaverde!

Dahan dahan akong bumangon ngunit napadaing sa sobrang sakit. Nanlulumo ako habang iniisip ang nangyari kagabi. Gusto kong magwala ngunit alam kong hindi ko na mababawi pa ang nangyari dahil tapos na. Nakuha na niya ako! Wala na akong pinagkaiba sa mga babae niya. Wala na ang iniingatan ko!

Isang patak ng luha ang bumagsak sa pisngi ko. Hindi ito dahil sa kirot na nararamdaman ko sa pisikal ngunit sa panghihinayang at pagsisisi na naisuko ko na ang puri ko. I felt so sorry for myself, for giving in like that. On top of that, I couldn't stop thinking about what I saw last night, which was the reason I ended up drinking so much.

Niyakap ko ang aking tuhod at tinakpan ang aking bibig nang mapahikbi. I was sure that after what happened, he would just throw me away and forget about me. It would be just like what happened with Harris, who left me all alone on the road.

I couldn't control it. I couldn't stop the sobs that came crashing out of me. What had I done? How could I have let this happen?

I could feel it deep inside. I knew that after what happened, he wouldn't care about me anymore. He would just forget me, like I was nothing. I wasn't the one he'd care for or protect. I was just another mistake. He had gotten what he wanted. I was just another conquest. Lahat ng pinangako ko sa sarili ko at sinabi ko, lahat iyon ay kinain ko rin.

"Laure..." his voice almost rough.

Naramdaman ko ang pagbangon niya ngunit hindi ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Nanatili akong nakayakap sa mga tuhod ko at hindi maawat ang aking sarili sa paghikbi. I couldn't stop. I felt broken completely, utterly broken and I didn't know how to stop the tears.

I just wanted to disappear. I wanted to shrink into nothing and never be seen again. His voice, the sound of him calling my name, only made everything worse.

Gamit ang palad niya, inangat niya ang mukha ko upang salubungin ang aking mga mata. Nanatiling blangko ang mukha niya dahilan para mag-iwas ako ng tingin.

"A-Aalis na 'ko... mamaya, 'wag kang mag-alala..." I hurriedly said, trying to get the words out before he could say anything.

Ayaw kong sa kaniya pa manggaling. Mabuti pang ako na lamang ang magpresinta na umalis. Bahala na kung saan ako pulutin. Basta gusto ko ng makalayo sa kaniya, makalayo sa lahat.

"I-Iyong nangyari kagabi, wala lang 'yon. H-Hindi ako naghahangad ng iba. We were d-drunk..." hindi pa rin ako tumingin sa kaniya.

Binawi ko ang mukha ko sa kaniya at astang tatayo upang dumiretso sana sa banyo, ngunit muntik na akong bumagsak sa sakit ng legs ko at ng ibabang parte ng katawan. Mabuti na lamang at nahawakan niya ang waist ko dahilan para hindi ako bumagsak. Ngunit nahugot ang kumot na nakapulupot sa katawan ko. Once again, my naked body was exposed to him. Muling umakyat ang init sa aking mukha sa panibagong kahihiyan.

"Wag kana munang gumalaw masiyado..." kalmadong sabi niya.

Inayos niya ang kumot at muling itinakip sa aking katawan. Kinuha niya ang tuwalyang nakasabit at iyon naman ang ipinulupot niya sa bewang niya. Nangingilid pa rin ang mga luha sa mga mata ko habang pinapanood siya.

Lost on the Road (COMPLETED)Where stories live. Discover now